Chapter Sixty-nine: Don Timoteo’s Announcement

1310 Words
Chapter Sixty-nine: Don Timoteo’s Announcement                  Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ngayon lamang, sa tanang buhay niya na makakita ng isang napakalaking mansyon. Literal na mansyon. Halos kastilyo na nga ang tingin niya. Inabot sila ng isang oras na byahe bago nila narating ang private property kung nasaan ang main house ng Cielo. “It looks, old. I mean ancestral,” sabi niya habang nakasilip sa labas ng bintana. “Five hundred years old na ‘yan, Boss. Naitayo ‘yan mula sa founder ng Cielo na si Giovanni,” sabi ni Celestine sa kanya. Malawak ang lupain kung saan nakatayo ang mansyon. Makikita kung gaano inalagaan ang mga ito mula sa daanan, sa halaman, at maging sa tarangkahan. Akala niya sa mga pelikula lang niya nakikita ang ganitong tagpo. Parang mansyon ni Ciel Phantomhive sa Black Butler. Hindi nagtagal ay huminto na ang van. May ilang tauhan, butler at valet ang sumalubong sa kanila. Bumaba na sila ng sasakyan at mabilis na yumuko ang butler at valet. “Welcome, Master Axel. Welcome eleventh’s inner circle,” sabi ni Hernan—ang butler. “Thank you,” sabi niya. “Kanina pa po kayo hinihintay ni Don Timoteo and Signore Renato,” sabi nito sa kanya. “This way, please.” At itinuro ang daan papunta kung nasaan si Don Timoteo. Nakita niya pang hinagis ni Kris ang susi ng van sa valet na mabilis nitong nasalo.                  Pagpasok nila ay mas lalo siyang namangha. Para siyang nasa renaissance period. The paintings were century old at maging ang kasangkapan. Napatigil siya sa staircase. Naalala niya, thru Axe’s memories na dito sa hall na ito ibinurol ang ama nito. “Xel?” tawag sa kanya ni Harold. Napahawak siya sa kanyang dibdib. His chest throbs with pain. Dama niya pa rin ang sakit na nadama ni Axel nang panahong iyon. Para bang nandoon siya nang araw na iyon. “Dito ang area na binurol si Papa,” sabi niya. Tumango naman si Harold sa kanya. “Yes, diyan nga.” Binalewala na lang niya ang kanyang nararamdaman at umakyat na sila. Mahaba ang kanilang nilakad. Ilang liko at hallway ang kanilang dinaanan bago nila narating ang isang opisina. Sa pinto palang ay nakita na nila ang right-hand man ni Don Timoteo na si Bernard. Tumango ito sa kanila bago sila pinagbuksan ng pinto. Pagpasok nila ay naabutan niya sina Don Timoteo na nakaupo sa office table na gawa sa mamahaling kahoy at si Renato na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. “You are all late. Maybe I should give a punishment?” sabi ni Renato pagkapasok nila. Pinigilan niyang mapairap. “Don’t be, Renato. Ang mahalaga ay nandito na sila,” sabi ni Don Timoteo. Napatingin siya sa matanda. Ito ang pangalawang beses na nakita niya ito. Ang una ay noong nasa ospital siya. Palaging si Bernard ang madalas niyang makita noon, obvious na obvious na nirereport nito ang kalagayan niya noon sa matandang ito. “Please have a seat, children,” sabi ni Don Timoteo. Tumayo mula sa pagkakaupo si Renato bitbit ang tasa nito. Hindi na niya  kailangan pang manghula kung ano ang laman ng tasang iyon. Amoy na amoy na niya ang espresso sa buong kwartong ito. “Pinatawag ko kayo because I have an announcement to tell but first let me congratulate you all especially you Axel for finding the criminal Alejandro Gustavo realonda.” Pinalakpakan siya ng kanyang mga kasama at napakamot lang siya ng ulo. “Wala po iyon. Just a pure luck,” sabi niya. “Luck or not still, you found him. The mafia police convicted him and imprison him for ten years. Under the water tank category.” Napatingin siya sa kanyang mga kasama. Mukhang hindi din nila alam ang ibig sabihin ng sinabi ng matanda. “Water tank?” tanong ni Mykel. “Water tank prison. It means na hindi ito tipikal na kulungan na may rehas. You were imprisoning inside a cylinder with full of water. All the nourishments you need will be receiving via IV needle,” paliwanag ni Renato sa kanila. That is horrible. “Now moving on, alam niyo naman na hindi na ako bumabata. I’m getting old,” sabi ni Don Timoteo. “I cannot fulfill all of my duties as the tenth boss of Cielo Famiglia. You all know that Cielo operates for how many centuries. Ayokong maputol lang ito dahil sa katandaan ko. The Cielo will continue. I think it’s time for us to retire. I want you all to undergo the Liderlik Denemesi also known as the trial.” Sh*t! Ito na nga ba! Magsisimula na ang panibagong kabanata! “Kailan po at papaano? Alam po naming na iba’t ibang pamamaraan ng Liderlik Denemesi ang ginagawa sa bawat generation,” sabi naman ni Celestine. Tila may naalala si Don Timoteo at tumawa bigla. Para bang nakakatawa ang naalala nito. “I-I’m sorry,” sabi nito sa pagitan ng pagtawa. “I’m sorry for that. I just remembered noong dumaan kami sa Liderlik Denemesi. Card game ang naging basehan naming noon. I don’t know Kay Donya Daniella that time. Anyway, since wala ang ilan sa mga member ng inner circle ko, as you can see si Bernard lang ang nandito. Mamayang gabi pa sila or madaling araw makakabalik. Bukas na lang naming sasabihin ang kung papaano ang magiging Liderlik Denemesi niyo.” Tumayo na ang matanda mula sa pagkakaupo sa office chair nito at nilapitan sila. “Minsan lang kayo nandito sa mansion, might as well have a dinner here. Sabihin niyo sa chef ang mga gusto niyong kainin.” “Talaga, Don Timoteo? Kahit ano?” tanong ni Lorence. Bakas sa boses nito ang tuwa dahil sa narinig. “Oo naman. Ano ba gusto mo? Ipapaluto natin kay Chef Canoy.” “Takoyaki!” sigaw nito. ***                  “And the wheels of fate are starting to move again,” sabi ni Kronos habang pinanunuod sa higanteng monitor niya ang nangyayaring usapan sa pagitan nila Xel at Don Timoteo.  “I know he can do it. Let’s see kung papaano mo mababago Xel ang madugong mundo ng Cosa Nostra.” Tumayo na siya at lumapit sa kanyang table nang may maramdamang presensya. Lumingon siya at hindi niya nagustuhan ang kanyang bisita. “What are you doing here? Rhea?” tanong niya. Ngumiti ang babae sa kanya. Matangkad at maputi ang babae. Nakasuot ito ng three-piece suit na kulay pula. May mahaba, tuwid, at putting buhok na aabot sa baywang nito. Angat na angta nag red lipstick nito at maging ang stiletto na suot nito. “As I’ve expected brother, may ginagawa ka na namang kalokohan,” sabi nito sa kanya. Umismid naman siya. “Wala akong ginagawa,” sabi niya. “Gusto mo ba ulit humaba ang sentensya mo dito? I mean being the administrator of parallel worlds? You’re making things complicated. Bakit hindi mo na lang kasi hayaan sila?” sabi nito sa kanya. Rhea Samonte, ang isa sa mga kapatid niya. Rhea is two years older kaysa sa kanya. Kung siya ang administrator ng Parallel Worlds, taga-bantay. Si Rhea ay may kakayahan namang tumawid at magbura ng Parallel Worlds. May kapangyarihan si Rhea na magpalipat-lipat ng parallel worlds, habang siya ay iisang parallel lang ang pwede niyang puntahan—iyon ang mundo ni Axe. Well, bago siya naging administrator ng Parallel Worlds ay sinubukan niya kung maaari siyang pumasok sa ibang mundo. Nagtagumpay naman siya, ito ang panahon kung saan pinag-eksperimentuhan niya si Renato. “Hindi ko sila pinilit okay? Pareho silang nakiusap sa akin. Mabait akong admin kaya pinagbigyan ko sila.” “You’re destroying the worlds, Kronos!” “No, I’m not! In fact I’m helping that world to survive. Dahil kung hindi, Cosa Nostra will destroy that world. That world will be full of sufferings and bloodshed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD