KABANATA 1 - HARI NG SABLAY
Sa isang tagong apartment sa may kanto ng Aurora Blvd, may apat na kaluluwang sabog na sabog, sina Cyrus "Cy" Viloria, Christopher "Er" Molino, Rupert Santiago, at Joe Bucid. Ang lugar nila? Isang semi maluwag na unit na amoy Red Horse, Marlboro lights, at pabango ng babaeng hindi na nila matandaan ang pangalan.
Ang apartment ay parang museum ng bad decisions. May bote ng gin sa ibabaw ng ref, may panty sa electric fan, at may yosi sa rice cooker. Pero kahit gano'n, ito ang headquarters ng pinakamalupit at pinakakulelat na banda sa Mandaluyong: ang Black Serenade.
Si Cy Viloria ang alpha, ang lider, ang hari ng sablay. May buhok na parang hindi naligo ng isang dekada pero somehow laging may dating. Yung gulo ng buhok niya, parang sinadya. Yung balbas niya, rugged pero sexy. At ‘yung mata niya laging mapula pero may lalim na parang lagi kang tinititigan habang kinakantahan ng acoustic version ng favorite mong heartbreak song. Sa unang tingin, mukha siyang tambay. Pero pag ngumiti siya, Zac Efron ang dating. Hindi mo maintindihan kung bakit, pero gugustuhin mong magpakalunod sa ngiti niyang may halong kalokohan.
Isa siyang certified lasinggero pero may pusong mamon. Tipo ng lalaking iiyak sa kanta ni Celine Dion pagkatapos magbasag ng bote. Pero kahit mukhang sabog, may charm. May charisma. May linyang parang laging pang opening ng romcom: "Hi, miss. Kung kanta ka, sasabayan kita kahit sintunado ako."
"Tangina, pre, wala na namang tubig," sigaw ni Cy habang binubuksan ang gripo gamit ang tsinelas.
"Gamitin mo kaya 'yung mineral water, gaga," sagot ni Er habang nililinis ang drumsticks niya gamit ang basang brief. "Parang may show tayo bukas, diba?"
"Bukas pa 'yun, chill ka lang," sabi ni Rupert na may hawak pang gitara habang naka-boxers lang.
"Wala pa tayong pamasahe papunta doon," sabat ni Joe na nakahiga sa sofa, may bote ng gin sa dibdib.
Ganitong klaseng usapan ang normal sa kanila. Walang direksyon, pero may passion. Walang pera, pero may tugtugan.
Si Cy ang nagtatag ng banda. Galing siya sa pamilya ng mga abogado pero tinakwil niya ang corporate world para sa rock n' roll.
"Mas pipiliin kong mamatay sa stage kesa mabuhay sa opisina," lagi niyang sinasabi habang hawak ang mikropono na nabalot ng duct tape.
Pero sa likod ng kanyang kagaspangan, may puso si Cy. Siya 'yung tipo ng kaibigan na kahit wala kang pera, ipaglalaban ka sa bouncer. 'Yung tipong iiyak sa 'yo kapag nasaktan ka kahit siya 'yung dahilan. Goofy siya. One time, pumasok siyang naka-bra at diaper lang sa gig dahil natalo siya sa pustahan. Pero siya rin 'yung unang tumayo nung nasapak si Joe ng ex niya.
"Pre, may nakita akong meme," sabi ni Cy sabay labas ng cellphone niyang may basag na screen. "Sabi dito, 'Ang tunay na lalaki, marunong maglaba.' Kaya maglalaba na ako."
"Ayos 'yan, Cy," sabi ni Er. "Gamitin mo 'yung Zonrox na kulay pink, mas mabango daw."
"Tangina pre, Zonrox 'yun hindi fabcon!" sigaw ni Rupert habang nagbubuga ng vape.
"Wala tayong fabcon e! Life hack lang, okay na 'yun," sagot ni Cy sabay bagsak ng pantalon sa lababo.
Pero kahit puro kalokohan, ang Black Serenade ay may galing. Sa tuwing tumutugtog sila, parang magic. Parang sandaling nakakalimutan ng audience ang utang nila, ang traffic, at ang jowa nilang nagloloko. Sa entablado, ibang klase si Cy, parang si Kurt Cobain na sinaniban ni Zac Efron.
"Bro, may tumawag sa'kin," sabi ni Joe habang binubuksan ang messenger. "May gig daw tayo sa Antipolo."
"Tangina, ang layo. May TF ba?" tanong ni Er habang nilalaro ang drumsticks na parang baril.
"Libre daw inuman at may chicharong bulaklak," sagot ni Joe.
"GO NA 'YAN!" sabay-sabay silang sigaw.
At ganyan ang buhay ng Black Serenade. Hindi glamorous. Walang yaman. Pero may solid na pagkakaibigan at kalokohang parang hindi nauubos.
Isang gabi, habang lasing na naman si Cy at nakahandusay sa sahig na parang sardinas, bigla siyang tumayo at sumigaw:
"Mga pre! One day, tutugtog tayo sa Araneta!"
"Tangina, di nga tayo makalabas ng San Juan e," sagot ni Rupert.
"Eh ano ngayon? Libre mangarap, diba? Tsaka, kung hindi man tayo makarating sa Araneta... at least nakarating tayo sa buhay ng isa't isa." Tumahimik silang lahat. Nagsindi si Cy ng yosi gamit ang lumang lighter na may sticker ng SpongeBob.
Tahimik.
Hanggang sa may biglang sumigaw ng, "Tangina, may ipis sa rice cooker!"
Balik ulit sa normal.
Sa dulo ng araw, si Cy ay hindi lang basta lasinggero. Hindi lang basta rakista. Isa siyang simbolo ng lahat ng taong sablay pero may puso. Lahat ng palpak pero hindi sumusuko. At habang may bote ng alak, habang may gitara, habang may panty sa electric fan—magpapatuloy ang kwento ng Black Serenade.
At si Cy? Siya pa rin ang alpha. Ang clown. Ang kuya. Ang lasing na bayani na mukhang leading man.
Kahit kailan, hindi magiging perfect ang mundo nila, pero sa bawat tunog ng kanilang musika, parang tama lahat ng mali.
At sa totoo lang, minsan, sapat na 'yun.
Kabanata Dos: Rakista Roadtrip
Walang planong konkretong natuloy sa gig na ‘yon. Pero dahil may libreng chicharong bulaklak at inuman, go pa rin ang apat. Naka-jam sila sa isang open mic night sa tambayan ng mga college emo kids parang reunion ng 2007 Tumblr.
Pagdating nila, binati agad sila ng organizer, si Kuya Martin, na may belly na parang drum ng washing machine. “Ayos kayo ah! Mga rakista talaga!”
“Syempre, kuya. Rock is life, tubig ang side quest,” sagot ni Cy, sabay kindat sa isang waitress na may septum piercing. Tinapik siya ni Er, “Pre, baka may jowa ‘yan.”
“Nasa gig siya, hindi sa kasal. Pwede pa ‘yan.”
Nagtawanan sila. Pag akyat nila sa stage, si Cy humawak ng mic na parang bibigyan ng sermon ang mundo. “Kamusta, Antipolo? Kami ang Black Serenade, at ready kaming guluhin ang emosyon niyong lahat!”
Tumunog ang unang nota. Umindayog ang crowd. Tila napawi lahat ng kabadtripan sa buhay. Si Cy, kahit mukhang lasing pa rin, all out. Parang si John Mayer pero may galaw ni Vice Ganda.
Pagkatapos ng set, habang pawis na pawis at pagod, may lumapit sa kanilang isang babae. Tall, fair, may eyeliner na pang Miss Universe ng mga goth pangalan niya, Lana.
"Ang galing n’yo. Lalo na ikaw," sabay tingin kay Cy.
Nalaglag halos ang bote ni Cy. "Ako? Nako, hindi ‘to talent. Hangover lang ‘to na may halong feelings."
"Ay grabe. Pati banat mo, rakista pa rin."
Ngumiti si Lana. Tumawa si Cy. At sa gabing ‘yon, habang nagkakape sila sa 7/11, nagsimula ang kwentong hindi lang tungkol sa banda, kundi tungkol sa pusong marupok ng isang rakistang akala mong di marunong umibig.
Kabanata Tres: Breakfast at Boteville
Kinabukasan, gumising si Cy sa sahig ng apartment nila naka jacket siyang pang emo, pero walang pants. Katabi niya ang isang bote ng gin at isang yakult.
“Pre,” sabi ni Er na may hawak na kaldero ng noodles, “sinong kasama mong tumawa buong gabi kahapon?”
Napangiti si Cy. “Si Lana.”
“Lana? As in, may pangalang may character development?”
“Oo pre. Hindi ‘to gaya ng dati. Hindi lang to fling. Feeling ko… leading lady vibes siya.”
Natahimik silang lahat. Hanggang sa sumigaw si Joe: “Tangina, in love na si Cy! Tagay tayo jan!”
At doon na nga, habang unti-unting nagiging kilig fest ang dating rakista ng Kalentong, patuloy pa rin ang banda. Patuloy pa rin ang sablay. Pero ngayon, may konting pag-asa.
At si Cy? Sa wakas, hindi lang alpha ng grupo. Kundi bida sa sarili niyang pelikula.