Kabanata 13

1330 Words
*** Reynalyn's Pov Napapikit na lang ako at hinawakan ng mahigpit ang matulis na bato na hawak ko. Pero nung ihahampas ko na sana ang bato ay may narinig akong pagputok ng b***l. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga abwak na nakahandusay sa kalsada. Napatingin ako sa paligid para tignan kung sino ang bumaril at nakita ko ang isang hindi gaanong katandaan na nakahawak ng b***l at ikanakasa nito. "Tumakbo ka na!" sigaw niya.  Napatingin ulit ako sa mga abwak na papunta sa akin at tyaka ko siya tinignan. Inihagis niya ang isang pistol na b***l agad ko namang sinalo ito at dali-daling nagtatakbo papunta sa direksyon kung saan nagtungo si May-Ann. Hindi ko na siya makita. Pumunt ako sa gilid ng pader at nagtago doon. Inaangat ko ang b***l na hawak ko, hinihingal ako dahil sa pagtakbo, pinagpapawisan dahil sa kaba. Nakahalukipkip lang ako doon na parang tuod na hindi alam ang gagawin. *bang* May narinig nanaman akong pagputok ng b***l kaya naman sumilip ako mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko kanina ang lalaking tumulong sa akin. Sinenyasan niya akong pumunta sa kinaroroonan niya kaya naman agad akong lumapit doon. Nagkatalikuran kaming dalawa habang nakatutok ang b***l namin sa mga abwak na papunta sa amin.  Sa totoo lang hindi ko alam gumamit ng b***l pero this time dapat kayanin ko kahit hindi koa alam. Itinutok ko ang b***l sa isang abwak. Ibinuka niya ang bibig nito at kitang kita ko ang matutulis niyang ngipin pero hindi na ako nag-alinlangan pang iputok ang b***l sa kanya at sa inaasahan ko nga humandusay ito sa sahig. Dumadami sila, halos hindi sila nauubos pero patuloy parin kiami sa pakikipaglaban. "Dito!" ani ng lalaki sa akin at hinihila ako habang nagbabaril siya sa mga abwak na madaraanan namin. Tumakbo kami, ikinakasa niya ang kanyang shot g*n habang ako naman ay hawak-hawak ko lang ng mahigpit ang b***l.  Iginagala ko ang aking paningin sa bawat sulok ng lugar na dinadaanan namin nagbabakasakaling makikita ko si May-Ann kung nasaan siya. "Magtago tayo sa punong iyon." ani ng lalaki sa akin at dali-dali kaming pumunta sa punong kanyang sinabi.  Umupo kami doon at tahimik na nagmamasid. Nakahawak parin ako sa barilpara sa proteksyon ko. Kailanagn kung mahanap si May-Ann pati narin sila Harlyn at iba pa. kailanagan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat. "Ssssshhhh!" senyas ng lalaki sa akin. Isinara ko ang bibig ko para pigilan ang mabibigat na paghinga na lumalabas dito. Nanginginig ang tuhod ko habang naka-upo atpati narin ang kamay ko na nakahawak sa b***l. Napatingin ako sa harapan ko, nakita ko ang isang sibak doon na nakalapag sa lupa na may kahoy. Gusto ko iyong kunin pero papano? mapapansin ako ng mga abwak. Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Sumisilip ito sa mga abwak at nakadirekta ang kanyang b***l sa kanila. Napatingin namana ako sa sibak na nakita ko. Unti-unti akong tumayo at dahan-dahan na inaapak ang aking paa papunta doon. Bawat pag-apak ko ay iniiangatan ko para hindi makabuong tunog at iyon pa ang dahilan para mapansin ako ng mga abwak. Tinignan ko ang sibak na malapit na sa akin at iniapak muli ang aking paa. "Bumalik ka dito!" mahina ngunit sapat na 'yun para marinig ko. Napatinginako sa nagsalita. Nakita koang lalaki na nakatingin sa akin at sinesenyasan ako na bumalik. Hindi siya gaanung matanda nasa 29 ganun yung edad niya. Imbis na bumalik ako doon ay hindi ko ginawa. Iniapak ko muli ang akingpaa at sa hindi ko inaasahan ay may bigla akong naapakan na kahoy at yun ang dahilan para mapansin ako ng mga abwak. Napatingin silang lahat sa akin at agad silang sumugod. Ako naman ang ginawa ko ay dali-dali akong tumakbo papunta sa sibak at kinuha iyo at tyaka inihampas ko sa isang abwak na kakagatin na sana ako kaya naman naputol ang ulo nito at gumulong-gulong sa lupa. *bang bang bang* Narinig ko nanaman ang b***l niya na tinutulungan ako. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na may abwak na papunta sa kanya kaya naman kinuha ko ang b***l na nasa bulsa ko at itinutok ito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata pero ipinutokko ito sa tabi niya kung nasaan ang abwak. Napatingin siya sa likod niya at nakita niya ang nakahandusay na abwak. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon nabaril, hindi ko alam kungpaano ko iyon pinuntirya. "Tara na!" sigaw nito at dali-dali nanaman kaming nagtatakbo papunta sa direksyon kanina na tinatahak namin. Wala akong makitang May-Ann pati sila Harlyn hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. "Bakitka pa ba nagpunta doon?!" tanong nito sa akin. "Kinuha ko ang sibak para sa kaligtasan." sagot ko sa kanya habang patuloy parin sa pagtakbo habang hawak ang isa kong kamay ang sibak at 'yung isa naman ay ang b***l. "Sana hindi mo na lang iy0on kinuha." anito. Hindi na ako nagsalita pa patuloy na lang ako sa pagtakbo habang iginagala ang paningin ko sa mga lugar na nakakasalubong namin. Bigla akong may nakitang mga abwak na papunta sa amin. Itinutok ng lalaki ang kanyang b***l sa kanila at pintukan niya ito. Ako naman ay inangat ko ang sibak at tumakbo sa kinaroroonan nila at tyaka ko pinutol ang mga ulo at mga katawan nila. Puro dugo na ang sibakpati narin ang damit ko pero iba ang kanilang dugo. Dugong itim ang lumalabas sa kanila. Lumapit sa akin ang lalaki at agad na hinawakan ang aking kamay. "Alam mo bang delikado iyon." anito sa akin. Tumingin ako sa kanyan at pinunasan ang aking mukha gamit ang kamay ko khit alam kung walang epekto ang pagpunas ko sa mukha ko na puro dugo. "Alam ko pero kung para sa nga kaibigan ko gagawin ko." seryosong saad ko sa kjanya at tumalikod na at tumuloy sapagtakbo. Napatinin ako sa gilidko at nakita ko siyang umiling-iling. "Your unbelievable" sabi nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin bagama't tinignan ko na lang ang mga abwak na papunta sa amin. Itinutokko ang b***l ko sa kanila at ipinutok ito habang lumalapit sa kanila at tyaka nung nakalapit na ako ay ang sibakna ang ginamit ko na pampatay sa mga abwak. Pintuol ko ang mga katawan nila. Nang iisan na lang ang abwak na nasa harapan ko at pinutol ko ang kanyang ulo. Lumipad ito sa isang lugar at ang katawan nito ay humandusay. Hindi ko ito tingilan bagama't tinadtad ko ang knyang katawan dahil sa puot at galit. Naiiyak ako habang tinatadtad ko ito, nagagalit ako dahil sa mga abwak na sumasalakay dito sa lugar na ito, sana mamatay na lang sila, sana mamatay na lang silang lahat! Ihahamapas ko ulit sana ang sibak ng biglang may humawak sa kamay ko. Ipinaharap niya ako sa kanya at tyaka ako niayakap. Maslalo akong naiyak doon, humagolhol lang ako ng iayak sa kanyang balikat. "Tama na, magiging ok rin ang lahat" pagaalo niya sa akin. Blurry na ang paningin ko kaya naman pinunasan ko ang mga mata ko at nung ok na ang paningin ko ay may nakita akong isang babae na nakahandusay sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko at agad na kumalas sa kanyang pagkakayapak at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nung nakita ko kung sino iyon ay lumuhod ako at pumatak nanaman ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kanyang ulo at tyaka ipinatong ito sa tuhod ko para iyon ang mag mistulang unan nito. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at ngumiti sa akin. Mas lalong pumatak ang mga luha ko. Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakangiti sa akin. "Hold on. Kaya mo yan. Ipupunta kita kin Aling Rosenda para magamot ka nila!" naiiyak na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at hinaplos muli ang pisngiko. "O-ok lang. H-hindi na." nahihirapan na usal nito sa akin. "H-hin-hindi. H-hol o-on p-please." pasigok-sigok na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito atmaya-maya pa ay unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata at ang kanyang kamay ay lumagapak sa sahig. "No..no...no!" sigaw ko sa kanya at inalog-alog siya. "May-Ann?" tawag ko ditopero walang sumagot. Bumuhos ang mga luha ko. Blurry ang paningin kopero nakikita ko ang mga abwak na papunta sa amin. Tumayo ako at kinuha ang sibak at b***l. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na sumugod doon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD