***
Chester's Pov
Unti-unting tumahimik ang paligid. Binuksan na rin ni Ginang ang ilaw sa lampara.
Napatingin ako sa kanya, hindi pa namin siya kilala kahit ang pangalan niya ay hindi pa namin natatanong.
"Salamat po sa lahat." pagpapasalamat ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. Ngumiti siya pero agad rin itong nawala.
"Ano po bang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya.
"Rosenda" simpleng sagot nito.
Rosenda pala ang pangalan ni Ginang. Magandang pangalan bagay sa kanya dahil isa rin siyang magandang nilalang.
Naptingala ako sa yero ng bahay. Tanging kunting ilaw lang na nangagaling sa lampara ang nakikita ko doon. Napatingin ako sa side ko, nakita ko sila Mkcleine, Judy Ann, Shiela, Jessa at si May-Ann na tahimik. Walang angsasalita sa kanila tanging bawat paghinga lang nila ang maririnig.
Natrauma na kami sa nangyari. Ganito pa gabi-gabi dito? Paano sila makaktulog ng matiwasay?
Napapikit ako ng aking mga mata para pigilan ang pag-isip ng kung ano-ano. All I want is just rest for the mean time. Hindi ko na alam ang gagawin. Marami nang nangyari sa amin pero kakaiba ito.
Unti-unting pumikit ang aking mga mata at sa pagpikit kong iyon ay tanging mga imahe ng mga kaibigan ko ang nakita ko. SIla Elizabeth, Sir Bueno, Lady Ann, Rosemarie at iba pang mga kaklase ko.
Wala rin kaming balita kina Harlyn, ang huling pag-uusap lang namin ay nung bnakaraan gamit ang cellphone at kung minamalas ka pa naman ay mahina ang signal kaya kami hindi nakapag-usap ng maayos.
Napapaisip rin ako ano na ang nangyari sa mga iba pa naming kaklase? Plinano ba ni Krisanta ang lahat ng ito?
Hindi ko na pala namalayan ay unti-unti ng pumkit ang mga mata ko at nakatulog na ako.
Unti-unti akong napamulat ng mga mata ko ng maramdaman ko ang mahapdi na sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi. Napatakip ako ng aking mga mata para hindi masilawan lalo ito. Kinusot ko ang mga mata ko at inilibot sa loob ng lugar.
"Gising ka na pala." halos mapatalon ako sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Shiela sa banag kanan ko.
Napatingin ako sa kanila, nakita kung nagkakape silang lahat pati rin si May-Ann na wala ang isang kamay.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at doon ko na lang naramdaman ang sakit ng likod ko dulot sa pagkakahiga sa kawayan.
"Kape ka muna." anyaya sa akin ni Mkcleine.
Tumango ako at umupo na sa tabi ni Jessa.
Kinuha ko ang bite ng kape at nilagyan ng kaunti ang tasa ko tyaka ko kinuha ang cream at nilagayan ang baso ko. Nilagyan ko narin ng asukal pati narin ang mainit na tubig tyaka ko ito hinalo.
Sumipsip ako. Napatingin ako sa kulay brown na paper bag sa harapan ko.
"Saan niyo binila yan?" tanong ko sa kanila at kumuha ng isang pandesal.
"Sa bayan malapit lang dito." sagot ni Judy Ann sa akin.
"May bayan dito?"tanong ko at sumipsip ulit sa aking tasa.
"Oo meron malapit lang dito."ani Jessa.
Iginala ko ang paningin ko para hanapin si Lola Rosenda pero hindi mahanap ng mga mata ko kung nasaan siya.
"Nasa likod siya naglalaba." sabi sa akin ni May-Ann nung napansin niya atang may hinahanap ako.
Tumango lang ako at kumagat sa tinapay na hawak ko tyaka sumipsip ulit sa kape ko.
Pagakatapos naming magalmusal ay naglibot kami sa bayan. Parang nirmal alng ang takbo ng lahat dito. Parag nasa karaniwang baryo karin lang, may nagtitinda ng mga makakain, mga prutas at iba pa pero walang mall.
Napatingin ako sa mga tao na nasa bandang lakuhan ng prutas pero hindi ko inaasahan ang nakita ko...
Nakita ko si Krisanta doon na nakangisi at nakahawak ng palakol na duguan. Kinilabutan ang buong katawan ko, tumayo ang mga balahibo ko sa nakita ko. Pero nung ipinikit ko ang mga mata ko at tumingin ulit doon ay wala na siya.
Imposible, imposibleng nandito siya. Ano na ba ang nangyari sa mga kaibigan ko? Wala akong alam, wala kaming kaalam-alam dahil nasa panaganib na lugar din kami.
Harlyn's Pov
"Hanggang dito na lang ako, hija. Hanggang dito na lang ang pwede." ani sa amin nung driver ng tricycle na sinakayan namin.
"Ganun po ba, Kuya? SIge po.Itopo 'yung bayad." ani Rica sa kanya at bumaba na kami sa tricycle.
Napatingala ako sa arko ng lugar na ito. Pagkakita ko palang ng arko ay kinilabutan na ako, madumi aito at may mga halaman pero kitang-kita mo ang nakalagay doon.
WELCOME TO BARANGGAY MALIGAYA
"Paano tayo makakapunta jan? Baka gabihin na tayo." sabi ni Reynalyn.
May bigkang huminto na puting van sa tabi namin. Napatingin ako doon, bumaba ang driver at dali-daling pumunta sa tabi para umihin.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko, mukhang alam na nila.
"Sorry po sa gagawin namin." pagmomonologue ko at dahan dahan kaming naglakad papunta sa van. Napatingin ako sa driver na umiihi pa, nakapikit pa ito habang nakatingala.
Unti- unti kong binuksan ang driver seat ganun rin sina Reynalyn at Rica binuksan narin nila ang pintuan sa likod. Kahit hindi ko alam magmaneho ay kakayanin ko parin itratry ko parin mahanap lang ang mga kaibigan ko.
Umaandar pa ang sasakyan kaya namin hindi na ako nagdalawang isip na apakan ang paabante nito at umalis na pero bago kami makaalis doon ay nakita ko na lang sa side mirror ang driver na galit na galit.
Sorry po.
Habang naglalakbay kami papasok sa Baranggay Maligaya ay puro puno ang nakakasalamuha namin. Mga iba't ibang puno, nakakatakot.
Ilang oras narin kaming nagbiyabiyahe gumagabi narin kaya napagpasyahan naming huminto muna para makapagpahinga..
Doon na kami nagpalipas ng oras. Naka-upo lang kami sa van at minamasdan ang paglubog ng araw.
Pero sa paglubog pa lang ng araw ay may narinig na kaming mga tunog, mga tunog ng mga ibon na umaalis mula sa kapunuan at maya-maya pa ay sinundan ito ng isang tunog ng ibang na nakakakilabot.
*kwak kwak kwak*
Nakita na lang namin sa himpapawid ang mga paniki na, marami ito.
"PUMASOK NA KAYO SA LOOB!" sigaw ko.
Bigla na lang pumunta ang mga paniki sa kinaroroonan namin pero bago pa sila makapunta sa amin ay nasa loob na kami at nakasira na lahat ng binatana ng van.
Pero parang wala lang 'yun sa kanila unti-unting nagcracrack ang salamin na pintuan ng van. Hindi na ako nagalinlangang pang paandarin ito atpinatakbo pero nakita ko parin sila sa side mirror na hinahabol kami.
Ang bibilis nila, makapit na nila kaming maabutan kaya maslalo ko pa itong binilisan pero habang binibilisan ko ay mas lalo pang dumdami sila.
Bigla nalang naming naaninag ang mga kabahayan malapit doon.
Inihinto ko ang van sa isang bahay at dali-dali kaming umalis sa van at kumatok kataok sa pintuan ng isang bahay.
"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw namin.
Nakita na namin na paparating ang mga paniki papunta sa kinaroroonan namin.
"TULONG!" sigaw namin at bigla na lang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang isang lalaki.
"BILISAN NIYO!" sabi niya. Bago pa man makapunta sa amin ang mga paniki ay nakapasok na kami sa loob ng bahay.
***