LEON POV "Sir, may meeting po kayo sa Conference Room. Nandun na po lahat ng department heads," ani Mira, ang secretary ko, habang hawak ang clipboard niya at parang may aligaga sa kilos. "I know. I'm going," sagot ko nang malamig. Tumayo ako mula sa leather chair ko at inayos ang sleeves ng suit ko. Habang naglalakad papunta sa conference room, parang may kulang sa paligid. Tahimik masyado. Pagpasok ko, lahat ng mata sa akin. Tumayo agad si Mr. Ortega, head ng construction department, at nagbigay galang. "Sir Leon, good afternoon. Ready na po ang proposal presentation namin." "Start," sagot ko lang, habang umupo sa pinakaulo ng mahabang mesa. Sinimulan nilang i-present ang next project: A luxury eco-condo sa Tagaytay. Napatingin ako sa blueprint, detalyado. Pero may kulang. Nilipat k

