***
Harlyn's Pov
Napatingin ako ngayon sa taong nasa harapan namin. Ganun ako nabigla, nanlaki ang mga mata ko ng nakita siyang nakatayo dito sa harapan namin and the same time naguguluhan ako kung paano siya nakaligtas noon.
"Pa-paanong-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.
Ngumiti siya at lumapit sa kinaroroonan namin at lumuhod sa harapan namin para magkapanta-pantay kami.
"Hello, Harlyn." usal nito at sinabayan pa niya ng isang napakatamis na ngiti.
Kumunot ang noo ko.
"Pa-paano ka nakaligtas?" tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa likod niya. Sinenyasan niya ang dalawang katao niya na lumapit sa kanya kaya sinunod naman nila ito.
"Kalasin niyo sila. Mga kaibigan ko sila." utos nito sa kanila.
Sinunod naman nila kaagad ang sinabi nito. Kinalas nila ang aming tali, nakahinga ako ng maluwag doon. Hinawakan ko ang kamay ko na nagmarka ang tali doon. Halis namumula na ito dahil sa kakapilit kanina na makawala.
Tinulungan nila kaming tumayo. Lumapit kami sa kinaroroonan ng bata. Umupo kami doon.
"Akala ko ba patay ka na, Sir JP?" tanong ni Chester sa kanya.
Napabuntong hininga siya at tumingin sa amin.
"Muntikan na." sagot nito.
"Ano po bang nangyari noon?" tanong ni Shiela.
Ipinilig niya ang ulo niya at nagsimula na siyang ikwento ang mga nangyari noong school trip.
"Muntikan na. Nung naglaban kami ni Krisanta noon, nahirapan ako. Ito..." aniya at ipinakita niya ang marka sa kanyang braso.
"Maraming nasugat sa akin, natalo ako sa kanya. Nakahndusay lang ako sa lupa noon at nakapikit baka akala niya patay na ako kaya umalis na siya doon at sakto namang may tao na tumulong sa akin. Isinugod nila ako sa hospital. Nagpapasalamat ako sa kanya." pagkwekwento nito sa amin.
Napatango na lang ako sa narinig ko.
"So, paano ka po napadpad dito?" tanong ko.
Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Tulad rin ng sa inyo. Naligaw rin ako dito. Nung hinanap ko kaya, Harlyn bigla na lang akong napunta dito at tulad niyo rin binihag rin nila ako pero nagkalaunan ay itinuring nila akong kaibigan. Mababait sila." anito.
Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming tatlo.
"Kayo anong ginagawa niyo dito?" tanong niya.
Nagkataingan kaming tatlo at tumingin muli sa kanya.
Ikwenento ni Chester ang nangyari sa kanila kung paano sila napunta sa lugar ng Maligaya. Nagulat pa si Sir JP doon dahil alam niya ang kababalaghan na nangyayari doon. Delikado daw, nkakatakot at tama siya nakakatrakot nga. Ikwenento ko rin sa kanya kung paano rin kami napadpad doon dahil sa kakahanap sa kanila. Ikwenento ko rin ang nangyari kay Krisanta noon kung paano siya nawala.
Pinakain nila kami ng masasarap na pagkain. may lechon, mga prutas at inumin. Iwenelcome nila kami na parang isang guest at natutuwa naman kami doon. Ngayon lang ulit kami na nakakain ng ganitong uri ng pagkain. Naisip ko tuloy 'yung mga kasamahan namin na naiwan doon. Paano kung narito rin sila, edi sana nagkakasiyahan kami ngayon dito.
"Lambanog?" pagaanyaya ni ng isa nilang kasamahan sa amin.
Tumango ako at iginayak ang baso ko sa kanya. Linagyan niya ito ng lambanog.
Sa una inom ko napaitan ako pero nung nagtagal nagugustuhan ko narin ang lasa.
Napatingin ako kay Chester na ngayon ay pinapakain ang bata. Napangiti na lang ako.
Napatingala ako sa kalangitan at naisip ko kung kailan ba matatapos ang lahat ng ito. Pagkatapos nito ano ang susunod na mangyayari? Nahihirapan na ako, gusto ko ng sumuko pero paano? Kapag sumuko ako para naring isinuko ko ang buhay ko, para narin akong nagpakamatay.
Bawat pagtulog ko noon dun, naiisip ko ang mga tao sa Maligaya. Yung mga takot nila gabi-gabi yung mga pinagdadaanan nila bawat pagsapit ng gabi.
Naguguluhan rin ako sa pangalan ng Baranggay. bakit Maligaya ang pangalan nito eh hindi naman ganun ang lugar na iyon.
"Ano ng nangyari sa mga kasamahan niyo?" biglang tanong ni Sir JP sa amin.
Umihip ang malamig na hangin at dumampo ito sa aming mga balat. Napayakap ako sa sarili ko at hinaploas ang braso ko dahil sa lamig ng hangin at napatingin ako kay Sir JP.
Reynalyn's Pov
Napatakip kami ng bibig. Iminulat ko ang aking isang mata at nakita ko kaagad ang abwak sa harapan namin. Napapikit ako ng mariin at tyaka hinahabol ang hininga dahil sa kaba at takot na nararamdaman.
Ng wala na ang abwak ay unti-unti kung sinilip sa kalsada kung meron pa ang mga abwak at nakita kong meron pa ngang iilan.
Napatingin ulit ako sa isang batuhan doon patungo sa kalsada. Napatingin ako kay May-Ann na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Sinenyasan ko siyang tumayo at sumilip kung saan ako sumisilip. Itinuro ko ang bato na patungo sa kalsada. Napatingin siya sa akin at tumayo.
Iginayak ko ang aking kamay para mag biglang ng hanggang tatlo.
Una ang pinky ko, pagkatapos ay ang ring fingger ko at tyaka ang huli ay ang middle fingger ko at dali-dali kaming nagtatakbo papunta sa batuhan pero hindi namin inaasahan na ang mga abwak na nasakalsada ay napansin kami.
Hindi kami nagtungo doon sa batuhan kundi tumakbo kami sa kalsada. Patuloy kami sa pagtakbo at walang tigil dahil kung tumigil kami ay katapusan na namin.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may bigang isang abwak na humarang sa harapn namin. Kakagatin na niya sana ako ng bigla ako ng naka-ilag doon.
Ang lakas ng pintig ng puso ko sa kakatakbo dahil sa takot at kaba. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid habang tumatakbo kami ng mabilis nagbabakasakaling makikita namin sila Chester dito.
"Reynalyn!" sigaw ni May-Ann napatingin ako sa likod ko at nakita ko siyang nadapa. Nahihirapan siyang tumayo dahil iisa lang ang kamay nito.
Lalapit sana ako sa kanya ng bigla kong nakita ang mga abwak na nasa likod niya na paparating sa amIn. Napatigil ako at nag-alinlangan kung lalapit ba ako doon dahil baka katapusan na namin kung maari.
Pero sa huli ay agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni May-Ann at agad na itnayo siya at nagtatakbo kami ulit pero sa hindi inaasahan ay ako naman ang nadapa.
Napahiga ako sa kalsada. Napatingin sa akin si May-Ann at napatingin sa likod. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita kaya naman napatingin rin ako sa tinitignan niya. Anjan na ang mga abwak at malapit na sila.
Lalapit na sana siya sa akin ng sinagawan ko siya.
"Tumakbo ka na! Pabayaan mo na ako! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw ko sa kanya.
"Pero-"
"Tumakbo ka na!" nagulat siya sa pagsigaw ko at tumakbo rin siya kaagad.
Unti-unti akong tumayo sa pagkakadapa at hinarap ang mga abwak na patuloy na paparating sa kinaroroonan ko.
Kinuha ko ang malaking bato na matulis sa sahig at tyaka hinawakan ito ng mahigpit.
Pumikit ako ng mariin.
'Bahala na kung anong mangyari sa akin. Kayo na po ang bahala. Wag niyo pong pababayaan ang aking mg kasama' panalangin ko sa isip ko at tyaka iminulat ko ang mga mata ko ulit at nakita ko ang mga abwak na paparating na sa kinaroroonan ko.
Ngumisi ako at iginayak na ang bato at handang ihampas ito kahit alam kung wala akong panama.
Isa laban sa marami, wala akong laban pero susubukan ko. Kahit isang pursyento lang na mananalo ako dito susubukan ko parin para sa mga mahal ko sa buhay, para sa mga kaibigan ko.
***