chapter 10

2429 Words

THIRD PERSON POV Habang nasa opisina pa rin si Leon, isang tawag ang dumating sa front desk. “Ma’am, nandito na po sina Mr. at Mrs. Arguelles,” sabi ng receptionist. Mabilis na tumayo si Mira at pinuntahan si Leon. “Sir, dumating na po ang parents ninyo. Papunta na po sila dito sa office ninyo.” Napahinto si Leon sa pagbubuklat ng report. “Sila? Dito?” “Yes, Sir. Kakagaling lang daw po nila sa Italy. May business trip po sila roon,” paliwanag ni Mira. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang glass door ng opisina ni Leon. Pumasok ang isang matikas na lalaki na may uban sa gilid ng buhok—si Don Emilio Arguelles. Kasunod niya ang eleganteng babae na naka pearl necklace at beige na dress, si Doña Veronica Arguelles. “Leon!” bungad ni Doña Veronica habang nakangiti. “Anak, we missed you!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD