JOBERT Labing anim na araw ang lumipas. Nakapag-adjust na rin ako mula ng mawala si Rupert. Adjustment na sa tuwing malulungkot ako ay iisipin ko na lang ang masasayang araw na pinagsamahan namin ng kapatid ko. Iniisip ko na lang kung gaano namin siya inalagaan at pinahalagahan. Pasalamat talaga ako sa aming mga magulang dahil sa pantay nila kaming pinagbuhusan ng atensyon. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal e, nararamdaman yun. Lumaki na si Rupert na sakitin kaya talagang ingat kami. Sabi pa ng doktor noon na hindi aabot sa edad na sampu ang buhay ni Rupert dahil sa kundisyon niya. Pero naextend pa rin at umabot siya ng 17 taon na kasama namin. Espesyal siya para sa akin dahil ako ang tumayong tatay pag dalawa lang kami sa bahay ang naiiwan. Nag-aalala din ako pag hindi na mag

