***
Chester's Pov
Parang naging slow-motion ang pagbagsak ni Judy Ann.
Agad kaming nagsipunta sa kinaroroonan niya at tinignan siya.
Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi habang si Shiela naman ay hinahawakan ang kanyang kamay.
"Judy Ann?" tawag ko sa kanya at binuksan ang kanyang mga mata.
Nagiging kulay pula ang kanyang mga mata at hindi ko alam kung bakit nagkakaganun ang kulay ng mga mata nito.
Hinawakan ko ang balikat niyo kung nasaan ang kagat ng abwak. Tinignan ko ito ng mabuti, hindi masyadong malalim pero tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga dugo na nagmumula doon.
Lumapit naman kaagad si Ginang Rosenda at lumuhod para tignan si Judy Ann sa kanyang kalagayan. Walang umimik sa aming lahat, mabibigat lang na paghinga ang naririnig namin pati kabog ng puso ay halos marinig mo na dahil sa kaba.
"Nakagat siya ng abwak. Delikado ito!" sabi niya sa amin habang nag-aalala ang kanyang mukha.
"H-hindi n-namin alam." nagakandautal-utal na sabi ni Shiela.
Naginginig ang kanyang mga tuhod pati narin ang kanyang mga kamay. Lumapit naman si Jessa ito at kanya nitong niyakap. Umiyak na lang si Shiela dahil sa nangyari.
"Wag na wag kayong pupunta sa madidilim na lugar dahil doon ang pugad ng mga abwak." ani sa amin ni Ginang Rosenda.
"Hindi lang ordinaryo ang kagat ng mga abwak. Hindi langparang aso na pwede mong ipunta sa center at patusukan mo siya ng anti rabis. Hindi ganun ito....kakaiba ito..." pahiwatig niya sa amin.
Napatingin ako sa kanya habang tinitignan ang kagat ng abwak. Pinunit niya ang tela ng kanyang damit sa kanyang braso at ibinalot ito sa braso ni Judy Ann para matulungan kahit kaunti ang pag-agos ng kanyang mga dugo. Marami na kasing dugo ang nawala sa kanya.
"A-ano po ba ang dapat naming gawin?"tranong ko sa kanya.
Napatingin siya sa kinaroroonan ko tyaka tumingin ulit kay Judy Ann. Kinuha niya ang ulo ni Judy Ann at ipinatong sa kanyang mga tuhod para iyon ang magmistulang unan nito.
"Mahirap....Hindi madali....Hindi ko kaya kung kakayanin niyo..."nagaalalang sambit nito sa amin.
"Sabihin mo po at aming gagawin alang-alang sa kaibigan namin gagawin namin para mabuhaylang siya." seryosong lahad ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin ng diretso.
"Kung ganun maghanda kayo sa gagawin niyo." aniya.
Binuhat na namin si Judy Ann papasok ng bahay at pinahiga sa sahig.
Agad naming inihanda ang gagamitin namin. Nag-igip kami ng maraming tubig at inilagay sa bottle. Kumuha rin kami ng prutas para hindi kami magutom sa pupuntahan namin. Lahat ay inihanda na namin, kumuha rin kami ng mga sandata namin gaya ng pana at itak.
Nagpalit narin kami ng damit namin iyong komportable kami at masmadaling umakyat sa bundok.
"Handa na ba kayo?" tanong sa amin ni Ginang.
Lumabas kami sa loob ng bahay at pumunta sa kinaroroonan niya. Nakatingin lang siya sa bundok na nasa harapan namin na hindi naman medyo kalayuan.
Itinuro niya ito.
"Kailangan niyong makarating jan sa Bundok ng Malaya. Sa tuktok nito mismo." sambit niya sa amin. "Bago pa lumubog ang araw ay dapat makarating na kayo dito, pero alam kung hindi niyo kakayaning makaratig dito ng ganung kadali." sambit nito sa amin.
Nakinig lang kami sa sasabihin nito kung ano ang gagawin namin.
"Pero dapat niyong kayanin. Kung bakasakali mang maabutan kayo ng gabi ay masmabuting magpahinga na lang muna kayo doon. Wag kayong gagawa ng ingay dahil maraming naninirahan doon na abwak." sabi nito sa amin.
Tumango kaming lahat.
Pagakarating niyo sa tuktok may isang puno doon. Mismong gitna, yung nasa gitnang tuktok. Kumuha kayo ng bunga nito. Kulay dilaw ang kulay nito at huging oblong. Kumuha kayo ng marami kung kinakailangan para kung may makagat nanaman sa inyo ay may panlunas tayo." paalala nito sa amin.
"Bago pa dapat sumikat ang araw ay dapat pumunta na kayo dito bago pa mahuli ang lahat. Bente kwatro oras lang ang itatagal ni Judy Ann at kung makalagpas man doon sa oras na iyon at wala pa kayo ay mamatay na siya." aniya.
"Sige, umalis na kayo. Magmadali kayong lahat. Bilisan niyo." sabi niya sa amin.
"Sige po Ginang. May-Ann maiwan ka na namin dito. Bantayan mo si Judy Ann at Ginang Rosenda." utos ko sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo bagkus ay tumango naman ito.
Tumakbo kami papunta doon sa bundok. Hindi naman kaklayuan ito kaya sa pagtakbo namin ay nakunsumo namin ang tatlongpong minuto na oras.
Hindi na kami nag abala pa na magpahinga kahit sa pagtatakbo palang namin ay pagod na kami. Umakyat na kami kaagad sa bundok Malaya. Sama-sama kaming lahat sa pag aakayat.
"Nauuhaw ako." sabi ni Jessa kaya naman uminom siya sa kanyang tubig na dala.
"Magpahinga muna tayo dito." sabi ko sa kanila ng may nakita kaming malaking bato na pwede naming upuan.
Umupo naman kaming lahat doon at nagpahinga ng kaunti pero maya maya pa ay itinuloy ulit namin ang paglalakabay namin papunta sa tutok.
Sa tingin ko ay nakakalahat na kami. Tirik na tirik narin ang araw at pinagpapawisan kaming lahat.
Harlyn's Pov
"Bibili ka ba, hija?" napatingin ako sa tindera na nasa gilid ko. Nakita ko ang hinog na manggang hawak nito.
"Hindi po." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Iginala ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mga ilang nagtitinda ng mga gulay, prutas, isda at iba pa.
"Ano may nakalap ka na bang impormasyon kung nasaan sila?" napatingn ako sa nagsalita mula sa gilid ko at nakita ko si Reynalyn.
"Wala pa." sagot ko dito. "Ikaw Rica?" baling ko kay Rica.
Umiling siya. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad kami ulit para magtanong-tanong sa mga tao.
Lumapit sa amin si Mang Roger ama ni Cody.
"Ano, hija may nalaman na ba kayong impormasyon kung nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong niya sa amn.
Sabay sabay kaming umiling sa kanya. Napatingin naman ako kay Cody na patuloyparin na nagtatanong sa mga tao dito. Talagang tinutulungan nila kami sa paghahanap sa kanila.
"Alam mo ba kanina kina Rosenda. May mga bata na pumunta sa abandonang gusali at balita ko nakagat daw yung isang babae na kasama nila." hindi ko intensyong marinig ang pinag-uusapan nila pero narinig na lang ito ng aking mga taenga.
Napatingin ako sa mga nag-uusap at nakita ko ang dalawang babae.
Lumapit ako dito at sumundo naman sila.
"Po? Ano pong nakagat?" tanong ko sa kanila.
"Ha? Dayu ka lang ba dito, ineng?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
"May mga bata din kasi na dayu rin lang sa bahay ni Rosenda. Isa sa kanila ang nakagat ng abwak kanina lang umaga" sabi nito.
Lumakas ang kutob ko na baka sila Chester iyon.
"Ilan po ba silang mga dau na napadpad dito?" tanong ni Rica.
"Apat ata na babae at dalawang lalaki." aniya.
Tumaas naman ang kilay ko sa narinig ko. KUng sila Chester iyon? Sino ang kasama niya maliban kina Shiela, Judy Ann? Sino pa iyong mga tatlo?
"Saan po ba ang bahay ng Rosenda na sinasabi niyo po?" tanong ni Reybnalyn sa kanya.
Chester's Pov
Papalubog na ang araw ay hindi pa kami nakakapunta sa tutok. Malapit na kiami doon pero hindi ata namin kakayanin na makababa dito sa bundok baka bukas.
"Bilisan natin!" ani Mkcleine na nasa unahan namin.
Nang nakita na namin at tuktok nito ay agad kaming tumakbo papunta doon. Pagkarating namin sa tuktok ay nakita namin ang mga puno dito.
'Kulay dilaw at hugis oblong. Mismong nasa gitna.'
Hindi na kami nagaksaya pa ng oras. Agad kaming pumunta sa gitna at hinanap ang mismong puno na sinasabi ni Ginang Rosenda.
Iginala namin ang paningijn namin para ha napin ito. Napatingin naman ako sa isang ouno na nasa harapan ko,isang puno na natatangi sa kanila. Kulay dilaw na parang ginto ang ,ga dahon nito. Hinawakan ko ang bunga nito,ito na ata ang sinasabi ni Ginang Rosenda, kulay dilaw na hugis oblong.
"Nakita ko na!" sigaw ko sa kanilang lahat.
Nagsipuntahan naman silang lahat sa kinaroroonan ko.
"Yan na ba 'yan?" tanong ni Jessa.
"Oo ito na ata ito. Kumuha na kayo at ilagay niyo sa bag." agad na sabi ko. Sinunod naman nila iyon pero nung natapos na kami sa pagkuha ay nakita na lang namin na papalubig na pala ang araw.
"Bilisan natin bago pa lumubog ng tuluyan ang araw." sabi ni Mkcleine.
Hindi na kami nagaksaya pa ng oaras. Agad na kaming nagsibabaan sa bundok. Madalian ang paglakad namin pero hindi ata kami makakalabas dito sa bundok dahil sa parte palang ng nilalakaran namin ay hindi na nasisinagan pa ng araw dahil sa mga malalaking puno na nakaharang.
"Maghanap bna lang muna tato ng matrutulugan. Yung pwedeng pagawahan ng apoy." sabi ni Shiela.
Sumang-ayon naman kaming lahat.
Nakahanap naman kami kaagad ng matutulugan. Kumuha rin kami ng mgamaliliit na kahoy. Kumuha rin ako ng dalawang bato at ikiniskis ko ito para maylumabas na apoy. Hindi rin nagtagal ayumapoy narin ang mga kahoy na nasa harapan namin.
"Sana hindi tayo mahuli." sabi ko sa kanila.
Sa gitna ng katahimikan namin ay biglang sumigaw si Shiela. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"AAAHHHHH AHAS!" sigaw nito.
Agad kaming kumuha ngmalaking kahoy sagilid namin at iyon ang ginawa naming pampatay sa ahas.
***