Chapter Sixty-seven: Axe’s Memories: Meeting Harold

1110 Words
Chapter Sixty-seven: Axe’s Memories: Meeting Harold                  Napabuga siya ng hangin. Tinatambol ng kaba ang kanyang dibdib at hindi nan ga niya maihakbang ang kanyang mga paa palabas ng kanilang bahay. May mga estudyanteng dumadaan sa tapat ng bahay nila at lahat sila ay nakangiti at masaya samantalang siya—natatakot. Ngayon kasi ang unang araw ng klase at mula nang mamatay ang kanyang ama ay lumipat sila ng kanyang ina dito sa Mista. Ineneroll siya ng kanyang ina sa Welsh H. Dalcon High School. “Axel, sige na. Huwag kang matakot. Wala ng pwedeng manakit sa’yo okay? Kung mayroon man, sabihin mo sa akin agad,” sabi ng kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya at nilapitan siya. Hinawakan ang kanyang mga nanlalamig na kamay. “Everything will be fine. Okay?” Tumango siya. “Bye, Mama.” “Bye Axe.” Ginawaran niya ng halik sa pisngi ang ginang at tuluyan nang lumabas ng bahay.                  Hindi naman ganoon kalayo ang Welsh H. Dalcon High School pero halos tumagal siya ng twenty minutes bago nakarating doon. Mabagal at maliliit na hakbang kasi ang ginagawa niya and the whole time na naglalakad siya ay nakayuko lang siya. “Three minutes.” Napatingala siya at nakita ang isang lalaki. May suot itong arm band na kulay pula sa kaliwang braso. Blonde na buhok at sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Nang magsalubong ang kanilang mga tingin ay agad siyang yumuko. “Transferee?” tanong nito at dahan-dahan siyang tumango. “What year?” “T-third…” “Section?” “D…” “Follow me.” Tumalikod na ang lalaki at naglakad. Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago siya tuluyang sumunod. May ilang distansya ang pagitan niya mula sa lalaki. Tahimik lang sila naglalakad sa hallway at umakyat sila sa hagdan hanggang sa makarating sila sa third floor. Sa pangalang kwasrto mula sa hagdan ay huminto ang lalaki at nilingon siya. “That’s your room,” sabi nito sa kanya. Tumango siya. “Maiwan n akita,” sabi nito at tumalikod na. Naiwan siyang nag-iisa sa tapat ng room na iyon. Dinig niya ang sigawan at tawanan sa loob. “Ikaw ba ang transferee?” Napalingon siya at nakita ang isang babae na sa tingin niya ay ang kanyang magiging class adviser. Tumango siya. “Then please come in,” sabi nito sa kanya. Binuksan na nito ang pinto at pumasok na. Sumunod naman siya. Nang makita ng klase ang guro ay tumahimik na ang lahat at umayos na ng kanilang upo. “Good morning, class! We will have a new student. Please introduce yourself,” sabi nito. Napalunok siya. Piping nagtatanong kung bakit kailangan pa niyang gawin ito? can he just sit there and never talk? “I’m Axel Santos. Nice to meet you,” sabi niya. Mahina ang boses niya at nakayuko lang siya. Alam niyang ngumiti ng alanganin ang guro. “Okay, thank you Axel. You can seat at the back.” Agad niyang nakita ang sinasabi nito t mabilis niyang tinungo iyon. Ang pinakahuling upuan sa dulo. Sa tabi ng bintana.                  Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula ng pumasok siya sa Welsh H. Dalcon High School at nagsisimula na naman maging impyerno ang pananatili niya doon. Ganoon na nga siguro ang kapalaran niya. A bully target. Wala siyang ginagawa, he always kept quiet pero pinag-iinitan siya ng mga classmates niya. “Class, we have another transferee student,” sabi ni Miss Jolina—ang kanilang class adviser. Pumasok ang lalaki na may buhok na hanggang shoulder length. “I’m Harold Guanzon,” simpleng sagot nito. Hindi na nito hinintay ang sasabihin ng guro at agad ng lumapit sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Pero laking gulat niya nang nakatingin ito sa kanya at bigla na lamang sinipa ang kanyang lamesa. Mabilis siyang yumuko at inilagay ang kanyang mga braso sa ulo niya. “Meet me later. Sa likod ng gymnasium,” sabi nito sa kanya at naupo na. Mukhang may bago na namang mambubully sa kanya.                  “Hindi ba I told you to meet me at the back of the gymnasium? Ang tagal kong naghintay sa’yo but you never showed up!” sigaw nito sa kanya. Papalubog na kasi ang araw at wala talaga siyang lakas ng loob na pumunta sa gymnasium. Hindi naman kasi siya ganoon kabaliw na kitain ito doon gayong alam naman niya ang mangyayari sa kanya. Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ang transferee. “Look, I’m sorry, okay? I’m just pissed off kanina kaya sinipa ko ang desk mo. I don’t have plans to hurt you. Pinadala ako dito ni Don Timoteo. I hope na alam mo na ang tungkol sa Cielo.” Tumango siya. Lumapit si Harold sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Kasabay nito ang pagngiti ng binata sa kanya. “’Wag kang matakot. I am here as a friend and also as your right-hand man.” He feels fine. He feels great. But deep inside he felt empty. He never really made a friend. A friend na ibinigay lang sa kanya ng kanyang lolo. Taong pinipilit pakisamahan siya dahil sa pagiging apo ni Don Timoteo.   ***                  Idinilat niya ang kanyang mga mata. Bumangon siya at sumandal sa pader. Napahawak siya sa dibdib niya ay damang-dama niya emptiness na naramdaman ni Axe nang araw na iyon. Tama si Axe. He never made a friend. Pinadala lang si Harold ni Don Timoteo. Naiisip niya na baka napipilitan lang si Harold. Bumuntong hininga siya at pinunasan ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata. “Boss? Okay ka lang?” Napatingin siya kay Harold na kakapasok lng ng kwarto nila. Mukhang nasa dining hall na ng Paradise Hotel ang kanilang mga kasama. Ito na kasi ang huling araw nila sa isla and babalik na ulit sila sa ship. “Ah oo. ‘Wag mo na lang ako gaanong pansinin,” sabi niya at tumayo na. “Boss Axel, baka may nararamdaman ka? Sabihin moa gad sa akin,” sabi nito sa kanya at umiling siya. “I actually remember how we first met,” sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay ngumiti ng malaki si Harold. “Talaga? Natatandaan mo na?” “Oo.” “Thank God!” sigaw nito. “Pinagdadasal ko talaga boss na maalala mo ang lahat. Na unti-unti mong maalala,” dagdag pa nito. “Harold, can I ask for a favor?” “Yes, boss. Ano ‘yun?” “Please don’t call me boss. Call me Xel.” “Pero—” “Please.” At wala ng nagawa pa si Harold. “Yes, Xel.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD