chapter 5

1737 Words
CLARISSE POV “Boang talaga ‘yung boss ko,” bulong ko sa sarili ko habang minamap ko ‘yung floor. “Akala mo naman malinis na siya, kahit ‘yung bituka niya siguro madumi pwe!” Nag-pause ako saglit at tumitig sa reflection ko sa glass wall. Ris, kalma. Una pa lang ‘to, marami pang araw na kakainin mo ‘yung pride mo. Tiis lang. Sayang ang 50k, girl! Pero grabe talaga. Ang init ng ulo ni Mr. CEO. Feeling god. Mukha lang artista, pero ugali parang may regla araw-araw. Bigla siyang lumabas ng office niya. As in, parang eksena sa horror film mabagal ang hakbang, straight ang likod, at seryosong mukha na parang may balak pumatay ng janitress. Patay. "JANITRESS!" sigaw niya. Napalingon ako, hawak pa ang mop na may bula. "Po?!" "Diyos ko..." napasigaw siya. "Ba’t basang-basa pa rin ang sahig?!" "E—eh, kaka-mop ko lang po, Sir!" kabado kong sagot. Tinapakan niya ang sahig. SKRRRT! Ayun. Muntik na siyang madulas. Napakapit siya sa pader. Napatakip ako ng bibig sa sobrang tawa. "HOY! ANONG TINITINGIN-TINGIN MO DIYAN? TUMATAWA KA PA! YOU THINK THIS IS FUNNY?!" "Ay hindi po, Sir!" Pero nanginginig ang balikat ko sa tawa. Tawa lang, ‘wag lang marinig. Napasigaw siya ulit. "YOU THINK I’M A CIRCUS ACT?!" "Hindi po! Pero medyo clown-ish po kayo kanina sa pagkakadulas AY SORRY PO!" "Aba!" Lumapit siya sa akin, hawak pa ang hawakan ng pintuan, mukhang ready na akong patayin gamit ang kilay niya. "You. Are. Fired." "WHAT?! Hindi po pwede ‘yan!" Napaluhod ako. "Kailangan ko po ‘tong trabaho! Please po! May kapatid pa akong six years old!" Tumigil siya, pinikit ang mga mata niya. Malalim ang hinga. “Tumayo ka.” Tumayo ako agad. "Sir, sorry po talaga! Di ko po sinasadya. Aayusin ko po!" "Alam mo ba," sabi niya, tinuturo pa ako gamit ang tissue, "sa buong career ko, ikaw lang ang nagpaiyak, nagpatawa, at nagpatulo ng kape ko sa dami ng stress!" "Ay, sir... flattered po ako." "‘FLATTERED’?! Hoy, hindi ‘to awards night! Gusto mo ba talaga matanggal?!" "Sir, honestly, gusto ko lang po makapagtapos ng kapatid ko. Saka... kailangan ko po talaga ‘tong trabaho." Napatingin siya sa akin, tapos tumalikod. “Sumunod ka sa opisina.” Ayoko nga, baka lunurin ako sa alcohol. Pero wala akong choice. Sumunod ako. Pagpasok namin, bigla siyang huminto. “Tanggalin mo ang sapatos mo. Baka magkalat ka pa ng bacteria dito.” “Po?” "Remove. Your. Shoes." Napilitan akong hubarin ‘yung tsinelas ko. Barefoot ako ngayon sa harap ng ultimate germophobe. “Map mo ang ilalim ng mesa.” Lumuhod ako. Susmaryosep, parang Mission Impossible ‘to. Habang nagma-mop ako, napansin kong naglalakad siya paikot sa akin. Parang shark lang. “Tama ba ang technique mo sa pagma-mop?” "Sir, may technique po ba ‘yun?" "OF COURSE. Clockwise dapat. Dapat walang streak. Dapat mirror ang resulta. Gusto ko makikita ko reflection ko sa sahig!" Napahawak ako sa mop. Lord, isama mo na ‘ko. "Sige po, Sir. Mirror finish. Check." "Tsk. Gamitin mo ‘yang katawan mo. Mop like your life depends on it." Maya-maya, bigla siyang napaupo sa desk niya. Tahimik. Napatingin ako sa kanya. Nagbasa siya ng documents, pero naramdaman ko ‘yung tingin niya. Panakaw. Seryoso. Parang sinusuri kung kaya akong sabunutan gamit ang eyebags niya. "Sir?" tanong ko. "Wag mo ‘kong kausapin habang naglilinis ka. Focus." "Po. Sorry po, Sir Focus." Napatingin siya ulit. Napahawak sa sentido. "Clarisse, hindi ka talaga titigil, no?" "Sir... hindi n’yo pa ako tinatanggal, so tuloy ang laban!" "Ano ‘to? Beauty pageant?" “Pwede rin po. Gusto n’yo po ba sample walk?” "Please. Huwag." Pero may ngiti siyang pinipigil. "Eeeh, ngumiti kaaaa!" sabi ko. “Hindi ako ngumiti. That’s a grimace.” "Sir, admit it. Natuwa kayo sa pagka-slide n’yo kanina." "JANITRESS!" "Ay sorry po!" Biglang nag-ring ang phone niya. "Yes, Arvin. I’m handling something more complicated than the Arvo campaign right now." Tinuro niya ako. “Yes. Real crisis.” “Sir, ako ba ‘yun?” bulong ko. "SHHHH!" Nang matapos ang tawag, napabuntong-hininga siya. "Clarisse." “Po?” “Simula bukas, bago pumasok, mag-training ka sa elite janitor mode. I want speed. Precision. And absolutely—" "no soap suds sa sahig?" Napatingin siya sa akin. “Sassy ka ha?” “Chika lang po, Sir!” Napanganga siya. Mukha siyang naguguluhan kung sisingaw siya ng galit o tatawa. “Alis na!” sabi niya. "Copy po, Sir Sungit!" "WHAT DID YOU CALL ME?!" “Sir... Cute? Sir Cute?” “TUMAKBO KA NA!” At ayun na nga. Tumatakbo na ako palabas ng opisina habang naririnig ko pa siyang sumisigaw. Pero swear, kahit ang init ng ulo ng boss ko, parang ang sarap pasabugin ng pader na iniikot ng mundo niya. Boang talaga ‘to… pero bakit parang nakaka-kilig?! Hindi pa man ako nakakaupo sa janitor's room ay bigla na namang bumukas ang intercom. Sumabog na naman ang boses ng diyos ng mga singit at microbe. "JANITRESS!" LORD, KAYO NA PO ANG BAHALA. Tinakbo ko agad ang office niya. Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng singkit niyang mata na parang laser. "Yes po, Sir Sungit?" "Coffee. I want coffee. And not that 3-in-1 trash you probably drink in the janitor’s closet. Brewed. Strong. Black. And hot. Like my patience na paubos na." "Sir, ako po ba 'yung patience na tinutukoy niyo?" "Clarisse. KAPE. Ngayon na." Nagtago na lang ako ng tawa habang lumabas ng office. Feeling ko nagiging stand-up comedy ‘to, pero ako ‘yung punchline. Sa pantry, todo effort ako. Brew dito, hinalo doon. Kumuha pa ako ng mug na mukhang imported. Ininspeksyon ko pa parang nagpa-pasa load. Pagbalik ko sa office niya, nakataas pa kilay niya habang tinanggap ang mug. “Okay,” sabi niya, "titignan ko kung may muta ‘tong mug mo." “Sir, ginalingan ko po talaga. Dinilaan ko pa ‘yan ay joke lang po!" "HUWAG. Magsalita. Kung ayaw mong lumipad palabas." Naramdaman ko ‘yung tension habang tumikim siya. Kumunot ang noo ko. Lord, sana hindi mapait. Sana hindi lasang sabon. Nilapag niya ang mug sa desk. "Good." Napatalon ako. "Talaga, Sir?! Thank you po!" "Don't get used to it." Bigla siyang tumayo. "I need my files. Yung blue folder. Third cabinet, left side. Go." “Copy, Sir!” Habang naghalungkat ako, narinig ko siyang nag-type ng malakas. Parang keyboard warrior sa Twitter. “Ay, Sir, may lipstick mark ‘yung blue folder. Kanino po ‘to?” Napatigil siya. Tiningnan ako ng masama. “Do your job. Not your chismis. Next, tawagin mo si Arvin. Sabihin mo, I want the updated proposal in my inbox. 10 minutes. Not 11. Not 10:01. Ten. Minutes.” “Copy po, Sir Sundial!” “WHAT DID YOU CALL ME?!” “Sir! As in mahalaga kayo sa oras timely! Prompt!” “Umayos ka.” Tinawagan ko si Arvin. Inabot ng two minutes bago sumagot. “Arvin, sabi ni Sir, ten minutes daw ‘yung proposal. Baka may kasamang timer pa yan. Or drone delivery.” “Copy,” sagot ni Arvin, “Bakit ikaw ang tagapagsalita ni boss ngayon?” “Arvin, ako na yata ang bagong secretary-s***h-coffee girl-s***h-floor mop.” Pagbalik ko sa office, nagsalita ulit si Leon. “Water. Room temperature. Sa branded bottle. Not tap. Hindi 'yung lasang kalawang." “Tsek!” Pumunta ako sa ref, hinanap ‘yung tama sa panlasa niya. Sobrang OC nito. Parang ‘pag may konting fingerprint sa bottle, masisira buong araw niya. Bumalik ako at inabot ‘yung tubig. Nilagay niya sa table. Pinagmasdan niya ulit. “Clarisse.” “Sir?” “Ang label ng bottle, dapat nakaharap sa akin. Para alam kong tama ang pagkakahawak mo.” “OMG, Sir, may feng shui ang tubig?!” “Disiplina, Clarisse. Hindi feng shui.” “Akala ko po may fortune reading sa label. Joke lang po!” “Tumahimik ka.” Sumandal siya sa chair niya. “Next. Linisin mo ‘yung blinds ng office. Dapat walang alikabok. Ginagamit ko ‘yang blinds na ‘yan to judge character.” “Paano po ‘yun?” “Pag madumi, palpak ka.” “Ang harsh naman, Sir!” “Ganyan talaga ang mundo. Harsh. Like me.” Habang nag-aabot ako ng feather duster, napansin ko ang necktie niya medyo nakaliko. “Sir, ayusin ko lang po necktie niyo.” “Excuse me?” “Ay! Bawal po pala. Sorry! Touch move na.” Pero hindi siya gumalaw. Tumayo lang siya doon habang inaayos ko ang necktie niya. ‘Yung ilong niya, halos dumikit sa noo ko. Napakapit ako sa mesa niya. “Bakit nanginginig ka?” tanong niya, seryoso. “Eh kasi po... ‘di po ako sanay na inaayusan ng taong... mukhang poster boy ng disinfectant.” “HUH?” “Sir, compliment po ‘yon. Malinis po kayo. Sparkly.” Napatingin siya sa akin saglit. Nagsalubong kilay niya, pero parang pinipigilan tumawa. “Balik ka sa trabaho.” “Copy, Sir Pogi!” “LAST NA ‘YAN, CLARISSE!” Habang naglilinis ako, binuksan niya ang laptop niya. “Clarisse.” “Po?” “Playlist ko, open mo. I want jazz.” “Naku Sir, baka may BTS po kayo dito. Army ba kayo?” “Jazz. Clarisse.” “Okay po! Pero kung may K-pop kayo dito, ilalagay ko sa favorites!” Natahimik siya. Pero biglang napabuntong-hininga. “Clarisse.” “Yes po ulit?” “Pagod na ako.” “Sir, ‘wag po kayong umiyak. Hindi bagay sa jawline n’yo.” “Hah?! Wala akong sinabing iiyak ako!” “Sir, I think kailangan niyo ng break. Gusto niyo po kape ulit? O yakap?” “HOY!” “Yung kape lang po, ‘wag na yung yakap!” Tumalikod siya. Pero sa totoo lang, parang ngumiti siya ng konti. ‘Yung tipong hindi niya sinasadya. Nag-crack lang. Ay, hallelujah! May butas na ang pader ni CEO! Naisip ko, kahit buong araw niya akong utusan, okay lang. Kasi sa bawat utos niya, parang mas nakikilala ko siya. At... kahit sungit siya, may something e. Yung kilig, nandiyan. Kahit covered pa ng alcohol at disinfectant. Clarisse, ano na naman ‘tong pinasok mo? Pero bahala na. For now, kape muna. Bukas, puso na. Char!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD