Hindi ko alam kung yung app ko o si Watty yung problema kagabi kasi pagbukas ko halos putol yung Cuatro at nawawala yung Sinco pero tanda ko 2 chaps yung update ko kahapon. Anyways okay langssss nabalik na.
*******************************************************
Eli's POV
Hindi ko alam kung bakit o paano pero feeling ko katapusan na ng mundo, hindi ko din alam kung nalagay sa bingit ng kamatayan si Zircon o pinakitaan ng aparisyon ng birheng Maria pero isa lang ang masasabi ko, kung ano man iyon ay nakaka-panibago.
"Where are you going?"-Tanong niya sa akin ng lumabas ako sa kwarto ko. Nilingon ko siya.
"Magta-trabaho."-Simple kong sagot habang sinusuklay yung buhok ko.
"Bakit?"-Tanong niya.
"Duh. Limot mo na? Sabi mo magtrabaho ako kung gusto ko ng pera."-Sabi ko at inayos ang bag ko.
"Y-You don't need to."-Sabi nito. Tumingin naman ako sa kanya.
"I have too, wala akong pang gastos."-Sabi ko.
"Then I'll give you money."-Sabi nito.
"Ayos lang, nakahanap na din naman ako ng trabaho, sayang lang din."-Sabi ko.
"Makakasama sa baby kapag napagod ka."-Sabi niya.
"Hindi naman ako maselan."-Sabi ko.
"K-Kahit na! Buntis ka!"-Sabi nito.
"Buntis ako pero hindi ako baldado."-Sabi ko.
"Ano ba? Makinig ka sa akin ako ang tatay!"-Sabi nito.
"Hay nako Zircon! Ang aga aga binubuysit mo ako e! Bahala ka nga dyan!"-Sabi at lumbas na ng unit, narinig ko pa na tinawag niya ako bago sumara ang pinto pero hindi ko na siya pinansin. Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver yung address. Binaba ako nito sa isang coffee shop. Napangiti naman ako, simple lang yung shop pero malinis at kaaya-ayang tignan. Pumasok ako doon at agad kong nakita si Luke na naka-apron, inaayos yung mga bread na naka display sa harap. Napangiti ako, ang cute niya kasing tignan sa suot niya.
"Hi!"-Bati ko sa kanya. Tumingala naman siya at ngumiti ng makita ako.
"You're here."-Sabi niya, agad siyang umayos ng tayo at lumapit sa akin.
"Ang cute mo diyan sa suot mo."-Sabi ko. Nakita ko naman na nahiya siya at napakamot ng ulo niya.
"Well, can't help to wear this, kailangan e, especially sa loob."-Sabi nito. Tumango naman ako.
"Anyways, let's get started, sa counter ka pu-pwesto, mas madali yung side na yun since buntis ka."-Sabi nito.
"Pwede din ba ako mag-serve?"-Tanong ko dito.
"Well, oo naman, it will be a big help, pero baka mahirapan ka?"-Tanong nito. Umiling naman ako.
"Hindi no! Mas okay nga iyon kasi makaka-exercise ako, tska hindi pa naman malaki yung tiyan ko."-Sabi ko.
"Ikaw ang bahala, basta kung hindi mo kaya wag ka na mag-serve."-Sabi nito. Tumango ako, itinuro niya sa akin yung employees area para doon ako magpalit at nag-start na ako magtrabaho.
Nakakatuwa ang mga tao doon, ang bait nila, siguro dahil sa mabait din yung boss, ika nga nila, kung ano ang pinapakita ng amo, nagre-reflect sa mga empelyado. Halos mabilis natapos ang araw at nagpaalam na ako umuwi na may ngiti sa aking labi.
************************************
Paguwi ko ay hindi ko naabutan si Zircon sa unit, pero ayos lang, siguro nandon yun sa babae niya. Binuksan ko ang kwarto ko at nagulat ako. Mali yata ako ng napasukan na kwarto, kaya lumabas ulit ako at umikot, pero laking pagtataka ko ng makita ko na hindi naman ako namali ng pinasok na kwarto.
"Baka mali ako ng pasok na unit?"-Sabi ko, naglakad ulit ako palabas ng unit at tinignan yung unit number.
"Tama naman e."-Sabi ko at pumasok ulit. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, halos tama naman ang pwesto ng lahat ng gamit, umiling na lang ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko ulit at talagang nalaglag ang panga ko sa ayos nito. Napaka linis, ni alikabok ay wala, yung mga box na pinagtabi tabi ko ay wala na din, may parador na din doon at shoe rack, nakaayos din ang mga gamit ko, may vanity table na kulay cream at upuan, nagulat din ako dahil may balcony pala, hindi ko siguro napansin dahil natabunan ng mga kahon, with matching kurtina na kulay cream din, at ang higit sa lahat, meron ng kama, queen size bed ito na may kulay cream na cover na parang ang sarap higaan. Lumapit ako dito at umupo.
"Ang lambot!"-Sabi ko at tuluyan ng humiga.
"Ano kayang sumapi kay Zircon at ganito na siya?"-Tanong ko sa sarili ko.
"Wala akong sapi."-Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa may pinto, napaupo tuloy ako ng maayos.
"K-Kanina ka pa?"-Tanong ko.
"Kararating ko lang, sinilip lang kita kasi bukas yung pinto mo."-Sagot niya.
"A-Ano, nagulat kasi ako, akala ko mali yung napasukan kong room."-Sabi ko, Ibit my lower lip.
"I hired people para ayusin yung room, sorry, di ko alam kung anong type mong theme, that's why I choose cream. Hindi ko na din pinaayos yung gamit mo, ikaw na lang siguro, if you need help tell me. "-Sabi nito. I blink twice.
"Bakit ang bait mo? Papatayin mo na ba ako?"-Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"Eh kasi naman e! Naninibago ako sayo."-Sigaw ko. He sigh and walk to my bed, umupo siya sa tabi ko.
"I told you, I accept it. Anak ko ang dinadala mo, it's normal na alagaan kita, siya. I know I was a jerk before, but I make it up to you, I may not able to promise you marriage dahil wala sa isip ko ito, pero aalagaan ko kayo. Just let me."-Sabi nito, kita ko sa mata niya na sincere siya sa sinasabi niya.
"S-Sorry din kung naging ganon ako, gusto ko lang na maging maayos ang buhay ng baby ko."-Sabi ko sa kanya.
"I understand, don't worry, I'll make sure na magiging maayos kayo."-Sabi niya sa akin, I stared at his eyes, ang ganda talaga nito, brown na brown ito. I can still remember my highschool years, nung nandito pa si Papa at kuya, ng buhay pa si Mama, ng maayos pa ang buhay ko, those are the days that I treasured, at isa na doon ang ala-ala ni Zircon, my first love, my savior, my knight in shinning armor. I thought time would bury those feelings, pero hindi pala, hanggang ngayon ay nandito pa din ang pagmamahal at the same time sakit na nalimutan na niya ang nakaraan.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko, I kissed him on his lips, smack lang, inilayo ko din ang labi ko ng nakita ko ang panlalaki ng mata niya.
"S-Sorry di ko----"-Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong kinabig at hinalikan sa labi. He kiss me slowly and carefully, yung tipong nakikiramdam pa siya pero nakakadarang, walang ibang bagay na nasa isip ko ngayon kundi ang mga labi niyang napaka init at napaka lambot, it taste like mint, nagpadala na ako sa sensasyasyong and I kissed him back.
Ang sarap, napaka sarap, hindi ko alam na ganito pala iyon., sa ibang naging boyfriends ko ay hindi naramdaman ang ganitong pakiramdam, tanging si Zircon lang ang nagbibigay ng ganitong pakiramdama sa akin. Naramdaman ko naman na unti unti niya akong inihiga sa kama, hindi pa din naghihiwalay ang mga labi namin.
Ilang minuto pa ay kusa na siyang humiwalay sa akin at pinagdikit ang mga noo namin.
"I want to take you, baby.."-Halos paos niyang sabi, binigyan niya ng maliliit na halik ang mukha ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, feeling ko sasabog na ito, I bit my lower lip.
"Then, take me..."-Sabi ko na tila lasing na sa nararamdamang init. He gave me a small smile and took off his shirt.
"I'll take you then."...