THIRD PERSON POV Kinahaponan na at halos lahat ng empleyado sa Arguelles Empire ay nag-uunahan nang makalabas. Sa kabilang banda, si Clarisse ay masayang-masaya habang inaayos ang mga gamit niya sa cleaning cart. "YES! May trabaho na ako! At hindi basta-basta, ha! Fifty... THOUSAND... a month!" bulong niya sa sarili, halos mapatalon sa saya. Pagkauwi niya sa kanilang bahay sa Pasay, halos lumipad siya sa hagdan ng maliit nilang tahanan. "Nay! Tay!" sigaw niya sabay bukas ng pinto. "May balita ako!" Napalingon agad si Aling Susan at Mang Rudy na kasalukuyang nag-aayos ng hapunan. "Ano 'yon, anak?" tanong ni Aling Susan. "Nay, tay, natanggap na po ako sa trabaho! At alam n’yo ba kung magkano ang sahod ko?!" "Magkano, anak?" sabay tanong ng magulang niya. "Fifty thousand! Monthly!"

