"Bakit sumama ka sakanila?"
Iyan ang tanong niya sakin pagkatapos namin sumakay sa isang kahon! Nakaupo ako ngayon— at kakaiba... ang kinalalagyan ko.
"Ano ang tawag sa bagay na ito?" Hindi ko maiwasang itanong sakanya.
Sinimangutan ako nito. "Sasakyan ang tawag dito. Now tell me— bakit basta ka na lang sumama sakanila? Hindi mo ba alam na delikado ang ginawa mo?"
Sasakyan? Bakit kami nandito?
"Gusto ko lang naman malaman kung saan ang daan paalis sa palasyong iyon. Maraming pasikot-sikot kaya ako'y nagtanong," panimula ko sakanya. "Hindi ko naman inaasahan na itutulak nila ako papasok!"
"Hindi mo ba sila kilala?"
"At sino ba ang mga iyon upang kilalanin ko?" Balik na tanong ko dito.
Hindi ito nagsalita at umiling na lang sakin.
"Hindi mo ba alam na delikado iyong ginawa mo kanina? Paano kung hindi ako bumalik?"
Tinignan ko naman siya. "Kung ganon, bakit ka bumalik?" Hindi ko mapigilang itanong sakanya.
Hindi nagsalita ang lalaki.
"Hindi ko naman inaasahan na—"
"Hindi ko alam kung saan ka galing, pero delikado mundong 'to. Kailangan alam mo kung sino ang pagkakatiwalaan mo sa hindi. Naiintindihan mo ba?"
"Nakukuha ko ang iyong pinupunto." Tumango pa ako sakanya. "Iyan din ang sinabi sakin ng aking ama– na nakakatakot daw ang mga tao sa labas ng palasyo."
"When are you going to stop telling me that!?" Inis na aniya.
"Ano ang isang presidente?" Tanong ko sakanya. "Iyon ba ay tila Hari? At kung anak ka ng presidente– ibig sabihin noon ay kasing lebel mo ako. Isa ka ring prinsipe."
Tumango-tango ako sa naisip. Tama. Siyang tunay na napakatalino ko talaga.
"Hindi ka mali. Pero prinsipe at hari? We don't do that here. The country is run by democracy."
"Democracy...?" Tumabingi ang ulo ko sakanya.
Suminghap ito at sinandal ang kanyang ulo sa upuan. Akala mo ay napagod siya sa aming usapan.
"I am not going to lecture you about democracy here," inis na aniya. "Saan ka nakatira?"
"Sa unang palasyo nga. Iyon ang tawag sa lugar kung saan ako nakatira."
Tinignan ako nito ng masama kaya naman napaatras ako ng kaunti. Kahit ilang oras ko pa lang kasama ang lalaking ito ay nararamdaman ko ang pagiging bayolente niya sa mga bagay.
"Are you really dvmb or just plotting something that's why you're acting this way?" Tanong nito sakin na ikinataka ko. Pero base sa tono nito, galit na naman siya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, pero may isa pa akong tanong– ano ang sinakyan natin kanina? Nakakapagtaka ang bilis nito! Nasaan ang mga karwahe bilang transportasyon? Bakit isang kahon na umaandar ang gamit niyo—"
Huminga ito ng malalim at pumikit. "Are you really crazy?"
"Sabi ko ay tigilan mo ang ganyang pagsasalita dahil hindi ko naiintindihan," balik ko sakanya.
Kahit madilim ang kinauupuan namin ay nakita ko kung paano mamula ang leeg nito dahil sa galit.
Napanguso ako at isiniksik ang sarili sa gilid ng sasakyan gaya ng sabi niya kanina.
"Saan ka nakatira?" Mariin muli na tanong niya.
"Bakit hindi ka ba naniniwala sakin? Doon nga ako nakatira–sa unang palasyo! At naniniwala akong wala ang palasyo dito–"
"Wala talagang palasyo dito!" Inis na sigaw niya.
"Huwag mo ako pagtaasan ng boses," kalmadong banta ko sakanya. "Galit na galit ka kakasigaw. Hindi ba sumasakit ang iyong labi?"
Inabot ko ang kanyang mukha at hinaplos ang natuyo nitong sugat.
"Kailangan natin gamutin ito," sabi ko sakanya at ngumiti. "Salamat sa pagligtas sakin. May problema talaga ako sa pagkilatis ng mga taong pwedeng pagkatiwalaan."
Pagkatapos ko punasan ang dugo sa labi nito ay doon siya nagsalita muli.
"Saan kita dadalhin kung ganon?"
"Hindi ba pwedeng isama mo na lang ako kung saan ka pupunta?"
"Paano kung masama akong tao?" Tanong niya sakin na ikinatigil ko.
Hindi ko... naisip na isa siyang masamang tao. Oo, baka nga may problema siya sa ugali... Ngunit hindi ko naman naramdaman na tila may masama itong intensyon.
"Mukhang mabait ka naman."
"You're really bad at judging then," iling niya at nagulat ako noong may tumunog na malakas.
Nagsimulang gumalaw ang sasakyan– na para bang lumilindol.
"Ano iyon? Bakit nanginginig ang sasakyan?"
"It's starting."
May ginalaw ito– at sumunod noon ay gumalaw na mismo ang sasakyan!
Napasigaw ako at laking pasasalamat ko noong huminto ang sasakyan!
"B-Bakit naman gumagalaw ang bagay na ito!?"
"Bakit ka sumisigaw?! Malamang, sasakyan 'to! It suppose to move!" Hindi makapaniwalang tinignan ako nito. "Hindi ka pa ba nakakasakay... oh."
"Hindi pa ako nakakasakay sa ganito! Karwahe ang aming ginagamit sa paglalakbay!"
Napasimangot si River at nagulat ako noong inilapit niya ang kanyang mukha!
Natigilan ako— ganon din siya. Napakagat ako ng labi at hindi maiwasang tignan ang mukha nito.
Walang bakas ng pagkaamo ang itsura ni River. Ang mata nito ay matalas, makapal ang kilay at pilik mata, ang ilong nito ay matangkad— at ang hugis ng mukha nito ay depina ang panga.
Kung may malambot mang parte sa mukha nito ay iyon ang kanyang manipis na labi.
"Huwag ka diyan tumingin," si River kaya naman napatingin ako sa mata niya. "I forgot to put your seatbelt."
Pagkatapos noon ay may hinila siyang tila makapal na tali at binalot nito ang kalahati ng katawan ko sa upuan.
"Ano ito?"
"Para yan sa... kaligtasan mo."
"Delikado ba ang sasakyan?!" Gulat na tanong ko sakanya.
Sumimangot ang lalaki. "Ikaw ang delikado."
Muling umandar ang sasakyan– at napahawak naman ako sa braso niya.
Muling huminto ang sasakyan pero mas biglaan ngayon, at kung wala akong seatbelt ay tumalsik na ako!
"Don't... huwag mo akong hawakan habang nagmamaneho, okay? Pareho tayo mapupunta sa kabilang mundo niyan."
"Bakit hindi kita dapat hawakan?"
"Dahil manebela ang hawak ko. Baka ma-aksidente tayo— kaya huwag mo akong hawakan."
"Masusunod," tango ko sa gusto niya at hinawakan na lang ang sarili. "Ako'y kinakabahan!"
"Tsk. Hindi mo kailangan matakot."
Gumalaw ulit ang sasakyan at ang bilis ng pagkabog ng aking dibdib. Tahimik lang akong nakaupo at tinitignan ang bintana.
Kahit nasa loob kami ng sasakyan ay tanaw ko pa rin ang labas.
"Grabe... Ito na ba talaga ang hinaharap?" Hindi ko maiwasang ikomento.
Kakaiba na ang mundo ngayon. Patag ang daan, maliwanag— at marami ring sasakyan.
Hindi ko inaasahan na kayang magbago ng mundo at umabot sa ganitong punto.
"Kaya pala ang pananamit ay nag-iba na..." Bulong ko sa sarili.
"Alam mo ba, ang hirap ng mundo noon?"
"Pag-uusapan ba natin iyang kaharian mo?" Aniya.
Tumango ako sakanya bilang sagot. "Oo! Alam mo bang walang sasakyan at kabayo lang ang meron doon? Wala ding ilaw na ganito kaliwanag sa daan at... iba ang pananamit!"
"Well, the world now is very different from what you use to know."
Napangiti ako noong makita ang isang bata na tila may binibili sa gilid. Nakahinto kasi ang sasakyan kaya hindi ko maiwasang titigan iyon.
Mukha kasing interesante ang bagay na iyon.
"Ano iyon?"
"Ice cream," sagot niya agad.
"Mukhang sarap na sarap ang batang iyon..."
"Gusto mo ba?"
Nilingon ko siya sabay tango ng may ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil nilagpasan niya iyong bilihan.
"Bibili tayo sa iba. Hindi ako pwedeng bumaba basta sa sasakyan."
"At bakit naman?"
"Nasa gitna tayo. Batas."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "May mga batas rin pala kayo dito!?"
"Syempre, meron... Anong tingin mo sa'min?"
"Ngunit bakit kakaiba ang mga suot niyo? Masyadong maikli, masyadong kita ang balat–"
"Dahil walang masama doon, Adelaide." Sagot niya. "Hindi masama magsuot ng ganon. Okay? We'll buy your ice cream now."
Nanlaki ang mata ko noong nagsalita lang siha sa pader– at may sumagot pabalik!
"One ice cream sir, coming right up!"
"Iyan ba ay mahika!?" Tanong ko sakanya.
"Teknolohiya," sagot niya. "Oh god, answering you is tiring. Hanggang kailan ka magpapanggap na hindi mo alam ang mga bagay-bagay?"
Gumalaw ang sasakyan– at mabilis lang ang nangyari.
May ice cream na ako sa harapan.
"Kumain ka na," aniya na mabilis ko namang sinunod.
Matamis, malamig, at natutunaw ang pagkaing ito sa bibig ko. Napaamang ang labi ko sa sarap noon.
"Ito ba ay gawa rin ng teknolohiya?"
"Yeah..." Maikling sagot niya, mukhang sumasangayon.
"Ang sarap," naiiyak na sabi ko sa lalaki. "Hindi ko alam na may ganito kasarap na pagkain!"
"Ngayon, alam mo na... Marami pang pagkain na mas masarap diyan.."
Nanlaki ang mata ko. "Talaga?!"
"Talaga..." Aniya. "Saan ka ba nakatira? Kailangan kita ihatid."
"Wala dito ang tirahan ko. Hindi nga ako nakatira dito, River."
Suminghap siya. "Saan kita dadalhin kung ganon?"
"Sasama na lang ako sayo," ngiti ko sakanya.
"Hindi pwede sa'min."
"Kung ganon ay saan ako pwede tumuloy?" Takang tanong ko. "Maari ba akong–"
"You're too naive," iling pa niya. "You won't even survive here alone. Baka kung ano pa ang mangyari sayo..."
Tinitigan ako ni River na parang tinitimbang niya ang kanyang desisyon. Itinaas ko ang aking kamay sakanya.
"Pangako! Hindi ako manloloko o ano. Ako'y galing talaga sa sinaunang panahon at hindi ko alam kung paano babalik!"
"Kailangan mo umuwi pagka-umaga," sabi na lang niya.
"Ngunit hindi ko nga alam ang daan pauwi!"
Habang nasa biyahe ay kinukumbinsi ko si River na huwag akong paalisin at kung ano pa.
"Babayaran na lang kita sa pagpapatuloy sakin!" Sabi ko sakanya.
"At ano naman ang ibabayad mo sa'kin?"
Napahinto ako sa sinabi nito. Wala pala akong dala na kahit ano–ngunit nakuta ko ang aking suot na bestida. May maliliit itong diyamante na nakakalat bilang disenyo.
Mabilis kong binunot iyon at ibinigay sakanya. "Ito ay isang diyamante. Sapat na ba ito bilang kabayaran?"
"Stop sh!tting around..." aniya. "We are here. Huwag kang kumilos ng kakaiba, maliwanag?"
"Maliwanag!"
Naunang bumaba si River at mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Mabuti naman at nakauwi ka na!" Ani ng isang ginang. "River, sino iyan?"
Napahinto ang lalaki sa pagkunot ng kanyang noo noong dumating ng sinalubong kami nito.
"Adelaide... my girlfriend."
Napatakip ng bibig ang ginang at nilapitan ako.
"Magandang gabi," bati ko.
Ngumiti ito sakin. "Good evening, hija. Kumusta ka? Galing ka rin ba sa palasyo kaya ganyan ang suot mo?"
Ngumiti ako dito. "Opo, galing ako sa palasyo. Isinama po ako ng inyong anak dahil wala akong matutuluyan."
"Mom, don't listen to her, she is just playing around," singit ni River.
"Wala kang matutuluyan?" Natigilan ang ina nito. "At bakit naman hija?"
"Hindi po ako tiga dito... Kaya naman ako po ay nagagalak dahil pinatuloy ako ni River dito."
"Don't listen to her, mother..." Inis na sabi ni River. "She is just drunk."
"Wala kang matutuluyan? Malaki ang bahay na 'to anak!" Aniya at tumawa. "Pwede ka dito hangga't gusto mo!"
"Mom!"
"Talaga po?"
Tunay namang malaki ang gusaling ito. Halatang maraming silid sa loob!
"Oo naman, hija. Hayaan mo si River! Halika dito," anyaya nito sakin. "Ililibot kita sa bahay at mamimili tayo ng kwarto— so tell me, kailan naging kayo ni River?"
"Mom!"
Hinila ni River ang braso ko papunta sakanya.
"Huwag ngayon dahil pagod si Adelaide. Kakarating lang niya sa ibang bansa... Pwede mo siya tanungin bukas."
Hindi naman ako pagod at marami pa akong enerhiya!
"Ganon ba?" Nawala ang ngisi ng ginang. "Sabagay, nakakapagod naman at dumiretso ka pa sa party!"
"Thank you, Mom... Aakyat na kami." Hinila ni River ang beywang ko bago pa makapagsalita.
"Ngunit hindi pa naman ako pagod," sabi ko sakanya habang hinihila ako paakyat.
"Sa lahat ng kakausapin mo, wag siya."
"At bakit naman huwag?" Tanong ko sakanya.
"Dahil delikado. Mabilis makabasa si mom, and she will tell dad... and that's fvck up. We need to make a story first before talking to others." Suminghap ito na parang ang laki ng kanyang problema. "And I am doing it with you who looks like losing sanity."
"Ang ganda ng lugar na ito!" Palakpak ko pa sakanya. "Pwede bang dito na lang ako? Marami akong diyamante sa suot ko– pati ang perlas ay pwede ko ring ipangbayad sayo!"
"Stop it... Who the fvck will put diamonds on a ball gown?" Simangot niya. "Magpahinga ka muna sa guest room. Kakausapin pa kita so I know we're on the same page of lying."