Chester's Pov
Nung sumikat na ang araw doon na lang napawi ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. Halos hindi ako makatulog kagabi, hindi na ako ata nakatulog pagkatapos ng panaginip na iyon. Nakatingin lang ako sa kisame at tulala habang pinagpapawisan kaya naman hinintay ko na lang na sumikat ang araw at bumangon ako mula sa pagkakahiga ko.
Inalis ko ang kumot na nasa ibabaw ko at tinignan sila Shiela. Hinawakan ko siya at niyugyog para magising. Nagising rin siya kaagad. Naginat-inat muna siya at kinusot-kusot ang kanyang mga mata at tumingin sa akin at ngumiti.
"Good Moring." bati niya. Ngumiti naman ako sa kanya at binaling ang atensyon kay Marga na natutulog pa.
Gigisingin ko na sana ang bata ng biglang hawakan ni Shiela ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa gawi niya.
"Wag muna. Baka pagod pa ang bata. hayaan mo muna siyang magpahinga." sabi niya.
Tumango na lang ako at tumayo na tyaka nagdiretso sa pintuan. Inislide ko ang pintuan at tumambad ang mga tao na abala sa kanilang ginagawa.
Abala sila sa pagsasaing, pagsisibak at pagiigib ng tubig. Kaya naman nung binuksan ko ang pintuan ay napatingin silang lahat sa akin pero hindi rin nagtagal ay itinuloy na nila ang kanilang ginagawa.
Ngumiti na lang ako at tumingin sa kalangitan. Nakita ko ang mga iilang ibon na nagliliparan at nakikita ko ang kulay asul na kalangitan, wala ni isang ulap ang makikita. Matindi nanamang sikat ng araw ngayong araw na ito ang mararanasan namin at ngayon pa mismong paglalakbay pa namin.
"Chester!" narinig kung sigaw.
Agad ko namang hinanap ang sumigaw at nakita ko si Sir JP na iniimbitahan ako na lumapit sa kanila. May kasama siyang matanda habang naka-upo sa lipa at minamanmanan ang kanilang kaldero.
Lumapit naman ako sa kanila pero bigla na lang akong napatigil sa paglalakad. Biglang sumagi sa isip ko ang panaginip ko kagabi. Natulala ako ng ilang minuto at nung sumigaw si Sir JP sa akin ay doon na lang nagbalik ang aking diwa.
"Halika dito. May ipapakilala ako sayo" sabi niya.
Tinignan ko sila. Nag-isip muna ako bago lumapit sa kanila. Hindi naman ata totoo iyong panaginip dahil sabi ng mga marami a dream is opposite in the reality.
"Ma-upo ka." sabi niya sa akin.
Umupo naman ako sa tabi nila.
"Ito pala si Tata Narding, Tata Narding ito si Chester."pagpapakilala nito.
Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at iyon naman ang kanyang kinuha. Agadakong bumitiw sa kanyang kamay at nilagay sa likod ang aking kamay.
nakita kung inilapag ni Tata Narding ang isang pana. Itinulak niya papunta sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit kaya naman napatingin ako sa gawi niya at magsasalita na sana ng inunahan niyaako.
"kakailanganin niyo 'yan. Kakailanganin niyo yan para sa paglalakbay niyo mamaya." aniya.
"Salamat po." sagot ko at kinuha ito.
Tinignan ko ito ng mabuti. Gawa ito sa kahoy at matibay. Ang bala nito ay gawa rin sa kahoy pero matulis at talagang makakapatay ng tao.
"Sa paglalakbay niyo ngayon dapat makarating kayo sa paroroonan niyo bago sumapit ang gabi." seryosong saad nito kaya naman napatingin ako sa kanya.
Seryoso ang kanyang mukha.
"B-bakit po?" kinakabahan na tanong ko.
"Hindi niyo alam?" tanong niya habang nakatingin sa akin at bigla na lang siyang tumungin kay Sir JP. Umiling naman ito.
"Pagkatapos ng bilog na buwan mas lalakas pa ang mga abwak pagkatapos nito dahil ang kasunod nito ay pulang buwan." anito.
Nagimbal ako sa kanyang sinabi. What? Mas lalakas pa sila? Hindi pa iyon ang totoo nilang lakas?
"Po? L-lalakaspa sila?" nanginginig na tanong ko.
Tumango ito sa amin.
"Oo. Lalakas pa sila. Mas lalong bibilis pa sila, lalong lalaki." sabi nito sa amin.
Hindi ako makapagsalita. Parang may bato na bumara sa aking lalamunan. Tanging pag-lunok na lang ang ginawa ko.
"Hindi niyo alam kung ano ang kaya nilang gawin. Kaya binigyan kita ng pana dhil pwedeng makapaty yan ng abwak. Tignan mo ang bala niyan sa tusok niyan ay may kunting metal pero hindi lang basta-bastang metal iyan." aniya.
Kumuha naman ako ng bala nito. Tinignan ko ang tusok nito kung meron nga ba. meron nga kulay pilak ito.Marami ang bala na binigay sa akin pero hindi parin sapat ito para mapatay ang mga maraming abwak.
"Pero alalahanin niyo. Ang kahinahan ng abwak ay liwanag o apoy kaya ngayon bilisan niyo at baka abutanpa kayo ng gabi." sabi niya.
Agad akong tumayo at kinuha ang pana. Nagtatakbo ako papunta sa bahay. Isinabit ko ang bala ng pana sa aking likod at hawak-hawak ko naman ang pana ko.
"Shiela, Harlyn!" sigaw ko sa loob. Napatingin silang lahat sa akin at pati narin ang bata ay gising na.
"Let's go. Aalis na tayo." sabi ko.
Lumapit sila sa kinaroroonan ko.
"Bakit? May nangyari ba?" tanong ni Harlyn.
"Wala pero kailangan na nating umalis bago pa sumapit ang gabi. Dapat nakarating na tayo doon.
Hindi na sila nagsalita. Sumang-ayon na lang sila sa akin. Agad kaming umalis doon sa lugar kasama si Sir JP at nagtuloy sa paglalakbay.
No matter what, kailangan naming makarating doon sa Maligaya bago sumapit ang gabi. Kailangan naming mabalaan ang mga kasamahan namin. Baka alam na rin nila ang posibleng mangyari dahil andun naman si Aling Rosenda at Mang Roger.
"Sh*t! Aray!" sigaw ko ng bigla akong nadapa.
May tumusok na kahoy dito. Tumulo ang dugo sa sugat ko sa tuhod. Namimilit ako sa sakit pero hindi 'yun ang dahilan para tumigil kami. Tumayo parin ako kahit masakit ang tuhod ko pero lumapit si Harlyn sa kinaroroonan ko.
"Wag ka munang tumayo. Umupo ka muna jan." aniya.
"H-hindi. Kailangan nating mag-magpatuloy." sabi ko.
Umiling lang siya at pina-upo ako.
"Huminga ka ng malalim. Kailangan nating tanggalin ang kahoy na nakabaon sa tuhod mo. Msakit ito kaya humanda ka." aniya.
Tumango lang ako. Nilagyan ni Sir JP ng panyo ang bibig ko. Pumikit ako at hinanda ang sarili ko sa mangyayari.
"Handa ka na?" tanong niya.
Tumango lang ako at bigla na lang niyang hinawakan ang kahoy sa tuhod ko. Napasigaw ako dagil sa sakit. Bigla niya itong binuot pero sumasakit parin. Binalutan nila ito ng panyo at tinulungan nila akong tumayo.
Inalalayan ako ni Harlyn habang naglalakad. Kung minamalas ka naman oh. Dapat sana kung hindi ako nadapa at hindi patanga-tanga edi sana mas mabilis kaming makakarating sa kinaroroonan namin.
"Kaya mo ba?" tanong ni Harlyn sa akin.
Tumango ako sa kanya at patuloy sa paglalakad habang inaalalayan niya ako.
Someone's Pov
"Humanda kayo mamaya dahil mamayang gabi na ang tamang panahon." sabi ko sa kanilang lahat.
Nagusap-usap sila. Napangiti na lang ako sa mga nakikita ko ngayon. Mamayang gabi na, mamayang gabi na kami lulusob at mamayang gabi na mamatay ang lahat ng tao ngayon dito sa Baranggay Maligaya.
"Roger!" narinig kung sigaw ng isang lalaki.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko si Louis na isang kasamahan ko na papunta sa akin.
"Yes?" tanong ko habang sinabayan ng nakakalokong ngiti.
"Ipaparamdam natin ulit sa mga tao ditokung paano maghasik ng lagim ang mga aswang sa baranggay maligaya." anito at sinabayan ng masamang halakhak.
***