Chapter 3

1523 Words
CLARISSE POV I'm Clarisse Dela Vega. 28 years old. O mas kilala bilang "Ris." Galing ako sa simpleng pamilya mahina sa kita, pero malakas sa pagmamahal. Sa ngayon, nasa hapag kami nina Nanay at Tatay, kumakain ng tinapay na nilubog sa mainit na kape. "Anak," bungad ni Tatay habang dahan-dahang isinawsaw ang tinapay, "pasensya ka na talaga, Clarisse. Wala muna kaming maibibigay na pamasahe." "Okay lang po 'yun, Tay," sagot ko, pilit ang ngiti. "Sanay na po ako. Kahit lakarin ko 'to, basta makahanap lang ng trabaho." "Napakasipag mo, anak," ani Nanay, malungkot ang mga mata. "Pero ang hirap talaga ng panahon ngayon." "Kahit anong sipag, Nay, kung wala talagang kukuha sa'kin, wala rin." "Kumain ka pa, Ris," sabat ni Tatay. "Baka magutom ka habang naglalakad." Mabilis akong nag-ayos pagkatapos kumain. Isang long sleeve na medyo kupas at maayos pang slacks ang suot ko. May dala akong brown envelope na may laman na resume at TOR. FIRST COMPANY – SOLUX PHARMA CORP Pagdating ko sa front desk... "Good morning po, naghahanap po ba kayo ng admin assistant?" tanong ko sa receptionist. Tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa. "Leave your resume na lang. Wala kaming opening ngayon." "Pwede po bang makausap ang HR?" "Nasa meeting. Next!" Hindi man lang ako tinignan uli. Lumabas ako, bitbit pa rin ang brown envelope. SECOND COMPANY – DATALIFT SOLUTIONS "Hi po, I’m Clarisse Dela Vega. Graduate of Business Administration. Willing to start anytime." "Wala na pong slot. Full na kami," malamig na sagot ng guard sa gate pa lang. "Ah... okay po. Salamat." THIRD COMPANY – BRIGHTVIEW PROPERTIES Sa lobby pa lang, pinigilan na ako ng secretary. "Sorry, Miss. Dito sa Brightview, we only hire applicants na may at least 3 years experience." "Kahit internship lang po?" "Sorry talaga." FOURTH COMPANY - CRESCENDO BANK "May dala po akong resume. Naghahanap po ba kayo ng teller or assistant?" Tumingin ang HR sa papel ko, tapos ibinalik. "Hindi kami tumatanggap ng graduates from unknown schools." "Ah... ganon po ba. Okay po. Salamat." FIFTH COMPANY - FRESHMARK TRADING INC. "Mam, wala pong bakante. Kahapon pa po namin sinarado lahat ng slot." SIXTH COMPANY - NOVASKIN INTERNATIONAL "Ay, girl. I-refer kita sana pero baka hindi ka pumasa sa panel. Medyo... strict sila sa looks at overall presence." Napakagat ako sa labi ko. "Ganun po ba... okay po. Salamat." SEVENTH COMPANY - TECHSPARK SOLUTIONS "Resume mo, Miss." Ibinigay ko. Tumingin sa papel. "No IT background?" "Business Administration po." "Wala kaming maibibigay na position." EIGHTH COMPANY - BLUEGRAIN CORPORATION "Pasensya na, Miss Dela Vega," sabi ng HR. "Wala talaga. Magandang credentials mo, pero hindi swak sa needs namin ngayon." Pagkalabas ko sa huling building, sobrang bigat ng pakiramdam. Nasa sidewalk ako, umuulan ng bahagya. May hawak akong lumang payong. Hanggang may biglang sumalubong na lalaki kasalubong ko habang nilalakad ang kahabaan ng buendia. Nabundol ako. "Ay! Miss, sorry" Bigla niyang hinablot ang sling bag ko. "HOY! MAGNANAKAW!" sigaw ko habang hinabol siya. Tumakbo siya sa eskinita. Tinangka kong habulin pero madulas ang daan. Nadulas ako, tumama ang palad ko sa aspalto. Wala na. Naubos na pati ang payong ko. Nagsisimula nang bumuhos ang ulan. "Ris?!" sigaw ng boses mula sa likod. Paglingon ko, si Abby best friend ko simula college. "Anong nangyari sa’yo? Bakit basang-basa ka? Anong nangyari sa kamay mo?!" "Abby... ninakawan ako..." "Ano?! Grabe! Halika na, ihahatid kita pauwi. Hindi ka puwedeng maglakad pa." Sabay kaming sumakay ng tricycle. Pagdating sa bahay, bumungad si Nanay. "Anak! Diyos ko, anong nangyari sa'yo?" "Nay, nanakawan po ako... wala na po ‘yung bag ko." Napahawak si Nanay sa dibdib niya. "Diyos ko po, Panginoon! Kailangan pa bang mangyari ito sa anak ko?!" Pumasok agad si Abby. "Tita, hayaan n’yo na po ako maglinis ng sugat ni Ris." Lumapit si Tatay. "Anak... pasensya na talaga, ha. Kung may sapat lang kaming pera, hindi sana ikaw ang naghahanap." "Tay, huwag po kayong magsorry. Ako ‘tong gustong magtrabaho. Ako ‘tong gusto ring makatulong." Lumapit ang bunsong kapatid ko. Si Belle, 6 years old pa lang. "Ate Ris, may sugat ka po? Masakit po ba?" Ngumiti ako sa kanya kahit nangingilid ang luha ko. "Hindi naman masyado, baby." Nilapitan ako ni Nanay, may dalang tuwalya. "Magpalit ka na ng damit, anak. Baka sipunin ka pa." Umupo ako sa kama ko. Basang-basa pa rin. Tiningnan ko ang ceiling. Huminga ako nang malalim. Isang araw, makakaangat din ako. Hindi ngayon. Pero balang araw. Kahit ilang kumpanya pa 'yan. Kahit ilang rejection. Lalaban ako. Kinabukasan maaga akong nagising na pagdesisyonan ko na Janitress ang pasokan ko baka matanggap ako. Napalingon ako sa kapatid kong si Belle, mahimbing pa rin ang tulog. Bago ako umalis, hinalikan ko siya sa noo. "Ingat ka ate," bulong niya kahit nakapikit pa. Paglabas ko ng bahay, bitbit ko ang isa kong folder ng resume. Ilang kopya na lang natira kailangan kong makahanap ng trabaho ngayon, or else wala kaming pangkain. Pagdating ko sa siyam na kumpanya, lahat tinanggihan ako. Parang pangkaraniwan na lang sa akin 'yung rejection. Pero nang binuksan ko ang pinto ng isang malaking building ARGUELLES EMPIRE parang biglang nabuhayan ako ng loob. Sobrang taas ng building, makintab ang salamin, parang hindi ako belong. Nilapitan ko ang front desk. "Hi po, good morning. Nag-aaccept po ba kayo ng walk-in applicants? Janitress position po sana." Tinapunan lang ako ng tingin ng receptionist. "Saglit lang po. Tatawagan ko ang HR." Makalipas ang ilang minuto, tinawag ako ng guard. "Miss, sumama ka sa akin. Pinapatawag ka raw sa CEO’s Office. Siya raw ang personal na mag-iinterview." “CEO?! Ako?” “Yup, diretso tayo.” Habang umaakyat kami sa elevator, nanginginig ang tuhod ko. CEO agad? Hindi man lang HR? Paano kung mali lang sila ng applicant? Pagbukas ng elevator, halos matumba ako sa kaba. Sinalubong agad kami ng malamig na hangin galing sa aircon. Nakakatakot tahimik. Tapos, binuksan ng assistant ang pinto. Doon ko siya nakita. LEON ARGUELLES. Naka-black suit, nakaupo sa leather chair na parang siya ang hari ng buong mundo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Napangiwi siya. Literal. "Ikaw ba ‘yung Clarisse Dela Vega?" malamig niyang tanong. "O-Opo." Napailing siya, dinampot ang alcohol spray sa desk at inisprayan niya ang buong area sa paligid ko. “Bakit ka nag-apply dito?” tanong niya habang nagsusulat sa isang tablet. Hindi man lang ako tiningnan. "Kasi po" "Alam mong Arguelles Empire ‘to, diba? Hindi basta-basta to." "Opo. Willing po akong matuto" “Janitress? You’re a college graduate.” “Business Admin po ang tinapos ko. Pero kahit anong trabaho po, tatanggapin ko.” “Desperado ka?” Napalunok ako. “Opo.” Tumayo siya. Lumapit sa harap ko. Grabe, mas matangkad siya sa personal. Mas gwapo rin. Para siyang nilikha para saktan ang puso ng babae—at ng ego ng buong mundo. Lumapit siya ng konti. Napaatras ako. “Alam mo bang may dumi sa sapatos mo?” Napatingin ako. “Ha?” “Yan ang unang ayaw ko dumi. If you’re going to work here, you follow my rules. Walang tanong, walang palusot.” “O-opo.” “50,000 a month. Pero kung magkamali ka, isang beses lang, tanggal ka agad. Naiintindihan mo ba ako?” Nang marinig ko ‘yon, nanlaki ang mata ko. “Fi-fifty thousand…?” “Dahil ayokong palitan ng bagong janitor every month. Nakakapagod.” Hindi ako makapaniwala. Lahat ng company, ayaw ako tanggapin, tapos itong CEO na to, ako mismo ang kinausap at hired na agad? Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumili ako. “Omg! Thank you po! Thank you talaga! Hindi niyo po alam kung gaano kahalaga ito sa” At sa sobrang tuwa ko… niyakap ko siya. YAKAP. SI. LEON. ARGUELLES. “PUTA,” bulong niya sabay freeze. Ang kamay niya nasa ere, parang may natamaan siyang invisible wall. Hindi siya gumalaw. Parang nablangko ang utak niya. Naramdaman kong napapitik niya ako sa noo… gamit ang ballpen! “Aray!” “Anong ginagawa mo?! HINDI. AKO.YAKAPIN. EVER.” “Sorry po! Sobrang saya ko lang po talaga!” “Sana sinabi mong contagious ka!” sabay spray ulit ng alcohol sa hangin. “Wala po akong sakit!” “Whatever. Start tomorrow. Be here before 6:00AM. Uniform mo nandito na. Sa guard mo kukunin. Isa pa” “Po?” “’Wag na ‘wag mo kong yayakapin ulit at ang kahit sino dito. Lalo na ako.” “Promise po.” “Get out.” Ngumiti ako, nakatayo pa rin sa harapan niya. Hindi ako makagalaw. Ang gwapo niya kasi sobra. Kahit galit, kahit masungit, parang gusto mong suntukin ang sarili ko para lang mapansin niya. “Ugh! Lumabas ka na! Nakakahiya ‘yung tingin mo!” “S-Sige po! Salamat ulit, Sir!” Paglabas ko ng office, para akong nakalutang. Ang heart ko, parang drum and bass ang t***k. Tumili ako ng mahina habang nasa elevator. Nag flashback sa utak ko 'yung mukha niya, 'yung pagtitig niya, at 'yung namumula niyang tenga nung niyakap ko siya. Teka... namula ‘yung tenga niya? Napangiti ako. Baka hindi lang ako ang kinuryente sa moment na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD