11: The Unknown

3032 Words
"This is going to be your room. Stay here alright? Kakatok ako pag nandito na," bilin nito. Tumango ako sakanya bilang sagot. "Okay..." Seryosong tumango ang lalaki at hindi na nagsalita. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako noong bumalik ito. Kumunot ang aking noo. "Ano?" "Limang katok. Pag hindi limang katok ang narinig mo, huwag mong bubuksan ang pintuan. Okay?" Detalyadong habilin niya sakin. Napanguso ako sa habilin nito. "Maliwanag." Iyon na ang huling habilin niya at isinarado nito ang pintuan. "Ang liit naman ng silid na ito..." Bulong ko pa at tinignan ang paligid. Malinis at walang kahit anong gamit. Tinignan ko ang kama. Mas malaki pa rin ang nasa silid ko. Umupo ako doon at noong makita na mukhang ayos naman ay humiga ako. Doon ako nakaramdam ng pagod. Biglang sumakit ang katawan ko at tila hinihigop ako ng antok. Kung panaginip ito, sana hindi na ako magising. Kakaiba ang lugar na ito at gusto ko pa maglibot– gusto ko pang malaman kung anong kayang ibigay ng lugar na ito sakin na kahit kailan, ay hindi ko mararanasan sa kaharian. "Sabi ko sayo ay huwag kang matulog..." Bigla akong nagising at nilingon ang lalaki na mariin ang titig sakin. Kinabahan naman ako sakanya. Bakit ako bawal matulog at magpahinga? "A-Anong nangyari?" Takang tanong ko pa. "Huwag kang sabi matulog dahil sabi ko ay aayusin pa natin ang kwento hindi ba?" "Kwento?" Takang tanong ko dahil wala talaga ako sa huwisyo para intindihin ang sinasabi niya. "My mother is asking me about you—" "Hindi kita maintindihan..." nguso ko sakanya at muling ipinikit ang mata. "Kahit pangit ang silid na ito ay malambot ang kama." "Mapili ka pa talaga... Ikaw na nga ang nakikituloy." Iling niya pa sakin. Hindi ko sinagot ang lalaki dahil naramdaman ko na ang pagod sa aking katawan. "Kailangan natin gumawa ng kwento kung paano tayo nagkakilala hanggang sa maging magkasintahan tayo..." Aniya. "Itatanong iyon sayo ni mom. Kaya kung gusto mo tumuloy dito, we need a story." "Ano bang gusto mong kwento?" "Can you take a look of this?" Lumubog ang gilid ng kama ko at nakita ko si River sa tabi. Ipinakita niya sa akin ang telepono niya. May litrato ko iyon— pero lumang-luma na. Tila hindi makilala at kupas na. "My friend saw this on the internet. Is this an artwork of yours?" "Iyan ay ang aking litrato na nakasabit sa pader ng palasyo," kwento ko sakanya. "Paanong napunta ang malaking litrato na iyon sa teleponong ito? Tunay ngang nakakamangha ang teknolohiya!" Komento ko pa sakanya. "Hanggang kailan mo ba paninindigan itong pagsisinungaling mo?" Inis na sabi nito. "Hindi ako nagsisinungaling River. Maski ako nga hanggang ngayon ay hindi rin makapaniwala! Hindi kita niloloko kaya huwag mong isipin iyon–" "At bakit ko naman pagkakatiwalaan ang sinasabi mo?" Tila ang lalaki na ang napagod sakin. "How did you hide your details efficiently? Dapat bang matakot ako sayo?" Hindi ko pa rin ito pinansin dahil nga wala akong maintindihan. "Woman," aniya. "Huwag mo akong kausapin kung wikang ingles ang iyong bibigkasin." "Anong oras na..." Huminga ito ng malalim. "Fine. Let's make our story straight first. Una— paano tayo nagkakilala." "Nagkakilala tayo kanina–" "Hindi mo pwedeng sabihin iyan kay mommy," mariin niya akong inilingan. "Sabihin mo ay nagkakilala tayo last year. Noong pumunta ako sa Korea..." "Korea?" "Lahat ba talaga ay ipapaliwanag ko sayo?" Inis na tanong niya sakin. Tumango ako sa lalaki. "Marapat. Dahil hindi ko magagawa ang iyong sinasabi kung hindi ko alam ang detalye..." "Korea is a place. Lugar ang Korea. Kaya pag tinanong ka kung saan tayo nagkakilala... Anong isasagot mo?" Nagkatitigan kami ng matagal– hinihintay ng lalaki ang sagot ko. "Sa palasyo." Bumagsak ang balikat nito. "Adelaide. Hindi pwedeng sabihin mo 'yan kay mommy." "Ano ang isasagot ko kung ganon?" Takang tanong ko sakanya. "Sa Korea!" "Ahh..." Tango ko dito noong makuha ang gusto niyang mangyari. "Hindi mo naman kasi klinaro..." Hindi nagsalita si River at umiling na lang sakin. Wala kaming ginawa buong gabi ng lalaking ito kung hindi ang mag-away. Bakit? Dahil kada tanong ko ay galit niya! Tunay naman talaga na hindi ko siya maintindihan tapos ay nagagalit! "Wala kang parents dito, hindi ba?" "Parents?" Mariin itong pumikit. "Magulang. Parents. Ama, ina—" "Wala sila dito. Nasa palasyo sila," ulit ko pa sakanya. "Okay then..." iling niya. "Maybe I need to check my head first." Tila ginawan ako ni River ng panibagong katauhan sa mundong ito. Ayon sakanya, ganito ang kwento na aming gagawin. Nagkakilala kami ni River noong nakaraang taon nang siya ay pumunta sa lugar na tinatawag nilang Korea. Doon nagsimula ang pagmamahalan naming dalawa. Naging kami noong December 30, at isang taon na kami magkasintahan. Ang aking ama ay Korean at ang aking ina ay Filipina. Dahil doon ay hindi ako marunong gumamit ng wikang ingles—dahil ako ay isang Koreana. “Nakuha mo na ba?” Tila nauubos na ang pasensya ni River sakin. “Oo nga, alam ko na!” Inis na sabi ko sakanya. “Gusto mo bang ulitin ko pa sayo lahat ulit?” “You look like someone who is going to mess it up,” aniya. “Why did I even think of bringing you here… My mother… I forgot about my mother.” Bulong nito sa sarili na tila ang laki ng kanyang problema. Inihiga ko na ang aking katawan sa wakas noong manahimik na siya. Mabilis akong pumikit. “Ako’y napagod ngayong araw kaya pakiusap, sana ay pagbigyan mo na ako na magpahinga—” “Tumayo ka diyan at magpalit ng damit,” suway ni River sakin. “Kukunin ko lang yung damit ko. You will use that for now.” Hindi ako nagsalita dahil hinihila na talaga ako ng antok at ayoko ng bumangon. Napaungot ako sa inis noong hinila ni River patayo! “Gusto ko ng magpahinga!” “Oo, maliwanag sakin,” sabi ko sakanya. “Huwag kang mag-aalala. Pero nais ko lang sanang itanong— hanggang kailan itong pagpapanggap nating dalawa?” "Hanggang sa umalis si mommy papuntang Singapore," aniya sakin. "Papuntang Singapore?" Takang tanong ko sakanya. "Pag umalis si Mommy pwede ka na ring umalis," aniya. "But now you will stay here as someone who is visiting the country. At wala kang ibang matutuluyan dito dahil ako ang sadya mo." "Hmm, okay!" Tango ko pa dito. "Pwede bang magpahinga na ako?" "Palitan mo ang damit mo, alright? May dadating na katulong dito mamaya at iaabot ang damit sayo." "Maliwanag." Gaya ng sinabi nito ay may inabot sakin ang isang ginang na tela. Kumunot ang noo ko noong makita ang isang kakaibang... damit? Dalawa pa nga ito. Paano 'to? Tinignan ko ang isang tela at itinaas. "Paano ko susuotin ang bagay na 'to?" Isinarado ko ang pintuan at tinignan ng maigi ang dalawang damit– iyong una ay kuha ko kung paano siya suotin. Ngunit masyadong maikli ito upang maging bestida... Tinignan ko ang isa pang tela na nakakalat sa kama. Ang bagay na 'to– paano isuot? Hindi ako komportable sa ikli ng suot kong bestida– pero dahil sa pagod ay hindi ko na lang pinansin ang suot at humiga na lang. Nagising ako dahil sa maingay na katok–parang masisira na ang pintuan sa katok na iyon! Bumangon ako. Bakit hindi na lang sila pumasok? Binuksan ko ang pinto. "Ano ba—" Napahinto ako noong makita ang isang makisig na lalaki sa harapan ko. Nananaginip ba ako? Kahit masama ang titig sakin ng lalaki ay hindi ko mapilang mamangha sa angking kakisigan nito. "Bakit ang tagal mong buksan? May kinuha ka ba?" Napangiwi ako sa pang-aakusa nito. "Ano namang kukunin ko sayo?" "At bakit wala kang shorts?" "Shorts?" Takang tanong ko dito. "Ano iyon?" Tinignan niya ang ibaba ko– ang binigay niyang bestida sakin ay kalahati lang ng hita ko kaya naman ay mabilis kong tinakpan iyon. "Bastos ka!" Sigaw ko sakanya– at tila nagising ako sa nangyayari ngayon. Oo nga pala, nasa modernong panahon ako ngayon. Tila binalik ng alaala ko sakin ang mga nangyari. Hindi pala panaginip ang nangyari. "Papasok ako sa trabaho at siguradong tatanungin ka ng nanay ko sa mga nangyari. Alam mo naman ang isasagot?" Hindi ko talaga gusto ang tono ng lalaking ito. Masyado siyang pala-utos at puno ng awtoridad. Ngunit wala akong magagawa– kailangan kong magpanggap upang may matuluyan sa mundong ito. "Galing ako sa Korea at doon tayo nagkakilala," wala sa sariling sagot ko dito. "Good. May binili akong damit—" "Saglit— may iba ka bang bestida na mas mahaba pa dito? Masyadong maikli." Reklamo ko dito. "That is my shirt," iling niya pa. "Hindi yan bestida." May inabot ito sa'king... kahon. "Nasa loob ang damit mo. Fix yourself. Alam mo namn siguro kung paano maligo—" "Hindi naman ako mangmang!" Tinignan ako nito ng may ngisi sa labi. "Akala ko ay tuturuan pa kita." "Bastos!" Sigaw ko sakanya at isinarado ang pintuan. Hinugot ko ang bagong damit na pinapasuot nito. Ito ay kulay puti at malambot sa pakiramdam. Noong pumasok ako sa palikuran ay bigla akong nalito. Bakit... tila ang daming pindutan ng palikuran ngayon? Nagtaka ako sa mga gamit. Hindi ko alam kung paano ito! "River!" Binuksan ko ang pintuan at tinawag siya. Nilingon ako nito. "What?" Buti naman at naabutan ko pa siya! "Hindi ko alam kung paano buksan ang mga pindutan sa palikuran! Nasaan ang tubig? Paano ba ang pagligo sa mundong 'to?" "Tsk." Itinuro ni River sakin ang bathtub, showe, at paggamit ng inidoro. Nakakatuwa dahil teknolohiya ang bumubuhay sa lahat! Pwede ka pa nga pumili kung mainit o malamig ang tubig na gusto mo ipaligo ng walang kahirap-hirap! Dati ay kailangan pa mag-siga ng mga tao upang makakuha ng mainit na tubig! "Do you get it?" "Maraming salamat, River!" Aliw na sabi ko sa lalaki at ngumisi. Inirapan lang ako nito. "Make sure to do your job right," aniya at umalis na. Gaya ng sabi ni River, ang ina nito ay magtatanong sakin sa hapagkainan. "Ma, she is not fluent in english because she came and grow up from Korea..." Aniya. "But she can speak tagalog very well because of her mother." "Ah! Kaya pala napakalalim mo magtagalog!" Tango ng ina nito. "Opo. Ganon na nga po— ang aking ina ay tinuruan po ako magtagalog. Mas komportable pa nga po ako magsalita ng ganito..." dagdag ko pa gaya ng sabi ni River. Mukhang naniwala ang ina ni River sakin. "Pwede mo akong tawaging tita, anak!" Sabi nito. "Iba talaga pag laking Korea ano? Napakakinis mong bata!" Komento nito sakin. "Maraming salamat po," tango ko na lang. "Nasaan ang tita?" Tila nagtatampo ito. "Mom," suway ni River. "Tita." Sabi ko upang aluhin ang ginang. Nakita ko naman kung paano nagbago ang itsura nito. Saan kaya namana ni River ang magaspang nitong ugali? "Kailan ka ba aalis, mom?" "Kababalik ko lang, anak." Sumimangot ang ina ni River. "Aba'y kausapin mo nga ang lalaking ito, anak..." "Huwag kang ganyan," suway ko na lang rin. "Mukhang kakauwi lang ng mommy mo. Dapat ay nagagalak ka at samahan siya." Wala akong ina— at mabuti pa ang lalaki ay kumpleto ang pamilya. "Sulitin mo ang oras na kasama ang iyong pamilya..." Nguso ko pa dito. Tumango-tango ang ina nito. "Buti pa si Adelaide. Mukhang family oriented. Nasaan ba ang parents mo, Adelaide?" Nagkatinginan kami ni River. Hindi namin napag-usapan ang bagay na 'to. Ngunit kakaiba naman kung sasabihin ko na hari ang aking ama, hindi ba? "Namatay na po ang aking ina, at ang aking ama ay... isang..." "Government officer," sagot ni River na hindi ko naintindihan. Ngunit sigurado, iyon ay kasinungalingan tungkol saking ama. Alam ko namang hindi ko pwedeng sabihin na isang hari ang aking ama! "So wala kang kamag-anak dito? Pwede ka naman dito! Sa wakas ay nagdala rin si River ng babae sa bahay!" "Ma!" Mukhang nakalusot kaming dalawa ni River sa ina nito matapos kumain. Kakaiba nga ang pagkain dito at talagang ako'y nanghihina sa sarap! "Ang ganda ng katawan mo hija pero magana kang kumain..." Ngayon ko lang natikman ang mga pagkaing ito! Gusto kong sabihin iyon ngunit bilin sakin ni River ay huwag akong... umakto na parang kakaiba. "Masarap po ang pagkain. Salamat!" "Marunong ka ba magluto, hija?" Luto? May mga tigaluto kami sa palasyo! "Hindi po dahil may nagluluto para sa'min!" Napanguso ang ina nito. "Paano yan pag magkasama kayo ni River? Sino ang magluluto?" "Interesado naman po akong magluto," sagot ko agad. "Kung ako po ay pagbibigyan, gusto ko ring matuto magluto..." "Mukhang yayamanin ka rin pala." Tawa nito. "Gusto mo bang turuan kita?" Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Tuturuan niyo po ako?" "Oo naman, hija!" Aniya at binigyan ako ng malaking ngisi. "Para rin naman sa anak ko 'to kung matututo ka!" Iyon ata ang pinakamasayang umagahan ko– at pinakamahaba dahil nga sa pag-uusap namin ng ina ni River! "Ang saya kausap ng iyong ina, River!" "Mapapagod ka rin kausapin 'yon." Napanguso ako sa sinabi nito. "At bakit naman ako mapapagod? Tila hindi nauubusan ng kwento ang iyong ina!" "That's the point. Hindi siya nauubusan..." Singhap niya sakin. "Naalala ko tuloy ang aking ina. Kung pagbibigyan ako— kung nandito pa siya, gusto ko marinig ang kwento nito..." Tila natigilan ang lalaki sa sinabi ko. "Totoo ba 'yon?" "Ano?" "Iyong kwento mo kanina. About your–" "Kay ina? Oo," mabilis na sagot ko sakanya. "Kaya ikaw, huwag kang ganon sa iyong ina. Iturin mong maikli ang oras pag nandiyan siya." Hindi ito nakapagsalita at umiwas na lang ng tingin sakin. "You did well earlier. Hindi pa rin ako tumitigil kakahanap kung sino ka... so once I get back here, umamin ka kung tiga saan ka before I report you to the police." Bago pa ako makapagsalita ay umalis na ito sa harapan ko. Napakabastos talaga ng lalaking iyon. Ang dami kong gustong gawin sa kakaibang mundo ngayon. Gusto ko umalis at lumabas— ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. "Adelaide?" Napahinto ako sa pagkatulala sa silid nong narinig ko ang tinig ni Tita. Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ulit ang ina ni River. "Magandang umaga po," bati ko. "May ginagawa ka ba? Gusto mong lumabas at samahan akong galawin iyong mga halaman?" Tanong nito sa'kin na mabilis kong ikinatango. "Opo naman!" Mabilis akong tumango dito dahil nabuburyo na rin ako sa loob ng silid! Nang makarating kami sa hardin ay nakita ko kung gaano kaalaga ang mga halaman nito. "Alagang-alaga po ang mga halaman niyo," komento ko. "Talaga? Buti nga at may tumutulong din sakin dito na mag-alaga kaya nabubuhay sila..." Nag-usap kami ng ina ni River patungkol sa halaman. Marami akong alam tungkol sa mga halaman dahil nga ito ang ginagawa kong pampalipas oras noong tumanda na. Mukhang natuwa lalo sakin si Tita dahil sa bagay na iyon. "Nakakatuwa naman dahil sa edad mo na 'yan, marami kang alam tungkol sa halaman..." Aniya. "Naniniwala akong kung maalaga ka sa halaman— maalaga ka rin sa tao!" Natawa ako sa sinabi nito. "Talaga po ba tita?" "Oo. Kaya habaan mo sana ang pasensya mo sa anak ko, ha?" Aniya sakin. "Oo, medyo may ugali ang anak kong 'yon... Pero pag nakilala mo na siya ng mas maigi— mas mamahalin mo siya." Mahalin? Kamahal-mahal ba ang lalaking ito!? Dahil sa ina ni River ay napaisip ako sa sinabi nito– pero pagkauwing-pagkauwi ni River ay init ng ulo ang bungad sakin ng lalaki! Binigyan ba naman ako ng libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at wala kami doon! Ngayon ang pinupunto niya— paano ako galing sa nakaraan kung wala ako sa kahit anong libro!? "Adelaide," muli na namang kumatok si River mula sa labas. "Are you done reading the history? Ngayon, tingin mo ba ay talagang maniniwala ako sa mga storya mo? You? A princess?" Kumunot ang aking noo. Paulit-ulit na lang sa salitang ingles! "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo— pwede ba ay pakidahan-dahan at huwag kang magsalita ng kakaibang wika?" Narinig ko ang pagsinghap nito sa pintuan. "Hanggang kailan mo ba paninindigan ang pagsisinungaling? Imposibleng basic english lang ay hindi mo pa maintindihan. Itigil mo na 'to dahil ihahatid kita sainyo." Napailing ako sa sinabi nito at mabilis niyang binuksan ang pintuan. "Hindi mo ako maihahatid sa'min, River. Hindi ako tiga-dito—" Nagtiim ang bagang nito at hinila ako papalabas ng silid. Mahigpit ang hawak nito sakin at masama ang titig. "I am done playing along with you, woman. Kung sino man ang nagpadala sayo dito para paglaruan ako ay hindi gagana iyan. Stop acting already because I am hating it. Tell me your address before I call the cops." "Hindi kita pinaglalaruan! Sa nakaraan talaga ako nanggaling!" Inis na sigaw ko dito. Laking gulat ko noong hinila niya ang braso ko! "Baliw lang ang maniniwala sayo, Adelaide! And dang, I am so close of losing my sanity thinking about your story!" Inis na aniya. "Ano!?" Tanong ko pa sakanya. "Pwede ba ay bitawan mo ako? Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Humigpit lang ang hawak nito sakin. "Sinong kaaway ang nagpadala sayo dito?" Akusa nito. "Anong... nagpadala? Ikaw ang nakakita sakin— ikaw ang humila at nagpasok sakin sa ganitong sitwasyon! Tapos sasabihin mo ay plinano ko ito?" Takang tanong ko sakanya. Nagtiim ang bagang nito at inilapit ang mukha niya sakin. "Tell me who is with you and I will have mercy." "Are you having a fight with your girlfriend, River?!" Napalingon kaming pareho sa pintuan. "Mom," lumuwag ang hawak ni River sakin. Nagtiim ang bagang ng ina nito at nilapitan si River. "Sino ang nagturo sayo na manakit ng babae, ha!?" Sermon ng kanyang ina. "Bakit hinihila mo ng basta si Adelaide?! Tama ba iyan, River?!" Hindi ito nakasagot dahil huli siya sa akto. Hinila ako ni tita papunta sakanya. "Are you okay, Adelaide?" Hindi ako sumagot dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Magdadala-dala ka ng babae dito tapos sasaktan mo!?" Sigaw ng ina nito kaya ako ay napangiwi. Maski si River ay napaigik. Mukhang takot pala talaga ito sakanyang ina. Buti nga. Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD