YEAR 1881
PRINCESS ADELAIDE'S POINT OF VIEW
"Adelaide!"
Napalingon ako sa tumawag sa'king pangalan. Nakita 'ko si Clara na kumakaway. Nakangiti.
Nakahinga ako ng maluwag at nginitian ito pabalik. Tumatalon ako dahil sa saya. Sa wakas ay nakita 'ko na rin ito! Kay tagal 'ko siyang hinanap sa aming kubo!
"Clara! Kamusta ka?" Mabilis 'ko itong niyakap. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Kay tagal nating hindi nagsama dahil sa piging!"
"Siyang tunay! Napakatagal ng pagdiriwang para sa mahal na Hari! Ikaw ba ay nasiyahan?"
Mabilis akong umiling sakanya.
"Nakakangawit ang pagngiti at pakikipag-usap sa mga matatanda! Ano ba ang masaya roon?" Paliwanag 'ko sakanya.
"Salamat sa pag-imbeta ng isang sibilyan na katulad 'ko! Nakakagulat at ako'y nakapasok sa palasyo..."
"Ano ka ba, Clara. Iyon naman!" Hagikgik 'ko pa dito.
Hindi naman niya kailangan magpasalamat. Siya ay tunay na kaibigan. Mas gusto 'ko pa ito kasama. Ayoko masyado makihalubilo sa ibang prinsesa.
Masyadong mabigat ang pakikipag-kaibigan sa maharlika. Gusto 'ko lang naman ay katawuaan. Ngunit nagpapataasan na ang iba at nagkakaroon ng tahimik na kompetesiyon o away.
"Saan tayo pupunta?" Kay tagal 'kong hindi nakita ang kaibigan na si Clara kaya't sobrang saya 'ko.
Hinanap 'ko pa sa piging si Clara ngunit talagang walang oras para kamustahin 'ko ito. Laging nakabantay sa'kin ang aking mga iba. Inaasahan na gumawa ako ng kalokohan o hindi kaya ay ikakahiya sa magulang 'ko.
Sila ay dapat na umasa! Hindi 'ko pinapahiya ang sarili sa harap ng maraming tao! Sadyang nahuhuli lang ako ng iba kaya't nagmumukha akong katawa-tawa at hindi seryoso na prinsesa!
Iyon naman ang gusto 'kong tingin sa'kin. Ayoko maging strikto. Pero minsan ay nahihiya na ako bilang prinsesa ng La Cosavelli.
Maraming pinagsasasabi sa'kin ang Mahal na Hari at Reyna. Pero lahat iyon ay hindi nakakatuwa. Gusto 'ko ang mga bagay na nagpapatibok ng sobra ng puso 'ko. Ayokong tumayo at ngumiti. Gusto 'kong tumakbo at tumawa ng malaya.
Gusto 'ko sana ipaglaban iyon. Pero nang sabihin iyon sa ibang prinsesa ay natawa sila at sinabing hindi bagay sa babae ang magaslaw. Ipinapahiya 'ko raw ang pangalan ng kaharian namin.
Dahil doon ay pinahinhin 'ko ang sarili ng kaunti.
"Ito ang gagawin natin ngayon!" sigaw ni Clara at ipinakita sa'kin ang matayog na bato. "Sabi ng aking ina, sa taas niyan ay mga purong bulaklak. Isang malawak na lupain na purong bulaklak!" Aniya. Sobrang saya at handa ng umakyat.
Bigla akong hindi mapakali. Tunay ba? Gusto 'ko iyon malaman! Ngunit bilin sa'kin ng aking Reyna ay huwag 'ko muna galusan ang sarili!
Ngunit may bulaklak sa taas! Gusto 'ko ding makita!
"Bawal ba? Naiintindihan 'ko naman, Adelaide..." Ngumiti si Clara.
"Gusto 'ko!" Palag 'ko sakanya. Nauna ako sa harap ng bato. "Aakyatin natin ito hindi ba? Sino ba namang may ayaw makakita ng sinasabi mo!"
"Mabuti! Tara!" itinaas nito ang kanyang baro. Ngunit masyadong mabigat ang aking kasuotan!
"Magiging harang ata ito." Sabay turo sa'king suot.
Ngumuso si Clara, "Tunay... Mabigat at makapal ang tela na suot mo. Mahirap nga..."
Nanlaki ang mga mata nito sa sunod 'kong ginawa.
Pinunit 'ko ang pang-ibaba. Binawasan 'ko iyon.
"Mahal na prinsesa!" Sinubukan pa akong hawakan ni Clara at pigilan. Ngunit tapos 'ko na.
"Huwag kang mag-aalala! Sasabihin 'ko na lang ay sumabit!" Pumwesto ako sa batuhan. "Handa ka na ba?"
Ngumiti sa Clara at hindi makapaniwala sa ginawa 'ko.
"Laging handa!" Aniya ay nagsimulang maglakad.
Maraming naiinggit sa buhay na meron ako. Pero sa totoo lang, kung wala ang mga materyales na bagay... hindi talaga masaya ang pagiging prinsesa.
Bata pa lang ay puno na ng pagsasanay. Pagdikta kung paano ka dapat lumaki. Dapat ay perpekto at walang mali. Matalino at talentado. Tuwid ang likod at puno ng dalisay.
Ganon dapat ang isang prinsesa.
Naging masunurin ako. Dahil masaya ako tuwing nakikita 'ko ang saya sa mata ng Mahal na Hari at Reyna sa tuwing sinusunod 'ko sila.
Ngunit habang tumatagal at tumatanda, naisip 'ko na mas may isasaya pa pala ako. Na pwede pa lang dumagundong sa tuwa ang puso mo kahit saya lang ang nararamdaman.
Mabilis lang ang naging pag-akyat namin. Nagulat ako sa nakita. Mayroon pa lang ganito sa kaharian? Bakit ngayon 'ko lang nakita!
"Ang ganda dito, Clara!" Ngiti 'ko sa kaibigan at niyakap ito dahil sa galak.
Akala 'ko ay sapat na ang materyales na bagay para punuin ang puso 'ko. Mga laruan at palamuti. Pero nang matutunan 'ko ang mundo sa labas ng palasyo ay... pwede pala ang maging ganito kasaya na walang natatanggap na kahit anumang bagay.
"Salamat sa pagdala sa'kin dito Clara..."
Lagi akong tumatakas tuwing umaga at uuwi bago mag-tanghali. Ito ang mga oras na alam nilang nawawala ako ngunit hindi nila pinapahanap dahil ito ang oras kung kailan marami silang ginagawa. O magkakaroon ng pagdiriwang. Doon 'ko sinasakto.
Ngunit hindi pwede laging saya lang. Syempre ay may kapalit lahat ng ito.
"Hindi ka ba talaga makikinig, Adelaide?!" Sigaw sa'kin ng Mahal na Reyna. "Tignan mo ang damit mo! Tignan mo ang kamay mo!"
Napayuko ako habang nakaharap sa trono nila.
"Isang linggo ka ng umaalis! Sino ba ang pinupuntahan mo? Saan ka ba nagpupunta? Paano kapag may nangyaring masama sa'yo?"
"Patawad ina..."
"Puro ka paghingi ng tawad Prinsesa! Ngunit hindi mo naman inaayos! Inuulit mo lang ang kasalanan!" Dumagundong ang tinig nito sa silid.
Tahimik lang ang aking ama. Hindi man nagsasalita ay alam 'kong galit 'rin ang mahal na Hari.
"Madali! Pumunta ka sa silid! Lagyan ng guadia ang kanyang silid! Palibutan at paghigpitan ang palasyo!"
"Ina..." Tawag 'ko pa dito ngunit hindi na ito nagsalita at tuluyang umalis.
Bumagsak ang balikat 'ko. Alam 'ko namang gagawin nila ito sa'kin. Pero hindi 'ko alam kung hanggang kailan!
Wala akong pinagsisihan kahit nakulong ako at nagkaroon ng tigabantay oras-oras. Marami akong natutunan sa paglabas 'ko. Marami akong natutunan sa sarilinng kamalian. Napalapit ako sa mga tao sa bayan. Kinikilala 'ko ang pamayanan.
Ibang-iba ang buhay maharlika. Pero mas gusto 'ko ang simple lang. Maraming magsasabi sa'kin na isa akong hangal para ayawan ang aking titulo bilang prinsesa..
Ngunit kung nandito sila sa kinatatayuan 'ko ay malamang... aayawan din nila.