***
Chester's Pov
Tumahimik kaming lahat, wala ni isang nagsasalita sa loob ng bahay dahil takot kaming yanigin ng mga abwak ang bahay.
"Shhhhh" ani sa amin ni Ginang at iginayak niya ang kanyang hintuturo sa kanyang ilong para sabihin sa amin na tumahimik kami.
Tanging paghinga lang namin ang naririnig naming lahat, nanatili lang kami sa aming kinatatyuan ngayon wala ni isang gumagalaw dahil baka makagawa ang pagapak namin sa kahot sa baba at isa pa ang inaapakan lang namin ay kahoy.
"Hanggang k-kailan ba i-ito?" kinkabahang tanong sa akin ni Judy Ann na nasa tabi ko.
Umiling lang ako bilang sagot dahil hindi ko alam kung hanggang kailang oras titigil ang mga abwak sa kakatake dito sa bayan.
"Hanggang sa sumikat ang araw." sabi sa amin ni Ginang kaya napatingin kaming lahat sa kanya at nanlaki ang mga mata.
Hanggang sumapit ang araw?! Paano 'yan? Wala kaming tulog? so it means yung mga tao dito hindi sila natutulog kapag gabi kaya hindi sila lumalabas ng umaga dahil iyon ang kanilang mistulang gabi?
Nakita naming unti-unti ang paggalaw ni May-Ann mula sa kakahiga niya. Nakatigngin lang kami sa kanya at sinasabi namin sa mga utak namin na sana hindi siya magsasalita o gagaw ng kung anong ingay.
Unti-unti ang pagdilat ng kanyang mga mata at agad na tumama ang kanyang paningin sa amin.
"Anong ginagawa niyo?"tanong niya sa amin.
"SSSHHHH" tugon namin sa kanyang lahat at nakita naman namin ang nagtataka niyang mga mata.
Iginala niy ang paningin niya sa loob ng bahay, mistulang ang ilaw ng lampara lang ang ginagamit namin sa loob, walang bombilya wala ring TV dahil daw walang signal dito sa lugar na ito.
Unti-unti niyang tinignan ang kanyang katawan at maya maya pa ay nanlaki ang mga mata niyang nakatignin sa kanyang putol na kamay at sa hindi inaasahang kadahilanan ay bigla na lang siyang sumigaw.
"AAAAAHHHHH!" sigaw niya dito.
Nataranta kaming lahat at agad nalumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang bunganga dahil sa pagsigaw nito pero huli na ang lahat, bigla na lang naming naramdaman na parang may mga bumabangga sa pader na kahoy ng bahay.
"s**t ka! Sana namatay ka na lang!" sambit sa kanya ni Shiela na parang sinisisi niya ito dahil sa nangyari.
"Sumasalakay na sila, ano nang gagawin natin?" tanong ni Mkcleine.
Napatingin ako kay Ginang na kinukuha niya ang dalawang itak doon at dalawang dos por dos. Ibinigay niya ang isang itak kay Mkcleine at ibinigay naman niya ang dalawang dos por dos sa amin ni Shiela.
"Kung may abwak man na papasok dito sa bahay labanan niyosila. Wag kayong magpapakagat." pahayag nito sa amin.
Tumayo kami at hinawakan ng mahigpit ang dos por dos. Tumigin muna ako kina Judy Ann at May-Ann.
"Ikaw muna ang bahala sa kanya." utos ko dito.
"S-sige." sabi niya at nilagay ang ulo ni May-Ann sa kanyang tuhod para ito ang magmistulang unan nito dahil umiiyak siya. Hindi ko siya masisisi dahil kung ikaw ba naman ang maputulan ng isang kamay.
Tumingin na ulit ako sa pader ng kahot kung saan may bumabangga dito, mas hinigpitan ko ang paghahawak ko dito kahit na nanginginig ang mga kamay at paa ko sa takot at pinipilit ko lang na maging matatag.
Marami na kaming pinagdaan, mga namatay na kaibigan namin pero iba ito, kakaiba ito.
Naiisip ko rin sina Harlyn, kamusta na sila? Ano ng nangyari sa kanila?
"Humanda kayo. Kahit anong mangyari protektahan niyo ang isa't isa, wag kayong papakagat at kapag mangyari iyon mamamatay kayo dahil parang isang ahas ang kanilang kamdag, isang araw lang ang itatagal nito kapag nakagat kayo ng mga 'yan." sabi nito sa amin habang nakahawak rin siya ng itak.
"N-natatakot ako." bulong ni Shiela na nasa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Don't be, hangga't sama-sama tayo at tulong-tulong tayo malalagpasan natin ang lahat ng ito." sabi k sa kanya.
Mas lalong lumalakas ang pagbangga sa pader ng kahoy ng bahay at maslalo namang gumapang ang kaba sa nararamdaman ko pero hindi ko lang ipinahalata ito.
"Anjan na sila!" sigaw ni Ginang sa amin at biglang nawasak ang kahoy na pader nito at bigla naming nakita ang mga abwak na papalapit sa kinaroroonan namin.
"Humanda kayo!" sabi nito sa amin.
Nang paparating na sila sa kinaroroonan namin ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko dito at tyaka ko inihampas ang dos por dos sa paparating na isang abwak sa kinaroroonan namin kaya naman nahulog ito sa sahig.
"s**t! Mas lalo silang dumadami!" sabi ni Mkcleine habang patuloy parin sa paglaban.
"Hindi na natin makakaya ito." sabi ko.
May inilabas si Ginang na isang posporo at tyaka niya sinindihan ang hawak niyang kahoy at tyaka itinapat sa mga abwak.
Isang matitinis na sigaw ang naririnig namin na nagmumula samga abwak at maya-maya pa ay nagsilalisan na sila sa bahay.
"A-anong nangyari?" tanong ni Shiela habang naguguluhan.
"Isa sa mga kahinahan nila ay apoy dahil sa liwanag at init nito." aniya.
Harlyn's Pov
Palibot-libot kami dito sa lugar ng Villa Gloria pero hindi namin alam kung nasaan kami dahil sa kakahanap kung saang pook ang Baranggay Maligaya. Umaga na pero hindi pa namin nahahanap sila Chester, baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
"Magtanong tayo doon sa matandang iyon oh." sabi ni Rica sa amin at itinuro niya ang matandang nakaupo sa silong ng mangga.
"Oo nga mas mabuti baka alam niya kung saan ang Baranggay Maligay." pagang-ayon naman ni Reynalyn dito kaya naman lumapit kami doon.
"Hello po, Lolo. Pwede po bang magtanong?" tanong ko sa kanya.
Dumilat ang kanyang mga mata at nagulat ako sa aming nakita, kulay puti lang ito walang halong kulay itim.
"Ano iyon, hija?" tanong niya habang hawak-hawak niya ang kanyang tungkod.
"Alam niyo po ba kung saan ang Baranggay Maligaya?" tanong ni Reynalyn dito.
Parang nabigla pa ito sa tanon namin pero maya-maya pa ay sumagot ito.
"Bakit?" tanong nito.
Napatingin ako sa paligid namin, nabigla ako sa aking nakita. Nakita ko si Krisanta na nakangisi sa amin habang hawak-hawak niya ang palakol na duguan. Imposible!
Pumikit ako ng mariin at umiling-iling at tyaka tumigngin ulit doon sa kinaroroonan ni Krisanta kung saan ko nakita at pagtingin ko doon ay walang Krisanta.
Naghahallucinate lang ata ako, baka hindi pa ako nakakamove on sa mga nangyari noon.
"Hinahanap po kasi namin ang kaibigan namin napadpad daw sila jan sa lugar na iyan." sabi ni Rica sa kanya.
"Kung ako sa inyo, wag na wag niyo ng babalakain pang pumunta jan." seryosong saad niya sa amin.
"Bakit po, Lo?" tanong ko sa kanya.
"Dahil pag-apak niyo palng jan sa lugar na iyan ay hindi na kayo makakabalik pa dito sa labas." seryoso at makahulugan na sabi niya sa amin.
***