Chapter 2

1057 Words
Third Person POV RRRRING RRRING! Tumunog ang cellphone ni Leon habang nakaupo siya sa kanyang executive leather chair, tinititigan ang isang spot sa glass table kung saan may smudge. Hindi pa rin siya tapos sa frustration mula sa dumi sa mug kanina. Ngunit ang tunog ng tawag ay nagpabalik ng focus sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Manager Arvin” ang naka-flash. "s**t," bulong ni Leon. Napakunot ang noo niya habang sinagot ang tawag. "Ano?" "LEON!" sigaw agad ni Arvin. "Nasaan ka na?! It’s 9:50 AM! Today’s the Calvin Arvo shoot, remember?!" Napatingala si Leon. "Tangina, today na ba 'yon?" "YES! Nasa studio na lahat. Photographer, stylist, creative director! Kung hindi ka dumating in the next 20 minutes, pwede kang kalimutan ng buong fashion industry!" "Don’t overreact," matigas na boses ni Leon. "Tell them I’m on my way." "Tangina talaga, Leon. Kung hindi lang kita ginagawang mukha ng buong damn brand na ‘to" "Exactly. Ako ang mukha. Kaya hintayin nila ako." Binaba ni Leon ang tawag. Tumayo siya. Kinuha ang trench coat niyang naka-hanger sa glass stand at lumabas ng opisina. Pagdaan niya sa hallway, nagmadaling nag-ayos ang mga staff. Yung janitor, muntik nang mahulog ang mop sa sobrang kabado. Yung intern na kahapon pinagalitan niya, halos hindi huminga. "Boss, aalis na po kayo?" tanong ng security. Leon didn’t even stop walking. "Obviously." Paglabas ng Arguelles Empire building, nakaabang ang matte black Bentley SUV. Pagbukas ng pinto, agad siyang pumasok. "Studio," utos niya sa driver. "Walang traffic, ha. Gamitin mo ang utak mo." "Yes, Sir." Location: Velocity Studios, Makati Pagdating ni Leon, nagkakagulo na ang buong set. "HE’S HERE!" sigaw ng assistant. Lumingon ang lahat. Mga stylist, hair and makeup artists, at production crew napalingon agad sa pintuan. At nang pumasok si Leon, tahimik ang lahat. His presence alone was enough to command the entire room. He was wearing a black button-down shirt, partly unbuttoned to reveal his chiseled collarbone, tucked into fitted gray slacks. Sharp jawline. Piercing eyes. Yung tipong kahit walang ginagawa, cover-worthy na agad ang aura. "LATE KA NA NAMAN!" sigaw ni Arvin, nagsasalubong ang kilay, hawak ang clipboard. "Do you even care about your brand? About our reputation?!" Lumapit si Leon sa kanya. Tumingin diretso sa mata. "Do you really think Calvin Arvo is gonna drop me? With this face?" Itinaas niya ang isang kilay. Tumahimik si Arvin. "Still! Hindi ka superstar kung late ka parati!" "Relax, Arvin. They want me here. I’m here. Let’s start." "Makeup! Hair! Costume team! Bilis!" sigaw ni Arvin. Agad siyang sinugod ng team. Si Kira, ang head stylist, nagmamadaling pinunasan ang noo ni Leon. "Sir Leon, papalitan po natin ang suot n’yo. First look is the gray Italian suit." "Tight fit?" "Yes po! Pinagawa exactly to your measurements." "Good. Dapat lang. Ayoko ng mukhang borrowed." Habang sinusuot ni Leon ang suit, nagsimula nang magprepare ang set. Si Marco, ang photographer, nag-check ng lighting. "Tighten the left side, adjust the shadows, he's got sharp cheekbones, I want it dramatic!" sigaw nito. Nang humarap na si Leon sa harap ng camera, parang ibang tao ang lumitaw. Iba ang charisma. Ang mga mata niya, deadly but magnetic. The crew stood in awe. "First pose, Leon! Facing camera, slightly tilt of jaw!" utos ni Marco. Leon nodded. Umangat ang baba niya ng konti. Ang mata, diretso sa lente. His lips parted slightly, showing just enough intensity. CLICK. CLICK. CLICK. "Next! Turn your body to the right, pero tingin ka pa rin sa camera YES, ganyan!" Nag-shift siya ng stance, ang balikat umangat, ang kamay nakasuksok sa bulsa. Napansin ni Marco agad ang natural na elegance ng pose. "GOD, YES! That’s the cover shot!" "Change outfit! Black tux with open collar! Bring the watch!" sigaw ng wardrobe assistant. "Leon, mabilis lang!" sabi ni Arvin. "Three more layouts to go!" Pagbalik ni Leon sa next outfit, lalo siyang lumitaw na dangerous and expensive. Open collar, revealing part of his toned chest, with a sleek, gold luxury watch. Naglakad siya sa harap ng backdrop na parang runway. "Okay, Leon! Show me dominance. Right foot forward, chin up, fierce stare!" Boom. Napatigil ang team. Leon didn’t need coaching. He was the coach. Nagpaulan si Marco ng shutter clicks. "Change again!" utos ng stylist. "Next is streetwear!" Habang pinapalitan si Leon ng outfit, sumingit si Arvin. "Alam mo ba, dalawang international brand na ang nagpaparamdam? Pero ayoko munang i-book hangga’t hindi ka nagiging consistent sa professionalism mo." "I don’t chase brands. They chase me," malamig na sagot ni Leon habang naglalagay ng oversized denim jacket. “Baka isang araw, hindi na nila gawin ‘yan kung lagi kang pasaway!” “Hindi mangyayari ‘yan. I’m irreplaceable.” "Bakit ba ganyan ka?!" hiyaw ni Arvin. "Wala kang sense of humility!" "I'm not paid to be humble. I'm paid to look like perfection." At bumalik na siya sa harap ng camera. "Give me relaxed but dangerous," utos ni Marco. Naglagay si Leon ng hoodie sa ulo, bahagyang nilingon ang camera habang kumagat sa labi. Parang isang predator in control. "OH MY GOD!" tili ng lighting director. "That’s it! That's the billboard right there!" "Sir Leon, upo pose naman," sabi ng set designer. Umupo si Leon sa lumang steel chair na bahagi ng concept. Ang isang paa nakapatong sa upuan, elbows on knees, habang nakatitig sa camera na parang pinapasok ang kaluluwa ng nanonood. "Perfect. PERFECT!" sigaw ni Marco. "Bilis lang, last shot! Shirtless layout for the skincare line!" Nagpalit si Leon agad, tinanggal ang shirt. Napahawak ang assistant sa dibdib niya. "Grabe, parang Greek god." "Focus," sagot ni Leon. Tumayo siya sa gitna ng set, shirtless, abs gleaming under the soft light. Ang bawat galaw niya, kalkulado. Tumagilid siya ng konti, then nilingon ang camera over his shoulder. "Okay, Leon, bigyan mo ako ng ‘I own everything’ stare!" Leon smirked slightly, then gave a soul-piercing look. CLICK. CLICK. CLICK. "WE’RE DONE!" sigaw ni Marco. "Wrap up! That was insane!" Palakpakan ang team. Lumapit si Arvin, pagod na pagod. "Ganon ka magtrabaho… buti na lang you’re a freakin’ genius in front of the camera." "Told you," sagot ni Leon habang pinupunasan ang pawis. "Pero next time, Leon. Huwag ka nang late. One mistake, one wrong call, tapos ang career. Gets mo?" Leon leaned in. "Arvin. I don't make mistakes. Everyone else just moves too slow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD