Kabanata 14

1143 Words
*** Reynalyn's Pov Patuloy parin ako sa paghampas sa mga abwak na patay na at nakahandusay sa sahig. Puot at galit lang ang nararamdaman ko. Tumutulo ang mga luha ko na nagmumula sa aking mga mata, umiiyak ako dahil may nawala nanaman. Naramdaman ko na lang na may yumakap muli sa aking likuran. Iniharap niya ako sa kanya at niyakap. Ipnatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat habang pasigok-sigok. "B-bakit ga-ganun. Palagi n-na lang na may na-namamatay na k-kasamahan namin." umiiyak na pahayag ko sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos sa aking likod. Napapikit ako kasabay ng pagkawala pa ng mga luhang nagmumula sa aking mga mata. "Ma-malalagpasin niyo rin 'yan. M-malalagpasan rin n-natin ito." sabi niya.  Alam kong pinapatatag niya lang ang loob ko peo bali-wala 'yungkanyang sinabi. Alam kung hindi magiging'ok ang lahat, hindi. Mga kaibigan namin na nawala maibabalik pa ba? Hindi na diba? Paano ngayon magiging ok kung hindi na sila makakbalik pa sa amin. Umigiting ang panga ko habang nakapatong ang ulo ko sa kanyang mga balikat.  Sa totoo lang. Malapit na akong sumuko, malapit na malapit na, kinakaya ko lang ang lahat. Talagang malapit na akong sumuko baka bukas o sa makalawa hindi ko na kaya pa. Kahit ako na lang ang mamatay para maligtas lang ang mga kasamahan ko gagawin ko. Bakit ganito na lang ang nangyayari sa amin? Mas mahirappa ito kaysa noon, mas mahirapito dahil hindi basta-basta ang kalaban namin, hindi tao kundi mga aswang at hindilangsila iisa o dadalawa, marami sila. Can't you imagine that? Howm are we suppose to survive in this case. Hindi ko na talaga alam ang gagawin namin, mababaliw na ako. Inalalayan niya ako papunta sa gilid ng kalye at pinaupo niya ako doon.Umupo rin siya sa tabi ko at isinandal niya mismo ako sa kanyang balikat. "Just rest at kinabukasan everything will be alright." anito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Walang tinig na lumabas sa aking bibig ipinikit ko na lang ang aking mga mata at ninamnam ang sariwang hangin na bumabalot sa lugar. What are we suppose to do? Somebody help us.... Chester's Pov Nang matapos kaming kumain at magkwentuhan ay sinamahan nila kami sa aming matutulugan. "Dito na muna kayo pansamantala. Bukas na bukas rin aalis tayo. Tutulungan ko kayo." ani Sir JP. Napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala. "T-tutulungan mo po kami?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa amin at ngumiti.  Pumasok kami sa loob ng baro-barong bahay. May nakalatag na banig doon at mga unan pati narin mga blanket. Hinawakan ko ang kamay ng bata. "Iyan muna pansamantala. Ngayong gabi lang naman." ani Sir JP. "Ok lang po Sir. Sanay naman po kami eh." maligaliw na pahayag ni Harlyn sa kanya. "Ganun ba? SIge matulog na kayo at maaga tayo luluwas bukas." paalala nito. Lumapit siya sa bata at hinalikan siya sa noon. Niyakap muna niya kami bago siya lumabas sa pintuan. Inakay ko ang bata papunta sa akin at tyaka ko siya pinahiga banig. Inayos ko narin ang kanyang unan at kanyang kumot para maging komportable siya. "Sleep tight Marga. Magiging ok rin ang lahat. Hahanapin natin ang mga magulang mo ok?" mahinahon na pahayag ko sa kanya. Tumango lang ito at unti-unti na niyang pinikit ang kanyang mga mata. Napahinga na lang ako ng maluwag at napatinngala sa itaas. Sari-saring alaala ang lumakbay sa isipan ko, mga alaala noon, mga alala ng mga nangyari noon na hindi ko lubos maisip na pwede parang mangyari sa totong buhay. Bakit ang malas ng kapalaran namin? Wala man lang cellphone o kahit ano na pwede sanang makontak ang aming mga magulang. Kamusta na kaya sila? Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit ko ng naitanong 'yan sa isipan ko pero ni isa wala akong makuhang sagot. Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Napabuntong hininga ako muli at nahiga narinpero ang aking mga mata ay mulat na mulat. Hindi ko na lang namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Agad ko itong pinunasan at suminghot ako. "Umiiyak ka ba, Chester?" tanong sa akin ni Shiela. Tumalikod ako sa kanya para punasan ang aking luha at pagkatapos ay humarap muli.' "Hindi napuwing lang." pagsisinungaling ko. Alam kung hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ngumiti lang ito at hinawakan ang aking braso. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak dito tyaka tumingin muli sa kanya at nginitian siya. "Magiging'ok rin tayo. Magiging'ok rin ang lahat. For now let's just rest, kahit ngayong gabilang." aniya. Tumango ako sa kanya. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at maya-maya pa ay nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at tyaka tinignan ang mga kasamahan k. Mahimbing parin silang natutulog. Kung hindi ako nagkakamali alas tres pa lang ata ng umaga. Umiling-iling ako at tyaka unti-unting tumayo. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at pagbukas ko doon ay tumambad ang mga iilang tao na nagsasaing na ng kanilang mga pagkain.  Napatingin sila sa kinaroroonan ko pero hindi na nila ako inabalang binalingan ng mahabang atensyon bagama't itinuon nila ang kanilang pansin sa kanilang ginagawa. Tuluyan akong lumabas sa bahay. Naglakad ako patungo sa iba't ibang sulok ng tribo at ng nakita ko si Sir JP ay inanyayahan niya akong lumapit sa kinaroroonan nila. May kasama siyang matanda, umiinom silang dalawa ng kape. Umupo na lang ako sa tabi nila. Iniabot ni Sir JP ang isang tasa ng kape kaya kinuha ko naman iyon at sumipsip ng kaunti. "Chester siya pala si Tata Martin ang pinuno ng tribo. Tata siya naman si Chester ang mga batang ikwenekwento ko noon sa inyo."pagpapakilala ni Sir JP sa amin. "Ah sila pala iyon. Nakwento kasi kayo nitong si JP noon sa akin. Yngung mga batang marami ng pagsubok ang natahak." sabi niya sa amin. Tumango na lang ako at ngumiti. Sumimsim ulit ako ng aking kape. "Nasaan 'yung mga ilang kasamahan niyo?" tanong niya sa akin. "Naiwan po sila doon...." sagot ko at sumipsip ulit."doon po sa Baranggay Maligaya." pagtutuloy ko. Halos mabilaukan siya sa aking sinabi. Agad na lumapit si Sir JP sa kanya at hinagod-hagod ang kanyang likod. "B-baranggay Maligaya?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. "Bakit po?" "Dahil doon rin ako galing at tulad niyo napadpad rin ako dito noon." sagot nito sa akin. Nabigla ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na galing pala siya doon sa Maligaya. "Doon po ba kayo tumira?" tanong ko. "Oo. Doon ako. Doon kami ng pamilya ko doon, matagal-tagal rinkaming nanirahan noon doon nung hindi pa umaatake ang mga aswang." sabi niya. Umayos ako ng umupo. Maybe makakuha ako ng impormasyon tungol sa Baranggay. "Bakit ano po ba ang nangyari noon?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. Bigla siyang tumigin sa akin ng seryoso kinabahan naman ako sa kanyang mga tingin. "Gusto mo bang malaman?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at maya-maya pa ay biglang lumabas ang kanyang pangil at naging abwak ang itsura nito at agad niya akong kinagat sa leeg. Napamulat ako ng aking mga mata. Pinagpapawisan ako. napatingin ako sa paligid at nakita ko sila Shiela na natutulog. Panaginip lang pala iyon. Isang masamang panaginip. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD