I sigh deeply. Paano ba itong gagawin ko? Maghahanap ba talaga ako ng trabaho? Saan ko naman balak mag apply?
"Buysit!!"-Inis kong sabi habang nakaupo sa isang bench ng isang park.
"Kung alam ko lang na hindi ako bibigyan ng pera ng ulupong na yon, sana hindi na ako nag-resign sa trabaho ko."-Sabi ko. Sayang naman kasi e, bukod sa edad ko na 26, hindi naman ako graduate ng college kaya mahihirapan akong maghanap ng trabaho, isa pa, Buntis ako, sino ba naman employer ang magha-hire ng buntis aber? Kinuha ko ang dyaryo na binili ko kanina. Nag browse lang ako ng mga hiring na patok sa skills ko. Natigilan lang ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. Hinaplos ko ito.
"Anak naman, oo alam ko gutom ka na pero chill lang ha? Wala pang lunch."-Sabi ko dito. Kinuha ko ang bag ko at hinalungkat ito. Napangiti naman ako ng makita ko yung skyflakes na hindi ko pa nabubuksan last week.
"Nak, tiyaga muna tayo sa skyflakes ha? Gag* kasi yung tatay mo e, yaan mo kapag may work na si Nanay at naka-sweldo, kakain tayo ng masarap."-Sabi ko at kinain yung skyflakes. Pagkatapos ko ay naglakad papunta sa mga office na pwede kong applyan. Pero ni isa ay walang tumanggap sa akin. Halos 2 oras na akong naglalakad lakad ng makaramdam ako ng hilo. Tumabi muna ako sa may gilid para iaayos ang sarili ko.
"Hindi yata talaga kaya ng skyflakes ang gutom ng dalawang tao."-Sabi ko sa sarili ko, bukod kasi sa medyo mainit ay nagugutom na naman ako. Napaupo na lang ako sa gilid at parang naiiyak.
"Anak naman, magmumukha akong tanga dito kapag umiyak ako dito."-Sabi ko. Jusko!! Hormones!! Bakit dito pa ako inatake! Unti-unti kong naramdaman ang pagk-basa ng pisngi ko.
"Miss, ayos ka lang?"-Napatingala ako ng may lalaking nagsalita.
"Miss, bakit ka naiyak?"-Tanong nito. Suminghot singhot ako at umiyak pa ng malakas.
"WAAHHHHHHH"-Sigaw ko. Nakita ko naman na nanlaki ang mata nung lalaki.
"O-Oy! Miss wag kang ganyan baka isipin nila na pinapaiyak kita!"-Sigaw ng lalaki. Hindi pa ako nakuntento, kinapitan ko pa yung binti ng lalaki, ewan ko ba, feel ko lang.
"O-Oy!! Miss, teka!!"-Sabi ng lalaki. Napapatingin na din sa amin yung mga nadaan, pero wala akong pake! Naiiyak ako at gusto kong kumapit sa binti niya.
"WAAHHHHHHHHHH"-Lalo pang lumakas ng iyak kong maramdaman kong tinatanggal niya ang mga braso ko sa binti niya.
"Ay grabe yung lalaki sa girlfriend nya."
"Hala! Kawawa naman yugn babae!"
"Walang pusong lalaki,"
"Jiskeng bata to! Kung apo ko ito ay kanina ko pa hinampas! Hindi na naawa sa babae!"
Dinig kong sabi ng mga tao sa daan na kanina pa natingin sa amin. Huminga ng malalim yung lalaki at umupo sa harap ko.
"Ano ba ang gusto mo Miss? Nakakaeskandalo na tayo."-Sabi nito, Inangat ko naman ang mukha ko na puno na ng luha. Napangiwi naman siya.
"Pagkain. Gusto ko ng Lasagna. Gutom na ako."-Sabi ko.
"Edi kumain ka, may malapit na fastfood dito."-Sabi niya. Umiling ako. "..ha? akala ko gutom ka.?"-Tanong niya. Tumango naman ako.
"Wala akong pera."-Sabi ko sabay kagat ng aking ibabang labi. Huminga naman ng malalim ang lalaki at tumayo, iiyak na sana ulit ako pero natigil iyon ng inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
"Tara."-Sabi niya. Nagliwanang ang mukha ko at inabot ko naman ang kamay niya. Hindi ko alam pero I feel happiness when our hand touch, ang gaan sa pakiramdam.
"Anyways, I'm Luke. Luke Roque."-Sabi niya. Pinunasan ko ang mukha ko ng panyo.
"Elisa Lopez."-Sagot ko.
"Okay then Ms. Elisa, we will get lasagna, basta wag ka lang umiyak."Sabi nito at natawa. Namula naman ako.
*************************************
"You mean, naghahanap ka ng trabaho, wala kang pera, at buntis ka?"-Tanong niya sa akin. Tumango lang ako at sumubo ng Lasagna na kanina ko pa nilalantaka.
"And yet the father of the child didn't want to support you?"-Sabi nito. Nilunok ko muna yung kina-kain ko at sumagot.
"Di naman sa di sinusuportahan, gusto niya lang muna malaman kung kanya ito."-Sabi ko sabay turo sa tiyan ko.
"Kanya nga?"-Tanong nito, napanguso naman ako.
"Oo naman! Hindi ako magsisinungaling sa mga ganitong bagay aba!"-Sabi ko.
"Okay..okay.."-Sabi niya.
"Sigurado naman ako doon, ayaw niya lang talaga maniwala. Pero sure ako! Kasi siya lang naman e, walang iba, kaya hindi ako natatakot na magpa-test, kasi alam ko na anak niya ito."-Sabi ko. He sigh.
"Okay, well, You said you need a job?"-Tanong niya sa akin.
"Oo, kasi hindi naman ako graduate, tsaka sa kondisyon ko ngayon, wala ako mapapasukan."-Sabi ko.
"Well, I'll give you an offer, if okay lang sa'yo, magaan lang naman ang trabaho, kayang kaya mo."-Sabi nito. Lumiwanag ang mukha ko at lumapad ang ngiti.
"Talaga? Kahit ano pa yan! Ayos lang hindi ako magiging choosy promise! Masipag ako, Fast learner ako!"-Sabi ko. Tumawa naman siya.
"Okay..okay, I expect you tomorrow, I'll give you the address."-Sabi niya.
******************************************
Matapos namin magusap ni Luke ay umuwi na ako, ihahatid niya sana ako dahil baka mahilo daw ako at magiiyak na naman sa kalsada. Tumanggi na lang ako kasi nakakahiya na at sobrang nakakaabala na ako. Nag-taxi na lang ako, at syempre siya nagbayad.
"Hello manong!"-Bati ko sa gwardiya na nasa building.
"Kamusta po mam?"-Tanong niya sa akin.
"Ayos lang! Eto masaya! Sige Manong mauuna na ako!"-Sabi ko. Tumango naman siya sa akin at agad na pumunta ako sa elevator. Excited na ako para bukas! Pagka bukas ng pinto ng elevator ay naglakad agad ako papunta sa pinto ng unit ni Zircon, pinakiramdaman ko muna kung may tao ba, pero wala naman akong nadinig na umuungol kaya sure akong wala, pinindot ko yung code na binigay niya sa akin at pumasok ako. Laking gulat ko ng makita ko si Zircon na nakaupo sa couch, parang malalim ang iniisip.
"H-Hello."-Bati ko sa kanya na medyo alanganin. Tumingin naman ito sa akin na para bang isa akong aparisyon. Lumakad ako papuntang kusina para uminom sana ng tubig pero nagulat ako ng may nakahain ng mga pagkain doon.
"K-Kumain ka na."-Sabi niya na nasa likod ko na pala. Tinitigan ko yung pagkain tapos lipat sa kanya.
"Anong meron?"-Tanong ko.
"W-Wala! Kumain ka na! Makakasama sa baby ang magutom!"-Sigaw niya.
"E bakit ka nasigaw?!?"-Tanong ko.
"S-Sorry, sige na kumain ka na."-Mahina niyang sabi. Ngumuso lang ako pero tumuloy na din sa lamesa. Ang daming pagkain sa lamesa at natatakam na ako. Kakakain ko lang pero parang gutom pa din ako. Hinawakan ko ang tiyan ko.
"Nak, ready to rumble na naman tayo."-Sabi ko at nilagyan ng pininyahang manok at kanin ang pinggan ko, agad ko itong nilantakan.
"Hey! Slowly lang, baka mabulunan ka!"-Sabi ni Zircon, hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagsubo.
"Didn't you eat lunch? D*mn, I shouldn't let you go outside."-Sabi nito, pero di ko pa din pinapansin kasi busy ako dun sa drumstick.
"You shouldn't let yourself starve, it won't be good for my child."-Sabi niya. Agad naman akong nabulunan sa nadinig ko.
"Hey! I told you!"-Sabi niya at sinalinan ng tubig yung baso. Inabot niya ito sa akin at agad ko itong ininom, hinaplos-haplos niya pa ang likod ko. Nang mahimasmasan ako ay agad akong tumingin sa kanya.
"A-Ano yung sinabi mo?"-Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.
"I said, dahan-dahan lang sa pagkain, walang aagaw."-Sabi niya.
"Hindi yon.! Yung 'My child' yon!"-Sabi ko. Nakita ko naman na nailang siya at umiwas ng tingin sa akin. Kita ko din na namula ang dulo ng tenga niya.
"Hoy! Ano nga iyon Zircon!"-Tanong ko.
"Kumain ka na lang."-Sabi niya at tinalikuran ako, naglakad siya papunta sa couch pero sinundan ko siya.
"Ano nga kasi iyon! Bilis na."-Sabi ko at hinabot siya, hindi ko napansin na may nakakalat na kung ano sa sahig at naapakan ko.
"ARAY!"-Sigaw ko, agad naman lumingon si Zircon at tumakbo pabalik sa akin.
"What happened? Masakit na naman ba yung puson mo? Bleeding na naman ba? Let's go to the hospital."-Sabi niya na kita ko yung pagkataranta.
"H-Hindi, ano ka ba! May naapakan lang ako!"-Sabi ko at dinampot yung kung ano man iyon. Nakita ko na lipstick ito, siguro sa babae nya kagabi.
"S-Sorry, di ko na dadalhin si Aimee dito,"-Sabi niya.
"Ano nga kasi iyon?"-Tanong ko sa kanya. He sigh then look at me.
"I accept it. The child. Akin nga ito, I now remember."