CLARISSE POV Pagkababa ko mula sa opisina ni Boss Leon, diretso na agad ako sa corridor kung saan naroon ang locker ko. Gusto ko lang magpalit ng uniform, magpahinga saglit bago umuwi. Pero pagdating ko roon, bigla akong natigilan. Naroon ang tatlong babaeng staff mula sa HR department sina Trina, Alex, at si Maxine. Agad akong sinukatan ng matalim na tingin. Hindi pa man ako nakakapagbihis ay nagsimula na silang magsalita. "Aba, aba, aba! Look who’s here si favorite ni Sir Leon," ani Trina habang nakapamaywang, nakataas ang kilay. "Uy, baka mapaso ka d’yan, Clarisse. Kakagaling mo lang sa opisina ni Sungit, baka may pasalubong ka na naman sa amin ha," sabay tawa ni Alex. Napaatras ako nang bahagya. "Wala akong ginagawa sa inyo. Dumaan lang ako para magbihis." "Oh, wow ha! Defensive

