Chapter 4

1541 Words
LEON POV Pagkalabas ng babaeng janitress na ‘yon sa opisina ko kanina, napangiti ako pero mabilis ko ring pinigilan ang sarili. Tsk. Ano’ng problema ko? Isa lang siyang empleyado. Wala lang ‘yon. Piniling ko ang ulo ko, kinuha ang coat ko, at lumabas ng Arguelles Empire building. Nasa labas na ang kotse ko, binuksan agad ni Roldan, ang butler ko. "Sir, diretso na po ba tayo sa mansion?" "Oo. Gutom na ako." Pagdating sa mansion, sinalubong ako ni Manang Ely. "Sir Leon, may niluto akong paborito ninyo. Sinigang at adobo." "Sige, ihain mo na." Umupo ako sa mahabang dining table, sinipat ang paligid tahimik, malinis, perpekto. Ganyan dapat ang mundo ko. Matapos kumain, umakyat ako sa kwarto, nagbihis ng loose shirt at jogging pants. Hinayaan ko muna ang sarili ko magpahinga. Pero ang mukha ng janitress na ‘yon… Clarisse ba pangalan niya? Kumakain sa utak ko. Hindi ko maintindihan. Kinabukasan, 6:30 AM. Eksakto ang oras ko. Laging gano’n. Ayokong may delay, ayokong may sablay. Pagbaba ko ng elevator papunta sa office ko sa 21st floor, pipindutin ko na sana ang button, nang biglang may sumingit. Siya. Yung janitress. Dala-dala niya ang mop, balde, at cleaning kit. Pawis na pawis. Tila hiningal pa sa paghabol sa elevator. Pumasok siya, hindi ako tiningnan. Cling! Nagsara ang elevator. Nanatili akong tahimik ng ilang segundo… pero di ko na napigilan. "Thirty minutes late ka." Napalingon siya sa’kin. Namumutla. "P-Pasensya na po, Sir… na-late po ako sa jeep" "I don’t care. First day mo pa lang, sablay ka na. Alam mo ba kung anong oras ang call time mo?" "6:00 am po…" "Anong oras na ngayon?" "6:30 na po…" "So late ka ng trenta minutos. Gusto mo bang tanggalin agad kita?" "Huwag po, Sir! Please… kailangan ko po ‘tong trabaho. Wala na po akong ibang mapuntahan" "Kung ayaw mong matanggal, tumahimik ka. Hindi ko kailangan ng palusot. Kapag lumabas ka ng elevator na ‘to, diretso ka sa office ko. Doon ka maglinis." "Opo, Sir. Sige po. Pasensya na po ulit." "At kung hindi mo ako mapatatahimik habang nagtatrabaho ako, fired ka. Gets mo?" "Yes po. Gets na gets po." Nag-angat ako ng kilay. "At dapat pagtingin ko sa paligid ko mamaya, parang hindi pa ako pumasok. Dapat spotless. Dapat maliwanag. Kung may amoy man diyan, amoy disinfectant. Hindi pawis. Hindi stress." Napatango siya, nanginginig ang kamay habang hinahawakan ang mop. "Bukas ng elevator." Cling! Pagkalabas niya, muntik nang matapilok sa pagmamadali. "Tsk. Incompetent," bulong ko sa sarili ko. Pumasok ako sa opisina ko. Maya-maya lang, sumunod siya. Hindi ko na siya tiningnan. Tinuloy ko ang pagbabasa ng email sa tablet ko habang naririnig ko ang kaluskos niya sa sahig. Saka lang ako nagsalita ulit. "May mga fingerprint sa glass wall. Burahin mo lahat ‘yan." "Opo, Sir." "Yung tiles sa gilid ng sofa, parang may mantsa." "Ayusin ko po, Sir." "At linisin mo ‘yung air vent. Ayokong may alikabok. Hindi ko kailangan ng allergens dito." "Yes po, Sir." Napansin kong nangangatog na ang kamay niya habang binubuksan ang bote ng spray. Nahulog ang takip, tumalbog pa sa sahig. "Bobo ka ba?" "Hindi po, Sir… sorry po." Lumapit ako, pinulot ang takip, at iniabot sa kanya. Hawak ko ito gamit ang panyo. "Gamitin mo ‘tong pang-spray na to. Mas effective kaysa sa ginagamit mong mura." "Salamat po, Sir." "Hindi kita binigyan para pasalamatan mo ako. Ginawa ko ‘yon kasi ayoko ng palpak." Tumango siya. Tinuloy ang paglilinis. Tahimik. Mabilis. Focused. Kahit nanginginig. Napalingon ako. Hindi ko maintindihan kung bakit may kung ano sa ekspresyon niya na parang gusto kong tignan pa. Maya-maya, tumapat siya sa likod ng upuan ko para linisin ang glass table. May bigla akong naamoy. Jasmine. Napakunot ako ng noo. "Anong pabango mo?" "Ha? A-ah… sabon lang po, Sir. Yun pong sachet." "Huwag kang gumamit ng matatapang na amoy. Sensitive ilong ko. Next time, scent-free." "Yes po, Sir." Maya-maya, nakita kong umuupo siya saglit sa gilid para ayusin ang saksakan ng vacuum. "Huwag kang uupo. Hindi ka narito para magpahinga." "O-opo, Sir. Pasensya na po." Tumayo siya agad. At habang nagpupunas siya ng salamin, bigla siyang nadulas sa basang sahig. "Ah!" Agad ko siyang nasalo bago pa tumama ang ulo niya sa gilid ng table. Napatingin siya sa akin. Magkalapit ang mukha namin. Malapit na malapit. Napatingin ako sa mga mata niya. Brown. Malalim. May pagod. Pero may init. Bigla akong natauhan. Pinatayo ko siya at agad na tinulak palayo. "Bakit ka ba laging pabigat?! Ayusin mo nga trabaho mo!" "Sorry po, Sir! Hindi ko po sinasadya" Tinuro ko ang pinto. "Pagkatapos mo diyan, lumabas ka. At mag-iwan ka ng ulat kung anong nilinis mo. Hindi ako manghuhula." "Opo, Sir. Salamat po…" "At tigilan mo yang pasalamat nang pasalamat. Hindi ako mabait. Hindi kita kaibigan." "Yes po, Sir." Umiling ako habang naglalakad siya papalayo. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bakit parang hindi ko siya maalis sa isip ko? Tsk. Leon, focus. She’s just a janitress. Or is she? "Hoy, Janitress!" Napasigaw ako pagkalabas niya ng opisina ko. Napatingin ang buong floor, tahimik ang lahat. Lahat sila, automatic balik-tingin sa screen pero ramdam ko ang usisero nilang tenga. Bumalik agad ang babae. Hingal pa. Bitbit pa rin ang mop na parang sundalo sa gitna ng gyera. "Opo, Sir?" nanginginig pa ang boses. Namumula ang pisngi. Hindi ko alam kung dahil sa takot o inis. "Ano 'to?!" tinuro ko ang mesa ko sa kanan. "May ALIKABOK. Gusto mo ba akong patayin sa allergy?" Nilapitan niya ang mesa. Kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan agad. "Pasensya na po, Sir... Hindi ko po napansin." "Hindi mo napansin? Ganyan ka ba ka-observant? Kailangan ko pa bang i-point out lahat ng dumi dito sa opisina?" "Sir, ginagawa ko na po ang best ko" "Best? Kung 'yan ang best mo, mas lalo akong kinakabahan sa worst mo." "Sir naman, hindi n'yo na po kailangan maging bastos" Napaatras siya nang bahagya, pero halata ang apoy sa mga mata niya. Aba, may laban pa sa akin?! "Bastos? Ako pa bastos ngayon? Ang mesa ko marumi, tapos ako pa bastos?" "Eh kasi po" "Kasi? Ano, Clarisse? Kasi janitress ka, puwede ka nang pabaya?" "Hindi po ako pabaya. Sadyang" "Sadyang ano?! Multo ang alikabok? Dumaan lang?! Gusto mo ba ng training montage?" "Sir! Kung gusto n'yo po ako tanggalin, sabihin n'yo na lang" "Gusto mo ba? Gusto mo na? Sige, alisin kita ngayon din. Pero may choice ka: LINIS o LABAS." Nakatitig siya sa akin. Galit. Pero may kirot sa tingin niya. Tumingala siya, bahagyang tumitig sa kisame. Huminga ng malalim. "Fine. Lilinisin ko. Pero kung may makita po kayong dumi sa buhok ko, pasensya na, hindi ko po 'yan kaya linisin nang mabilisan." Napakagat ako sa labi. Tangina, may attitude?! "Clarisse..." "Yes po, bossing?" sarcastic na nakangiti siya ngayon. Ayan, nagiging komedyante na. "Alam mo bang binabayaran ka dito hindi para magpatawa?" "Eh kasi po, Sir, kung hindi ako tatawa, iiyak na lang ako. Mamahalin ko na lang stress ko." Napatingin ako sa glass wall. Pinipigilan kong matawa. Pero hindi. Hindi siya puwedeng manalo dito. "Sige nga. Linisin mo 'yan habang nakatingin ako. Gusto ko kuminang ang mesa ko na parang pigi ng bagong ligo na sanggol." "Saan po ako kukuha ng sanggol para ikumpara?" "Tigas ng mukha mo. Maglinis ka na nga!" Dali-dali siyang nag-mop, wipe, scrub ng mesa, kahit wala nang alikabok, para siyang ninja na may kasamang OCD. "Sir, ito na po. Pwede ko na po bang i-move on ang mop ko sa next station? O gusto n'yo po itong mop ang i-file ko na as bagong staff?" "Tumigil ka sa kakatawa mo diyan. Baka isipin ng mga tao masaya kang empleyado." "Hindi po ako masaya, Sir. High lang ako sa Lysol." Napailing ako. Pinanood ko siya habang tumalikod at lumipat sa kabilang bahagi ng opisina. Bigla siyang nadulas sa ka-wiwipe ng sahig. "Aray!" "OH MY GOD!" Napaatras ako. "May nasira? May nadumihan? Huwag mong sabihin" "Sir, yung ego ko lang po ang nadapa. Safe ang sahig n’yo." Napapikit ako. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako. "Tumayo ka nga riyan! Ang OA mo!" "Hindi ko po kasalanan kung mapurol ang traction ng tsinelas ko." "Nagdadala ka pa ng tsinelas sa opisina?!" "Sir, janitress po ako, hindi high fashion model." Nabigla ako. Bigla kong naalala yung shoot kahapon. Yung crowd. Yung papuri. Yung pagod. At ngayon, andito ako, nakikipag-asaran sa isang babae na may mop sa isang kamay at sarcasm sa kabila. Naglakad ako palapit sa kanya. Tumigil siya sa pagkukuskos. Tumayo. "Sir... bakit ganyan po tingin n’yo?" "Clarisse." "Po?" "Linisin mo ‘tong glass wall na ‘to. Gusto ko kita makita habang nagsisisi ka kung bakit ka pumasok dito." "Noted po, bossing. Pero kung gusto n’yong makita ako habang umiiyak, baka kailangan n’yong i-zoom in kasi discreet lang ako umiyak." "Ugh!" Umatras ako. "Pambihira ka. Sige na. Bago pa ako magka-rash sa stress." Naglakad ako pabalik sa mesa ko, hawak ang ballpen, nag-pepelma sa sobrang inis. Pero may ngiti sa labi ko. Peste. Bakit ako natatawa? Napatingin ako sa salamin. Ang saya ko ba? Hindi pwede ‘to. Leon Arguelles, hindi ka dapat natutuwa sa isang Janitress na madaldal at makulit. Pero damn it... Nakakaaliw siyang lintik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD