bc

The CEO Loves Dirt

book_age18+
481
FOLLOW
3.4K
READ
billionaire
love-triangle
HE
friends to lovers
arrogant
goodgirl
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Bago siya naging dahilan ng pagkalito ng puso ng isang Leon Arguelles, isa lang siyang simpleng babaeng may mop at basahan, masayahin, masipag, at may dignidad ngunit sa kabila ng maruming trabaho, Si Clarisse Dela Vega, isang dynitor na may lihim na pagkatao, ay hindi kailanman inakalang magugulo niya ang mundo ng isang lalaki na may obsesyon sa kalinisan si Leon Arguelles, isang sigurista na walang espasyo para sa gulo o pag mamahal.

Ngunit isang basang sapatos lang pala ang kailangan para mawasak ang kanyang perpektong sistema.

Habang unti-unti siyang nahuhulog kay Clarisse, muling bumalik ang isang anino ng nakaraan si Margaux, ang babaeng minsang pinag-alayan niya ng lahat, ngayon ay handang sirain ang lahat. Habang ang damdamin ni Leon ay nilalamon ng pagkalito, isang matagal nang lihim ang mabubunyag isang koneksyong magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Ano ang mas pipiliin niya: ang pusong unti-unting natututo magmahal o ang mundong matagal na niyang ginawang perpekto?

At kailan nga ba mas marumi kapag may putik sa sapatos, o kapag ang puso ay nalugmok sa kasinungalingan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LEON POV I'm Leon Arguelles. Thirty-two. CEO ng Arguelles Empire. Walang sinasanto, walang palusot. Kilalang sigurista, perfectionist, at may sakit sa kalinisan hindi lang sa paligid, pati sa ugali ng tao. Ayoko ng palpak. Ayoko ng marumi. Ayoko ng mabagal. Kung hindi mo kayang tapatan ang standards ko, wala kang lugar sa kompanya ko. Pagbukas ng pinto ng private elevator papunta sa 21st floor executive level ng Arguelles Empire I was already fuming. Clock says 8:00 AM sharp. Alam nilang pag sinabi kong on time, ibig sabihin before time. I expect everything to be perfect the moment I step in. Pagbaba ko ng elevator, I headed straight sa reception desk. "Good morning, Mr. Arguelles," bati ng receptionist, si Krista. Ngumiti pa. I scanned the desk. May fingerprint marks sa glass. And what the f**k is that? Dust? Sa gilid? "Krista," I snapped. "Y-Yes, sir?" "Ano 'to?" Tinuro ko ang alikabok. "Hindi ba't sinabi ko na kahapon at araw-araw, na ayokong may kahit anong marumi sa premises ko?" "S-Sir, naglinis po ako" "Naglinis ka? Ito ang definition mo ng malinis? Tingin mo hindi ko makikita 'to? Gusto mong ipasok ko ilong mo sa alikabok para lang mapansin mo?" "N-No, sir. I'm sorry. I'll clean it right now." "Don't bother. You're fired." Bigla siyang napatigil. Lumuha. "Sir, please… kailangan ko po talaga 'tong trabaho…" Tumalikod na ako. I don't negotiate with incompetence. Hindi ko trabaho mag-adjust para sa mga taong hindi marunong sumunod sa instruction. Pagpasok ko sa main floor, lahat ng staff napalingon. Tahimik. I can feel their fear. Good. Dapat lang. Lumingon ako sa kanan. May isang intern na nakatingin sa phone habang naglalakad. "Hoy!" sigaw ko. Nagulat siya. "Sir!" "Ano'ng hawak mo?" "Phone po… Sir…" "Trabaho mo ba 'yan o hobby? Bayad ka ba para tumunganga sa Tik Tok?" "Hindi po, Sir! I was just" "You were just? Wala akong pakialam kung na-miss mo ang tweet ng BTS o kung may bago silang dance challenge. This is not a playground. Isa pa 'yan at next time, you’re out." "Yes, Sir! I'm sorry!" Pagpasok ko sa conference room, nakaabang na ang mga department heads. Tiningnan ko isa-isa. May nakakunot-noo, may mukhang antok, may nagtatago ng yawn. "Let’s get this straight," I started, malakas ang boses ko. "Alam n'yo kung anong araw ngayon?" "Monthly performance review, Sir," sagot ni Jasper, head ng Marketing. "Exactly. So bakit wala pa akong report na hawak ngayon?" "S-Sir, we thought you’d want to discuss it during the meeting" "You thought? Jasper, sino'ng boss dito? Ako o ikaw?" "Ikaw po, Sir…" "Sa susunod na gusto mong mag-isip para sa 'kin, make sure kaya mong sagutin ang consequences." "Yes, Sir…" Tumayo si Katrina, head ng Finance. "Sir, I already submitted our numbers last night" "Good. At least isa sa inyo may natirang utak." Binalingan ko si Lance, head ng HR. "Ikaw, Lance, explain mo nga bakit may bagong janitor na walang NBI clearance?" "Sir, he was recommended by one of our—" "That’s not what I asked. I asked bakit siya nandito. Ayoko ng tauhan na may bahid ng kahit anong duda. Kung may issue ‘yan, sagot mo ‘yan." "Understood, Sir. I’ll handle it." "Better. Kasi kapag may nawala sa opisina kahit paperclip lang, ikaw ang unang lalagpak." Tahimik ang buong kwarto. Ramdam ang tension. "Now, I want the full report on my desk in 15 minutes. Late by a second, consider your job on the line." Paglabas ko ng conference room, sinalubong ako ng secretary kong si Mica. "Sir, may nakaschedule po kayong meeting with the logistics team at 10 AM. Then, the Tokyo investors at 1 PM. Gusto n'yo po ba ipasok ang Legal Team para sa update sa—" "Later. Give me my espresso. Extra hot. Wala nang paalala. You should know how I like it." "Yes, Sir." Pagbalik ko sa office, binuksan ko agad ang blinds. Mali ang alignment. Hindi straight ang linya ng bawat isa. Hindi pantay. Tumawag ako kay Mica. "Yes, Sir?" "Sino'ng nag-ayos ng blinds?" "Uhm… si Jeremy po. Maintenance." "Sabihin mo sa kanya, next time hindi perfect ang pagkakaayos n'yan, gugulong na siya papalabas ng building." "Noted po, Sir." "At sabihin mo rin sa pantry, palitan ang brand ng tubig. May aftertaste ang ginagamit nila ngayon. Pang-sampu lang 'yan sa list ko, pero kung hindi pa rin nila maayos 'yan hanggang hapon, tanggal lahat ng nakaduty." "Yes, Sir." Napatingin ako sa screen. May email from legal team. Subject: "Urgent Contract Review." Binuksan ko. TO: Mr. Leon Arguelles FROM: Atty. Geline Rivera SUBJECT: Urgent Contract Review Navarro Holdings Merger "Sir, attached are the reviewed clauses of the proposed merger with Navarro Holdings. Please see my notes regarding the possible breach in non-compete clause…" Binasa ko in under one minute. Tumawag ako sa kanya. "Atty. Rivera." "Yes, Sir?" "Bakit may possibility of breach? That clause should’ve been locked down, day one pa lang." "Sir, nagbago po kasi ang structure ng Navarro after the new board was appointed" "Hindi ko problema kung may reshuffle sila. Dapat alam mo na agad kung paano maaapektuhan ang contract natin." "Yes, Sir. I’m already drafting an addendum" "Gawin mong bulletproof. I don’t want surprises. And send me the revised contract before lunch." "Copy, Sir." Binaba ko ang tawag. Exactly 8:45 AM. My espresso arrived. Tama ang init. But the cup has a smudge,sa gilid. "Tangina," bulong ko. Tumawag ulit ako. "Mica." "Sir?" "Bakit may smudge ang cup ko?" "Sir?! W-Wait lang, I’ll check with pantry" "No need. Cancel lahat ng break ng pantry staff today. Lahat." "Sir" "No excuses." "Yes, Sir." Ganito ang araw-araw ko. Hindi ako nagpapatalo. Hindi ako nagpapabagal. At lalong hindi ako nagpapalampas ng kapalpakan. This is my company. My rules. Kung hindi mo kaya ang init ng kitchen, lumabas ka. Dahil ako, I’m just getting started. Tumawag ako sa intercom. Saglit lang. Walang sumagot agad. I slammed the receiver. Tangina, ilang beses ko na bang sinabi na sa unang ring pa lang dapat sinasagot ‘to? Pinindot ko ulit. “Yes, Sir?” boses ni Mica sa wakas, halatang nagmamadali. “Coffee. Now. Alam mo na kung paano ko gusto. Extra hot. No sugar. And make sure WALANG dumi. Naiintindihan mo?” “Yes, Sir. Right away.” Hindi pa tumatagal ng limang minuto, pumasok si Mica sa opisina ko, dala ang tray na may mug ng kape. Ngumiti pa siya, trying to look composed. “Here’s your coffee, Sir.” Kinuha ko ang mug, tiningnan lang ng isang segundo then BOOM. Nakita ko agad. May dumi sa hawakan ng mug. Putang ina talaga! Bigla akong tumayo. “What the f**k is this?!” Nagitla siya. “S-Sir?” “Itong mug! LOOK AT IT! Tignan mo! Merong DUMI sa hawakan! Ano ‘to, experiment? Gusto mong itest kung gaano kataas ang tolerance ko sa kababuyan?!” “N-naku, Sir sorry po! Hindi ko napansin” “Hindi mo napansin?! Hindi trabaho ng secretary ang maging bulag! Trabaho mong i-double check lahat! Umiikot ka lang ba rito para maglakad-lakad at magpa-cute?!” “No, Sir! Hindi po promise po, lilinisin ko ulit” “WALA NA AKONG PAKI! Tanggalin mo ‘yan sa harapan ko bago ko pa isaboy sa mukha mo!” Nanginginig ang kamay niya habang kinuha ang mug. “Hindi pa ako tapos! Gano’n ka ba talaga ka-reckless? This is MY office, MY empire! And you bring me THIS kind of trash?!" Tumuro ako sa basurang kape. "Do you think may karapatan kang tawaging secretary kung hindi mo kayang gawin ng maayos ang basic na trabaho?!" “Sir, please… bigyan n’yo po ako ng chance… It was a mistake” “MISTAKE?! I don’t run a charity, Mica. Hindi ako nagpapasweldo para sa,oops sorry! Isa lang ang ibig sabihin n’yan palpak ka.” Huminga siya nang malalim. Halatang nasasaktan pero pinipilit hindi umiyak. “Do you want to be fired?” tanong ko, mababa ang boses pero matalim. “One word, and you’re gone.” “Sir… I’ll do better. Please don’t fire me…” "Better is not enough. You should’ve been perfect from day one." “Sir…” “Enough. Get out.” “Sir” “GET. OUT.” Agad siyang lumabas, halos matapilok sa pagmamadali. Umupo ako. Tumama ang palad ko sa desk nang malakas. Bumaliktad ang ilang papeles pero wala akong pakialam. I was boiling. Maya-maya, kumatok si Lance, ang HR. “Sir, okay lang po ba? May urgent na kailangang pirmahan” “Come in. Pero bilisan mo.” Pumasok siya, may hawak na folder. “Sir, ito po yung updated policy sa attendance” “Leave it on the table. Get out.” “Ah… yes, Sir. Sige po.” Napalitan ng katahimikan ang paligid. Tahimik ang buong floor, parang may patay. I like it that way. Mas madali silang kontrolin kapag takot. Nag-ring ang intercom. I swear, kung si Mica ‘to ulit “Yes?” “Mr. Arguelles, si Ms. Salcedo po from Legal Team. Nasa lobby na po. For the contract review meeting.” “Three minutes early. Good.” Tumayo ako, kinuha ang coat ko, at naglakad papunta sa private conference room. Pagdaan ko sa hallway, walang umimik. Lahat ng staff, biglang ayos ng upo. Yung iba tumigil sa pag-type, parang nag-pray na lang sa loob ng isipan nila na huwag akong mapalingon. Pagpasok ko sa room, nando’n na si Geline Salcedo. Nakaupo, professional ang posture. May hawak na folder, organized, walang kalat. At least siya may respeto sa oras ko. “Mr. Arguelles,” bati niya. “I brought the revised clauses. I removed the potential breach, in case you’d want to reword some of the triggers sa non-compete.” “Show me.” Inabot niya agad ang dokumento. Binasa ko ng mabilis. “Clause 12, bakit naka-bold ang termination grounds? Anong punto n’yan?” “Sir, para lang ma-highlight sa Navarro board. Concern nila kasi” “Wala akong pakialam sa concern nila. We don’t adjust for anyone. Sila ang mag-aadjust sa atin. Sabihin mo sa kanila, pag may kinutkot pa silang clause, deal’s off.” “Understood, Sir.” “Good. Send this version to Legal Affairs and prep the final draft. I want it signed tomorrow.” “Yes, Sir.” Tumayo ako. “Meeting adjourned.” Lumabas ako ng office. Nang makabalik sa opisina, may isa na namang intern na nakita ko sa hallway, dala-dala ang isang box na hindi properly sealed. "Hoy!" sigaw ko. "Y-Yes, Sir?" "Secure that box. Kung may malaglag diyan at may mabasag, sagot mo." "Yes po, Sir! Sorry po!" “Hindi ako nagpapatawa. You break anything in this building, you break your career. Gets?” “Yes, Sir!” Tumango ako, at tuluy-tuloy pumasok sa opisina. Pag-upo ko, napansin ko: may fingerprint smudge sa glass table. Tangina. Mukhang may kakailanganin na naman akong paalisin bukas. This empire runs on precision. And I’m the precision.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook