Kabanata 4

1291 Words
*** Harlyn's Pov Naririnig namin ang mga pagbangga ng mga paniki sa dingding ng bahay. Hindi naminalam kung ano ang mga iyon at ano ang napasok namin. "Saan kayo galing?" tanong ng lalaki sa harapan namin. Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang kanyang maputing kutis, matangos na ilong, mapulang labi at ang kulay brown niyang mga mata.  "Hi-hinahanap namin ang mga kaibigan namin." nanginginig na pahayag ni Rica sa kanya. Napatingin siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Mas lalo kung nakita kung gaano siya kagwapo. Yung buhok niyang tumatakip sa kanyang mukha ay kanya nitong hinawakan at inayos ang pawis na tumatagidtig sa kanyang noo ay parang slow motion na naglalaglagan. "Hindi niyo ba alam na delikado ang lugar na ito?!" tanong niya sa amin. Nag-igting ang bagang niya. Sa bawat ekspresyon na kanyang pinapakita ay maslalo ata siyang gumagwapo. "H-hindi."sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa kinaroroonan ko at kumunot ang kanyang noo tyaka siya tumingin ulit sa mga kaibigan ko. Aba sungit ng lolo niyo! "Mas mabuti ng umalis na kayo sa madaling panahon bago pa kayo hindi na makalabas dito!" anito sa amin. "Aalis lang kami dito hanggang sa makita namin ang mga kaibigan namin!" palaban na sabi ko sa kanya. Ngayon pa ba kami aatras? Ngayong nandito na kami. Marami na kaming napagdaanan hangga't sama-sama kami ay makakaya naming lagpasan ang pagsubok na darating sa amin. "Hindi niyo alam kung ano ang lugar na napuntahan niyo!" galit na pahayag niya sa amin. Nakita kung nagngingitngit na siya sa galit pero mas lalo ata siyang gumagwapo sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Cody, tama na yan!" lumapit sa amin ang isang Ginoo na ama ata ng Cody na ito magkamukha kasi sila eh."Hayaan na lang muna natin sila na dito tumuloy ngayong gabi. Tutulungan namin kayo na hanapin ang inyong mga kaibigan." sabi niya sa amin. Mas mabuti ng dito na kami magstay kesa namang gagala pa kami dito sa Baranggay Maligaya para hanapin ag mga kaibigan namin ngayong dis oras ng gabi baka kung mapano kami at baka habulin pa kami ulit ng mga paniki. "Pero-" hindi niya pintapos ang sasabihin ni Cody ng nagsalita nanaman ulit ang ama nito. "Dito na muna kayo mga, hija.Makakabuting dito na muna kayo baka makagat pa kayo ng mga abwak." anito sa amin. "Ano po 'yung abwak?" nagtatakang tanong ni Rerynalyn. Napatingin siya sa amin at tumingin sa kanyang anak. Imbis na ang ama niya sana ang sasagot sa katanungan namin ay si Cody ang sumagot dito. "Ang mga Abwak ay ang mga paniki na humahabol sa inyo kanina." sabi nito sa amin. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa amin."Parang paniki kumbaga sila pero hindi, naiiba sila. Iba ang kanilang mukha, may matatalas na ngipin ang mga ito at kapag makagat ka nito maari kang mamatay kapag hindi ka nalunasan kaagad." aniya. Mas lalo pa ng sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa amin. Tumingin siya sa akin at sumeryoso ang kanyang mukha. "Gabi lang ito sumasalakay at dapat kapag bago sumapit ang gabi dapat lahat ng binatana sa bahay niyo ay dapat nakakandado na." aniya. Nakakinig lang kami sa kanyang mga sinasabi. "Ang abwaka y kilalang bilang isang ASWANG SA BARANGGAY MALIGAYA" seryosong saad niya sa akin. "Kaya delikado kayo dito hija. Hahanapain natin bukas na bukas ang mga kaibigan mo para makaalis na kayo kaagad dito sa bayan." ani ng kanyang Ama. "B-bakit po wala po bang nagbalak na umalis man dito sa lugar na ito?" tanong ko. "Marami pero ang mga nagbalakad na umalis ay namatay rin dahil bago ka pa man makaalis sa bayan na ito masasalakay ka na ng mga abwak." aniya. Bumigat ang paghinga ko sa mga narinig ko. Ano ba ang napasukan namin this time. "Kaya masmabuti ng magpahinga na lang muna kayo at bukas na bukas tutulungan namin kayo sa paghahanap ng mga kaibigan niyo." sabi niyasa amin. Hindi na kami tumutol sa sinabi ng Ginoo bagkus ay sinunod na lang namin ang sinabi niya. Naglatag kami ng banig sa kanilang sahig at iyon ang mistulang higaan na namin. Nakahiga kami ngayon sa malamig na sahig habang ako ay nakatingala sa kisame. "Ano ba itong pinasok natin?" narinig kung tanong ni Reynalyn. "Hindi ko alam. Basta ang importante mahanap muna natin sila Chester at pagkatapos nun ay aalis na tayo agad." sabi ko habang nakatingin parin sa itaas. "Kailangan nating bilisan ang paghahanap sa kanila." ani Rica. Napabuntong hininga na lang ako at tumagilid. Nakita ko si Cody na natutulog sa sofa habang nakapikit ang kanyang mga mata. Mula dito ay nakikita ko ang himbing na himbing ng tulog niya na animo'y ngayon lang siya matutulog. Nakit hindi matapos-tapos ang trahedyang nagaganap sa amin? Pagkatapos nito ano pa ang susunod? Chester's Pov Pagkasikat pa lang ng araw ay tinulungan na namin si Lola Rosenda na isampay ang kanyang nilabhan sa likod ng kanyang bahay. Kinuha ko ang isang malaking blangket at iginayak sa alambre tyaka ko ito inipitan. "Kayo lang po ba mag-isa sa bahay niyo?" tanong ni Shiela sa kanya at isinapay niya ang mga lalagyan ng unan. "Oo ako na lang ang natitira dito sa bahay na ito." aniya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang bakas sa kanyang mukha ang lungkot. "Ano po bang nangyari?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at itinulot ulit ang pagsasampay. "Noon kasi, ang baryo na ito ay isang tahimik na lugar pero masasaya ang mga taong nakatira dito. Pero sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang may sumalakay noon na mga abwak, bata pa ako noon nung naklita kung kinagat ng mga abwak ang mga magulang ko." pagkwekwento niya sa amin. Itinigil namin ni Shiela ang ginagawa namin at nakinig sa kanyang sasabihin. "Hindiko noon alam ang gagawin ko. Nilapitan ko noon ang mga magulang ko na wala ng buhay hanggang sa may nakita akong isang abwak na papalapit sa akin ang alam ko noon mamamatay na ako pero may biglang humarang na isang matanda noon. Nung sinabi niyang tumakbo ako noon ay tumakbo na ako hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." sabi nito sa amin. Tumigil narin siya sa kanyang pagsasamay at tumingin siya amin. "Kaya ngayon nagpapasalamat ako dahil may kasama ako, naransan ko ring may kasama sa bahay pero kailangan niyo ng makaalis sa lalong madaling panahon" sabi niya sa amin. Parang ang naramdaman noon ni Lola ay naramdaman ko rin ngayon. Naisip ko tuloy si Mama. Ano na ang nangyari sa kanya? Hinahanap niya kaya ako? Namimiss ko na siya, ni hindi ko man lang siya makita kahit isang pagkakataon lang. Pagkatapos naming tulungan si Lola ay lumabas kaming lahat sa bahat. Napatingin ako ngayon sa isang puting gusali sa harapan namin na medyo tapat lang ng bahay. Ito, ito yung gusali kung saan kami nanggaling. Napatingin ako sa kanila at ganun din ang laking gulat ko na nakatingin rin sila sa akin. "Pasukin natin baka may mahanap tayong sagot." ani Judy Ann. Hindi kami tumutol bagkus ay ginawa namin. Naglakad kami papasok doon. Pagpasok pa lang namin ay tumambad na sa amin ang madilim na lugar. Hindi pa kami nakakapsok sa loob ay narinig na namin ang boses ni Lola Rosenda na nagmumula sa labas. "UMALIS KAYO SA PARTENG YAN!" sigaw nito sa amin. Naguluhan ako sa kanyang sinabi pero bigla ko rin namang naunawaan kaagad. Nanlaki ang mga mata ko at nagpapanic na. "Umalis na tayo nandito ang mag abwak dito sa madilim na lugar na ito!" sabi ko sa kanila at nagsisitakbuhan kami palabas doon pero bago pa kami makalabas ay narinig namin ang huni nila. *kwak kwak kwak* Medyo naaaninag na namin ang liwanag na nagmumula sa labas kaya naman binilisan namin ang pagtakbo namin hanggang sa nakalabas na kaming lahat. "Ok lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Ok lang." anila. Napatingin ako kay Judy Ann doon ko na lang napansin ang pagtulo ng dugo mula sa braso niya. Napatingin siya mula sa kinaroroonan ko at napatingin siya sa kanyang braso. Napahawak siya dito dahil sa hapdi pero maya-maya pa ay bumagsak na siya sa lupa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD