Tinignan ako ng masama ni River pagkatapos akong kampihan ng ina nito. Inilabas ko ang aking dila at inirapan ang lalaki.
"Hindi po kami nag-aaway," tanggi ni River sa ginawa niya.
Tinignan ako ng ina ni River para humingi ng kumpirmasyon. Nilingon ko ang lalaki.
Pinandilatan niya ako ng mata. Mukhang ang ibig sabihin noon ay huwag kong sabihin.
"Anong ginawa sayo ni River hija? Sabihin mo sakin. Huwag kang matakot."
Kahit naman sabihin ng ina nito na huwag akong matakot ay laking takot ko lang talaga sa anak nito. Isa pa, siya ang kailangan kong sundin dahil siya ang nagpapatuloy sakin.
"Wala naman pong ginawa si River. Ganon lang po talaga ito magpakita ng pagmamahal," lusot ko na lang.
Kumunot ang noo ng ina ni River, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Huwag kang mananakit ng babae, River Serrano."
"Hindi ko po siya sinaktan."
Binitawan ako ng ina ni River. Tunay na napakabait ng ginang na ito. Ngumiti ako sabay yuko.
"Maraming salamat po sa pag-aalala ngunit talagang ako'y ayos lamang po."
Nasa kwarto kami ngayon ni River. Mariin pa ang titig niya sakin.
"Bakit?" Hindi ko na natiis ang sarili na tanungin siya.
"Anong ginawa mo kay Mommy?"
"Wala akong ginawa sa'yong ina," sabi ko pa. "Kasalanan ko ba na nakita ka talaga niyang gumagawa ng mali, River?" Asar ko pa dito.
Tinignan niya ako ng masama. "Kahit nga sa kasaysayan ng libro ay wala ka. Taong 1889? It was obvious na walang palasyo noong panahonh iyon. Kaya saan ka galing at sino ka?" Pilit na tanong nito.
"Iyon nga ang katotohanan, River... Hindi ko alam kung anong nangyari sa taon– ngunit totoo na galing ako sa nakaraan."
Sinimangutan ako ng lalaki. "Baliw lang ang maniniwala sayo. Basta huwag kang papahuli sakin dahil makikilala din kita," aniya.
Hindi na ako nagsalita pa sa gusto niyang ipilit.
"But I wonder who sent you here?" Titig na titig sakin ang lalaki. "Sino talaga ang nag-utos sayo?"
"Wala ngang nag-utos sakin. Kailangan ko ba talaga ulit-ulitin?" Inis na sabi ko dito. "Umalis ka na nga sa'king silid. Ikaw ay nakakapagod kausap."
"But this is my house."
Hindi ko siya pinansin– pero napahinto din noong may maalala.
"Oo nga pala, marami akong gusto itanong."
"What?"
"Anong tawag sa bagay na 'to?" Tanong ko sabay turo ng itim na kahon.
"It's TV." Tumayo ito at laking gulat ko noong may gumagalaw na tao sa loob ng TV!
Napaamang ang labi ko at pumunta sa harapan noon. "Ano ang kakaibang bagay na ito!? Bakit may tao sa loob!?"
"Ganon talaga," walang kwentang sagot ng lalaki sakin. "May mga tao diyan sa loob. Entertainment. Technology."
Mabilis kong nilapitan si River at inilapit ang mukha ko dito.
"Ituro mo sakin ang pagbabago ng mundo. Marami akong gustong malaman tungkol dito," hiling ko sakanya.
Kumunot lang ang noo nito at itinulak ako palayo.
"Bakit ko naman ituturo sayo? Alam mo na 'yan. Huwag mo ng panindigan ang pasisinungaling."
Akmang tatayo na ito para umalis— ngunit mabilis kong hinila ang lalaki sakin.
"Huwag ka namang ganyan. Gusto ko talagang malaman kung ano ang meron sa mundo ngayon at paano nangyari ang malaking pagbabago."
"At ano namang makukuha ko don?"
Lahat ba ng bagay sa lalaking ito ay may kapalit? Hindi ba siya pwedeng magkawang-gawa na lang?
"Kunin mo lahat ng diyamante na meron ako sa suot kong bestida."
Kumunot ang noo ni River sa sinabi ko. "I said stop playing around."
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Dali na. Gusto ko talagang malaman kung anong klaseng pagbabago meron ang mundo ngayon!" Sabi ko sakanya. "Hindi ako nagsisinungaling– tunay nga na isa akong prinsesa mula sa—"
"Fine, fine! Stop saying that you are a princess from the past! It's making me cringe!" Inis na aniya.
"Maari bang tagalog rin ang paraan ng iyong pagkwento?" Nakangiting tanong ko sakanya.
Sumimangot naman ito.
Buti ay pumayag si River— pero sobrang ikli ng pasensya nito sakin.
Kada tanong ko ay lagi nitong sinasabi na...
"Pwede bang manahimik ka muna para madali tayo matapos?"
Grabe talaga ang ugali ng lalaking ito!
Ngunit nag-tiyaga naman ito sakin.
Tunay na maganda ang naging mundo ngayon. Kakaiba ang teknolohiya– napadali ang komunikasyon at buhay ng tao dahil doon.
Pero ang gustong-gusto ko sa pagbabago ay ang isang bagay.
"Ang demokrasya– tao ang namumuno at pipili ng mamumuno."
Tunay na napaka-makapangyarahin ng konseptong iyon. Mas naging interesado ako sa uspaing iyon at marami pang naitanong patungkol sa tinatawag nilang 'gobyerno' ng bansa.
"Halatang hilig mo ang politika. Are you into politics?" Tanong niya sakin.
"Hindi. Pero nakakatuwa ang pamumuno sa panahon niyo dahil talagang.. sa demokrasya ay mapapakinggan lahat ng hinaing ng isang tao."
Natawa ito sa'kin. "I beg to disagree with that. Pangit ang demokrasya kung umaabuso lahat ng nakaupo sa kapangyarihan. So don't think highly of it." Iling niya pa sakin. "It's already three in the morning. Aren't you sleepy yet? Bukas naman dahil inaantok na ako kaka-kwento."
"Maliwanag!" Masayang sabi ko sakanya. "Isa pa pala, napakasarap ng mga pagkain dito!" Sabi ko sakanya.
"Well, I can agree on that," tango niya. "Matulog ka na."
Iyon lang at umalis na siya. Napanguso ako sa kilos nito. Tignan mo, mabait naman pala ang lalaki. Kahit papaano ay nagtiyaga siyang kwentuhan ako patungkol sa pagbabago ng mundo.
Natulog akong maraming baon at kakaibang kaalaman sa lugar na ito dahil sa pagkwento ni River.
Paggising ko ay si River pa rin ang bumungad sakin kaya naman ay napasimangot ako.
"Saan mo nakuha 'tong damit na 'to?" Iyan ang tanong niya sakin.
"Sa kaharian lang." Tinakpan ko ang mukha. "Hindi ka ba natutulog, River?"
"Tanghali na kaya gumising ka. What the actual fvck? Bakit may diyamante talaga sa damit mo?"
"Disenyo ng aking damit," sabi nito sa'kin.
Tinignan niya ako ng masama. "Walang disenyo na diamond!"
"Bakit? Ano bang nangyari?"
"Pina-dry cleaning ko but turns out all the diamonds– lahat ay wala na. Ninakaw."
"Sayang kung ganon," maikling sabi ko. "Hayaan mo na."
Napaamang ang labi nito. "Nabawi ko naman ang diyamante."
"Kung ganon ay bayad ko sayo iyan sa pagpapatuloy sakin."
Kumunot ang noo nito at inabot sakin ang isang maliit na tela. Nasa loob noon ay ang mga diyamante.
"Ano kayang itsura ng bestida ko nito?" At natanggal na ang mga diyamante?
"Really? Is that what you only care about?"
Pumikit ulit ako. Wala akong makukuha sa ingles niya.
"Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi mo." Inis na sabi ko sakanya. "Kung talagang gusto mo ako kausapin ay ayusin mo ang pananalita o turuan mo ako ng ingles."
Hindi sumagot ang lalaki at binuksan nito ang TV.
"Dito, matututo ka mag-english. Manood ka lang lagi."
"Paano naman ako matututo diyan?"
Wala ata akong ginawa buong maghapon kung hindi manood ng TV. Sobrang ganda ng kwento doon at talaga naman ako ay naiyak!
Hinintay ko rin si River na makauwi upang ikwento sakanya ang nangyari.
"Hija?"
"Tita!"
Talagang bumaba ako ng silid upang hintayin ang lalaki.
Malamlam na ngumiti sakin ang ginang. "Saan ka pupunta?"
"Hinihintay ko lang po si River."
"Talaga? That is so sweet!" Hagikgik nito.
Doon ko napansin na may kasama si tita sa likod nito.
"Aalis ako, hija." Paalam niya.
Bigla akong naaligaga. "Po? Aalis kayo?"
Sabi ni River ay magpapanggap lang kami hanggang sa makaalis ang ina nito– at ito na nga!
Baka paalisin ako ni River!
"Nagkaroon lang ng emergency kaya naman aalis na ako. Pasabi na lang kay River ha?"
Bago pa ako makapagsalita ay nakaalis na ito sa harapan ko.
Tulala akong nakaupo sa kama noong bumukas ang pintuan.
Tumambad sakin ang seryosong itsura ni River.
Ito na ba? Paalisin na ba niya ako?
May bitbit si River sa magkabila nitong kamay.
"Binilhan kita ng damit," aniya. "At mga bestida pangtulog."
Paano ko ba sasabihin na hindi naman kailangan dahil nga... Nakaalis naman na ang ina nito?
"Umalis na ang ina mo."
Tumango siya sakin. "Yes. Tignan mo 'tong binili ko." Aniya na parang hindi narinig ang sinabi ko.
Mabilis akong sumunod sakanya at tinignan ang mga dala nito. Nakita ko ang mga puting bestida na pantulog kaya naman ay napangiti ako.
"Maganda ang mga tela nitong mga binili mo..."
"Of course."
"Pero wala na ang iyong ina," sabi ko pa at ngumuso sakanya. "Paano iyon? Tapos na ba ang pagpapanggap?"
"Binilin sakin ni Mama na huwag kang paalisin dito at pag nalaman niyang nawala ka, siya mismo ang magbabalik sayo."
Napanguso ako sa sinabi nito at nakahinga ng maluwag. Kung ganon ay maari pa akong tumuloy dito.
"Alam mo, may natutunan akong salita ngayong araw!" Bahagi ko sakanya.
"Ano iyon?"
"Ang salitang sorry," sabi ko sakanya. "Alam ko na ang ibig sabihin ng salitang sorry."
"Ano?"
"Patawad, pasensya."
Tumaas ang kilay nita. "Mabuti naman at may natutunan ka na."
Nagtuloy lang ang kwento ko sakanya patungkol sa kung paano tumakbo ang araw ko pati ang storyang kakapanood ko lang. Wala naman siyang reklamo o hindi siya naingayan sakin kaya tuloy-tuloy lang ang pagdadaldal ko.
Panibagong araw ay akala ko mananatili ulit ako sa bahay ni River, ngunit nagkamali ako.
"Isasama kita sa labas."
Masaya akong sumama sa lalaki suot ang bestida na suot nito. Gabi na kaya nag-alangan ako ngunit sumama rin! Gusto ko talagang lumabas kaya lang hindi ko alam kung paano!
"Bakit mo naman akong naisipan ilabas?"
"Dahil naniniwala na ako sa storya mo," aniya.
Napahinto ako sa sinabi nito. "Talaga!? Naniniwala ka na?!" Sabi ko dito.
"Oo. At baliw lang ang maniniwala sayo. Ayoko pang maging baliw."
"River, ako nga ay nagsasabi ng totoo!" Iling ko pa sakanya. Akala ko pa naman ay naniniwala na sakin ang lalaki ngunit mukhang mali pala ako.
"Ayos ka lang ba? Bakit ako maniniwala sayo?" Natatawang aniya. "Baka mamaya ay niloloko mo lang ako."
"At ano namang makukuha ko sa panloloko sayo!?"
"Bumaba ka."
"Baba?"
"Bumaba ka ng sasakyan."
Natatakot ako.
Pagkatapos naming mag-away ni River ay basta na lang ako nito iniwan sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at naglakakad lang!
Napaka... hayop ng lalaking iyon at bigla na lang akong ibinaba sa kung saan! Akala ko pa naman ay nagkasundo na kami ngunit hindi pa pala!
Ramdam ko ang pagkawala sa anod ng maraming tao. Pinipigilan ko ang luha sa mata ngunit hindi ko talaga mapigilang umiyak.
Paano ako makakabalik sa'min? Saan ako pupunta? Paano ako makakabalik kung iba ang lenggwahe na sinasabi ng lahat?
Hindi ba ito'y Pilipinas? Bakit halos lahat ay tunog banyaga?
"Hindi ba siya ang girlfriend ni River?"
Inayos ko ang suot na sumbrero dahil sabi ni River, iyon daw ang gawin ko habang naglalakad.
Ang ibig sabihin pala ng girlfriend ay kasintahan— at kilala siyang tao. Kumbaga sa unang panahon, isa din siyang prinsipe ngunit kilala ng lahat.
May mga nagmamahal sakanya na tao– at ayon sakanya, masama iyon.
Sinisilip na talaga nila ang mukha ko habang ako naman ay todo iwas pa rin.
"Hala, siya nga!" Tawa nila at basta na lang hinawakan ang braso ko!
Pansin ko sa mga tao dito ay wala ng mga galang! Puros hawak at kakaiba ang mga suot nila!
"Ate, anong ginagawa mo? Girlfriend ka ba talaga ni River? Bakit ikaw lang mag-isa ang nandito kung ganon?"
"Girlfriend ni River?"
Napalunok ako dahil nararamdaman ko na sumisikip na ang daan sa paligid. Sinisimulan na nila ako tanungin sa agresibong paraan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagtatanong at itinatapat na naman nila sakin ang bagay na umiilaw!
"B-Bitawan niyo ako, hindi ko gusto ang ginagawa niyo." Marahas kong hinila ang kamay pabalik pero humapdi iyon.
"Ay, medyo snobber ata si Ate!" Reaksyon nila.
"Papa-picture lang ang damot!"
"Akala mo kung sinong maganda!"
Samo't-sari ang komento nila sakin at hindi ko alam ang gagawin. Naparalisa na lang ako sa gitna habang pinapakinggan ang bayolenteng tono nila sakin.
"Nakita niyo ba yung ginawa niya? Basta na lang niya hinila paalis iyong kamay ko! Kaloka!"
"Mukha lang palang maamo, maldita pala."
Anong ginawa ko? Bakit tila sila ay galit? Hindi naman tama ang ginagawa nila sakin, pero akala mo sila iyong nasaktan ko.
Ganito ba talaga sa panibagong mundo?