8: The Girl

1805 Words
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng kaba sa lalaking ito kahit hindi ko siya kilala. Palagay ang aking loob sakanya. "Sino ka?" Tanong niya noong makapasok kami sa isang silid. Hindi ko alam kung bakit niya muling tinanong ang bagay na iyon— nasabi ko naman kanina ang akong pangalan. Napasinghap ako at tinignan ang makisig na lalaki sa harapan. "Ako nga si Adelaide." "I said, who are you?" Aniya sa wikang hindi ko maintindihan. "I know your name but not your surname. And who is your dad? Is he a senator or related? Which legislation?" Sumakit ang ulo ko sa sinabi niya— wala akong nakuha sa pinagsasasabi nito. "A-Ano?" Bahagya akong natakot magsalita dahil sa tingin ko, pag inulit ko pa ang salitang ano ay sisigawan na niya. Tumaas ang kilay ng masungit na lalaki. "Sino ka? Kailangan ko pa ba ulit-ulitin?" Tanong nito sakin. Tila magaspang ang ugali ng isang ito. Hindi ako sanay na may nagtataas sakin ng tono bukod sa mahal na Hari. Nakakapanibago! Pagkatapos ako nitong ilagay kanina sa kapahamakan ay siya pa ang may ganang magtanong kung sino ako? Hindi ba dapat ay ako ang magtanong sakanya noon? "Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?" Bawi ko sakanya. "Ano ba ang nangyayari at ano ang lugar na ito? Anong klaseng kaharian ito?" Tinaasan ako nito ng kilay— sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Mabilis akong napaatras sa ginawa nitong tingin sakin. Bakit tinignan niya ako ng ganon? Binabawi ko na ang pagiging palagay ko sakanya– nagkamali ako! Niyakap ko ang katawan noong naisip din na kaming dalawa lang ang tao sa silid! "Are you invited here?" "Ano?" He sighed. "Imbitado ka ba dito? Why are you wearing a ball gown? At nasaan ang ama mo so I can contact him and fix the mess I have done." "Pwede ba ay magdahan-dahan ka sa pananalita mo dahil hindi kita maintindihan?" Sabi ko sakanya. "Ano ang lugar na ito? Nasaan ako?" "Are you playing with me, woman?" Tanong na naman niya muli. "Hindi ko maintindihan." Mas lalong nagsalubong ang makapal nitong kilay. "Anong hindi mo maintindihan? Hindi ka marunong magsalita ng english!?" Pagtataas nito ng boses. "Kanina mo pa ako pinagtataasan ng tono. Anong karapatan mong gawin iyan?" Hindi ko napigilan ang sarili na magmataas bigla. Hindi alo sanay na ganito ang trato sa'kin! Pagak itong natawa sa sinabi ko. "Hindi ka makaintindi sa sinasabi ko eh." "Dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi mo. Ayusin mo ang iyong wika..." "Hindi ka marunong mag-ingles?" Kumunot ang noo nito, tila hindi siya makapaniwala. "Hindi. Isa ba iyong lenggwahe?" Tanong ko muli sakanya. "This is so fvcking ridiculous. Paanong hindi ka marunong mag-ingles? That is just fvcking impossible." Hindi ko kinibo ang lalaki at tinignan na lang ang silid. Puro aklat ang narito. "Ito ba ay silid aklatan?" "Oo— wait, that's not the point here, Adelaide. Tinatanong ko kung sino ka." Tumagilid ang ulo ko. Hindi ko pa rin kuha ang nais niya. Suminghap ang lalaki. "I am River Serrano. My father is the president of the Philippines." "Hindi ko maintindihan ang iyong sinabi—" "Sino ka!? Sino ang ama mo!? Magpakilala ka! Hindi ka ba marunong noon?!" Mukhang naubos ko ang pasensya ng lalaki. "Galing ako sa pamilyang Cosavelli. Ang aking ama ay ang hari— mula sa unang kaharian ng bansa," pakilala ko sakanya. Natigilan ang lalaki sa sinabi ko na para bang nakakita siya ng isang multo. "Ano?" Unti-unting nagsalubong ang kilay nito habang tinititigan ako. "Galing ako sa pamilyang Cosavelli. Ang aking ama ay ang hari sa unang kaharian—" "No, stop. What the hell are you trying to say?" Galit ang tono nito. "Hindi kita maintindihan." Naningkit ang mata nito. "This is why I felt something weird towards you earlier. Who sent you here to fool me?" "Ano?" "Tsk," aniya at inilingan ako. "I won't believe with any of your shits, woman. Leave now before I call some guards." Nagtaka ako sa sinabi nito. "Ano ulit?" "Umalis ka na!" Sigaw nito sakin na ikinagulat ko. "Bakit mo ba ako sinisigawan?!" Inis na tanong ko sakanya. "Ano bang ginawa ko sayo para tratuhin mo ako ng ganito!? Hindi mo ba naintindihan kung sino ako? Isa akong prinsesa sa kabilang palasyo–" "At anak ako ng presidente ng palasyong 'to!" Aniya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Anak ng... presidente? Ano iyon? "Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng guards. Fvck who send you here. Subukan mo lang din magsalita sa ginawa natin at gagawin ko lahat para makita ka– so shut up about our little play, all right?" "Alam mo," suminghap ako bago magsalita. "Baliw ka." Inirapan ko siya bago padabog na isinara ang pintuan. Nakakapanghinayang. Mukhang makisig ang lalaki ngunit wala ata ito sa tamang pag-iiisip at kung ano-ano ang sinasabi sakin! Hinawakan ko ang bestida at muling inirapan ang pintuan bago maglakad. Saan ako pupunta? Nasaan ba ang labasan ng palasyong ito? Napakayabang. Palasyo? Tila ang liit nga ng gusaling ito kumpara sa palasyo namin! Nakakapagtaka– imposibleng hindi niya alam ang unang kaharian ng bansang ito! Bakit hindi siya natakot? Nakuha niya pa akong sigaw-sigawan ulit kahit nagpakilala na! Dahil ba alam nito na tumakas ito kaya ganon niya ako tratuhin? Imposible! Natural na dapat siyang magbigay galang kung nalaman niya isa akong prinsesa! Tapos ano? Isa siyang anak ng presidente ng Pilipinas? Ano ba ang bagay na iyon? Habang naglalakad ay may napansin akong kakaiba sa pader. May mga nakasabit na larawan doon. Mariano Roxas Serrano PRESIDENTE NG PILIPINAS TAONG 2017-2023 Kumunot ang noo ko sa nakasulat. Ito ba ang ama niya? Tsk. Ano bang meron sa presidente ng Pilipinas? Nilagpasan ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad upang mahanap ang lagusan palabas sa palasyong ito. Tinitignan ako ng mga tao kada-daan ko; kaya naman yumuyuko ako bilang pagbati. May babaeng nakatitig sakin ng mariin kaya napahinto ako sa paglalakad. Tinignan ko siya pabalik. May problema ba siya? Hindi ako sanay sa mga matang nakatingin sakin dahil sa kaharian, bawal sa'min tumingin ang iba. Senyales ng respeto. Pero dito, ilang beses ata akong tinitigan ng mga tao! "Hello! Girlfriend ka ni River, hindi ba?" Napahinto ako sa paglalakad noong sumabay sakin ang babae na kanina pa nakatitig. "Magandang hapon," bati ko sakanya pabalik. "Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi." Kumunot ang noo ng magandang babae. Nakasuot din ito ng kakaibang bestida at hindi ko pangkaraniwan na nakikita. "Talaga bang ganyan ang kasuotan dito?" "Oo. Ikaw nga ang wala sa dress code," aniya. "So like, girlfriend ka ba talaga ni River? Hindi namin napansin!" Kanina ko pa naririnig ang salitang girlfriend na iyan. Hindi ko naman maintindihan. "Ano ba ang girlfriend?" Napairap ang babae. "Ikaw ha, you are trying to change the topic! Like girlfriend! Kasintahan! Kabiyak!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "Kasintahan!? Hindi kami ganon!" Mariin na tanggi ko sakanya. Kumunot ang noo nito. "Hindi? Bakit hindi? Nag-away ba kayo?" Paano ko naman naging kasintahan ang lalaking hindi ko kilala? Kakakilala lang namin ngayon! "Paano mo naman nasabi na kami ay magkasintahan?" "Sinabi niya!" Sabi nito sa'kin. "Hindi mo ba narinig ang sinabi kanina ni River? Girlfriend ka niya!" Narinig ko nga ang salitang iyon– pero hindi ko naman inaasahan na ipinakilala niya ako... bilang kasintahan! "Anong wika ang salitang g-girlfriend?" "English!" Aniya. "It's english! Hindi ka marunong mag-english!?" "Hindi." Diretso na sabi ko sakanya. Nanlaki ang mata nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Are you serious?!" Hindi ko siya sinagot at naglakad na lang paalis. Hindi ko siya maintindihan dahil sa wikang english. Hinabol pa ako nito. "That's odd! Akala ko naman ay may taste si River sa mga babae!" "T-Taste?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Oh! That's nothing! So sure na hindi mo siya... kasintahan?" Umiling ako sakanya. "Hindi." "Mabuti naman! Nakakagulat dahil biglang may girlfriend na ang anak ng presidente!" Napahinto ako sa paglalakad. "Kanina ko pa naririnig ang salitang anak ng presidente. Gusto kong malaman– ano ba ang presidente?" Napaamang ang labi nito. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Hindi mo alam ang salitang presidente?" Umiling ako sakanya bilang sagot. Napangiwi ito. "Saan ka ba galing? Nandito ka tapos hindi mo alam kung ano ang presidente?" "Ano ba iyon?" "Presidente– like namamahala ng Pilipinas." "Pilipinas?" "Oo. Nang buong bansa. Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang Pilipinas?" Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman talaga alam ang salitang Pilipinas. "Oh my god, are you serious?! Hindi mo alam ang Pilipinas? Pilipinas! Like itong lugar na 'to!" Kumunot ang noo ko sakanya. "Lugar? Lugar ang Pilipinas?" "Oo, bansa ito." "Isang bansa... Gaya ng romanya?" "Oo. Ganon! Pilipinas!" Gulat na aniya. Natulala ako at prinoseso ang sinasabi niya. "Kung ganon, ang presidente ay tila isang hari?" "Nakuha mo!" Aniya. "But medyo malayo doon kasi we are in democracy! Like, are you joking right now? Bakit hindi mo alam kung anong lugar 'to? Saan ka ba galing? Sa nakaraaan?" Napahinto ako bigla sa sinabi nito at naalala ang numerong nakita kanina. Hindi. Imposibleng mangyari iyon. "A-Anong taon ito?" "Taon? 2021," sabi niya sakin. "Are you playing around ba? Is this serious?" 2021? Sa pagkakaalam ko taong 1800 pa lang! Bakit nasa 2000 na? "I-Imposible ang sinasabi mo— alam mo ba ang unang kaharian?" "Unang kaharian? That sounds so ancient naman. Bakit unang kaharian?" "Stella," may tumawag sa babae. Napalingon ako at nakita ang lalaking pinagkakalat na siya ay kasintahan ko. "Hey cousin!" Bati ng babae kay River. "I think your girlfriend is from the past. Maala-fantasy na pala ang lovelife mo ngayon–" "Shut the fvck out." "But seriously. Girlfriend mo ba talaga siya?" Tumango ang lalaki. Kung naintindihan ko ng tama, tumango ang lalaki na ako ay girlfriend niya! "Hindi!" Kontra ko pa. "Ano bang sinasabi mo? Ikaw ba ay nag-iilusyon?" Hindi ko mapigilang mainis. Napaamang ang labi ng lalaki– habang ang isa naman ay tumawa. "Oh gosh, River! Tinatanggi ka ba ng girlfriend mo!?" "Hindi ko siya tinatanggi kasi totoo naman—" Hinila nito ang braso ko bago pa matapos sa sinasabi. "Bitawan mo ako!?" Inis na sabi ko. "Ano bang ginawa mo sakanya? Mukhang galit siya sayo?" "We fight," maikling sabi nito. "Aayusin ko muna 'to." "You're girlfriend is weird. Hindi alam kung paano mag-english and... she doesn't know the basic—" "Shut up, Stella. Kakauwi lang niya galing sa ibang bansa kaya hindi talaga niya alam—" "Yet she knows how to speak tagalog fluently?" "Yes. Shut up and don't write anything about her yet. Wala siyang ginagawa sayo." Tumawa ng babae. "Okay. I won't write anything. Mukhang tinotopak lang ang girlfriend mo at nagpapanggap na hindi alam kung nasaan siya!" Wala ako sa lugar kung saan hindi ako makikilala. Nasa hinaharap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD