Kabanata 5

1978 Words
Kabanata 5 Araw ng sabado ngayon gustohin ko mang matulog pa dahil wala namang pasok pero kailangan ko ng bumangon. dahil marami akong labahin at may tatapusin pa akong project namin sa filipino.para ready na sa lunes. Bukas naman ay araw ng linggo at may plano na kami ni marian na magsisimba muna bago dadaan sa bahay nila Rustom, ilang araw narin na hindi ko siya nakita at nakausap. dahil sa sakit niya at kahapon nga ay napag kasunduan namin ni marian na dalawin siya sa kanilang bahay bukas. kasalukuyan akong nasa likod bahay para ihanda na ang aking labahin ng may kumatok sa pinto. wala si mama ng mga oras na yon at sigurado akong nasa bukid na siya para tignan ang mga nagtatanim ng palay. kalahating ektariyang bukid nalang ang natitira sa amin dahil ang iba nga ay naibenta na ng magkasakit ang aking ama. "Sandali lang naman, kung makakatok ka parang may sunog ah" sabi ko habang binubuksan ko ang pintuan. " Oh! marian napasugod ka ang aga-aga pa ah, akala ko nman kung sino na makakatok ka kasi parang may sunog ah" naiinis kong bungad sa kanya ng makita kong siya ang kumakatok ng malakas at sunod sunod sa amin pintuan. "kasi ano eh,may naghahanap kasi sayo at sa bahay pumunta hindi daw kasi niya alam dito sa bahay nyo. kaya nagpasama lang siya sa akin .ayun siya oh!" sabay turo sa lalaking nka jacket ng itim at nakasumbrero ng kulay pula naka simpleng ayos lang siya pero bumagay sa kanya. mas lalong naging gwapo siya sa porma niyang yon. "Bakit mo siya dinala dito tsaka bakit niya hinahanap tong bahay namin. pag nadatnan siya ni mama dito malalagot ako" kinakabahan at hindi ako mapakali habang sinasabi ko ang mga bagay na yon kay marian. "eh, ang kulit kasi eh! tska alangan namang pabayaan ko nalang siya sa labas ng bahay namin pinagtitinginan na siya ng mga tao sa labas pagagalitan din naman ako ni tatay pag nagpatuloy yan sa pangungulit eh kaya dinala ko na dito sa bahay niyo." hindi nalang ako umimik sa sinabi niya dahil katulad niya. sigurado akong pagagalitan din ako ni mama at pag nalaman pa ito ni kuya sigurado akong wala na akong kawala pa. "Hindi niyo man lang ba ako patutuluyin sa bahay niyo Elaine Marie, ako na nga ang nag imbita sa sarili kong pumasok nalang dito sa loob ng bakuran niyo e pati ba naman sa bahay niyo. ayaw mo parin akong papasukin" Seryoso niyang sabi sa akin. Nang biglang may magsalita sa aking likuran. hindi ko man lang namalayang naka uwi na pala si mama mula sa buki. "Sino yang mga bisita mo Elena,bakit hindi mo man lang papasukin para naman maka pag meryenda sila" "Ah, si Marian ma may sinasabi lang sa akin tungkol sa project namin sa filipino at para bukas sa misa" pagdadahilan ko kay mama sa pag aakalang mapapalayas ko na ang lalaking ito."kanina pa po ba kayo ma, hindi ko naman kayo nakitang nagdaan dito sa harap ah" tanong ko pa kay mama ng hindi ko marinig ang sagot niya. "Good morning po tita, pwede ho bang makahingi po ng isang basong tubig niyo kanina pa po kasi ako nauuhaw. ayaw naman po kaming papasukin ni Elaine sa loob ng bahay niyo." nakangiti habang namumungay ang kanyang mga mata na nagpapacute pang nakatingin sa gawi ko nasa tabi ko na pala si mama at nakasilip narin pala sa labas ng pintuan "ano bang sina sabi mo diyan, kapag ako talaga napagalitan ni mama hinding hindi na kita papansinin." nakairap kong bulong sa kanya "oh aba'y ganyan ba ang tumanggap ng bisita elena . papasukin mo sila at ng hindi kau pare parehong mahirapang mag usap jan ng nakatayo, pa upuin mo sila at ipag handa mo naman ng meryenda ang mga bisita mo anak at ng ganyan din ang gawin nila sayo pag ikaw ay napasyal sa kanilang tahanan asikasuhin mo sila ng maayos," pagalit na sabi sa akin ni mama na may kasama pang kurot sa aking tagiliran. kahit mabunganga si mama pero pag dating sa pagbibisita maasikaso siya sa mga ito, ayaw niyang may nasasbi ang mga bisita hanggat maaari, dahil sa kasbihan nga niyang kahit gaano pa kahirap ang buhay dapat may prinsipyo ka parin at walang inaapakang tao. kaya kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan. "Tulungan na kitang maghanda ng meryenda bes, tara na sa kusina. dito ka muna ha! lee sa kusina lang kami para makapag handa ng meryenda" yaya sa akin ni marian habang wala nman akong nagawang tahimik na sumunod nalang sa kanya sa kusina. Nang patapus na kami ay biglang may pumasok ng hindi namin inaasahan. pareho pa kaming nagulat ni marian at nawalan ng imik ng maranig namin ang sinabi niya"Bakit andito ang lalaking yon Maria! anong ginagawa niya dito pati ba naman dito sa bahay niyo ginugulo ka niya." pagalit niyang tanong sa akin na akala moy tigre na ano mang oras ay susugod nat mananakmal nalang bigla."Roy kasi ano eh! hindi ko malaman kung anong sasabihin ko sa kanya sa mga sandaling iyon. ayaw gumana ng utak ko. alam ko kasing galit siya sa mga nangyari sa kin ng nakaraang linggo dahil sa lalaking bisita namin ngayon dito sa bahay. dahil sa pagkakasampal sa akin pati na sa parusang binigay sa akin ng guidance lahat ng yon ay si Lean ang sinisisi niya. kaya ganyan nalang siya kung mang galaiti ngayon ng galit niya. "Uyy, roy teka nga anong ginagawa mo dito. tska magaling na ba ang sakit mo?. isang linggo ka ring hindi pumasok eh. okay ka na ba?" pang iiba naman sa usapan ni marian dahil kagaya ko nababalot din siya ng pag aalala sa pagkikita nilang ito ni Lean. "okay na ako, at ang tanong ko ang sagutin nyong dalawa anong ginagawa niya dito? sabay turo sa may sala ng bahay kung saan naka upo si lean. ng hindi namin namamalayang nakalapit na pala siya sa pinto ng kusina at na rinig niya ang usapan naming talo. " pare sa pagkakaalam ko hindi masamang bumisita dito sa kanila. lalo pat tao naman akong pumunta dito tsaka ang mama naman niya ang nagpapasok sa akin dito sa bahay nila. kaya respituhin mo naman sana ako bilang bisita ng kaibigan mo!" relax na sagot niya sa tanong ni roy sa amin ni marian "Siya nga pala pinapasabi ni tita magluto ka daw ng tanghalian natin Elaine marie dito na daw ako mananghalian, at siya na daw bahalang maglaba bukas ng marumi niyong damit, at feel free daw sa pagparito ko sa bahay niyo" Nakangiting sambit niya sa amin bago siya tumalikod at bumalik sa sala. pasipol sipol pa siya habang naglalakad na parang nang aasar. Naiwan naman kaming natitigilan sa kanyang tinuran. hindi kami makapaniwalang ganun ganun nalang siyang tanggapin ni mama . kung si rustom nooy ayaw niyang laging nasa bahay o kahit malaman lang niyang pumasyal ito dito ay pinapagalitan na ako. pero baliktad yata nagyon may pafeel free at dito kana mananghalian pa si mamang nalalaman ngayon. "Bes iba yata ang dating niya sa mama mo," bulong ni marian sa akin habang nakasimangot naman at halata parin ang pinipigilang galit ni rustom sa kanya. Hindi nalang ako umik at ipinag walang bahala ko nalang ang komentong iyon sa akin ni marian. "sige na mag meryenda nalang muna kayo don at ihahanda ko lang ang lulutuin ko mamaya dito narin kayo manang haliang dalawa ni Rustom.baka kasi tanghaliin si mama sa pinunthan niya eh." sabi ko sa kanila para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming tatlong magkakaibigan. "ayos sabi mo yan ha sarapan mo ang luto tsaka damihan mo narin ang isasaing na kanin dahil sigurado akong tataob ang kaldero mamaya" nakangiting sagot sa akin ni marian na halata ang tuwa sa kanyang mukha. sa katunayan masarap talaga akong magluto kaya gusto kong maging isang chief at balang araw magtatayo ako ng sarili kong restaurant. pero parang hindi ko na matutupad ang pagiging chief ko dahil nakasalalay ang kurso ko sa kung anong magiging trabaho ko sa kumpya na pinagtratrabahuan ni kuya ngayon. Accountant kasi si kuya Emerson Sa Aguire group of companies, o mas kilala sa tawag na A.G.C pag mamay ari ito ng isang matandang billionaryong si Don Faustino Aguire may mga branches din ito sa ibat ibang bahagi ng bansa. mostly sa mga ito ay mga hotels and restaurant may mga resort din sila dito sa bansa at marami pang iba. kapag talaga mayaman ang isang tao hindi lang iisa o dalawa ang negosyo at nakukuha pa ang gustuhin sa buhay. gaya ng mga mamahaling kotse,bahay,alahas at marami pang iba. base sa kwento ni kuya. nag umpisa daw sa pagiging isang janitor noon si Don Faustino sa isang kilalang hotel sa bayan nila sa davao. hanggang sa isang araw bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. nagsikap siya para dito nagsama sila sa loob ng ilang buwan ngunit iniwan din siya nito ng walang paalam,. kwento pa ni kuya sinubukan din daw niyang hanapin ito noon kaya siya napadpad dito sa maynila pero hindi nanya ito mahanap pa hanggang sa dumating yong time na sumuko na siya sa paghahanap pa. hanggang sa isang araw na may nakilala siyang isang taong tutulong sa kanya para mabago ang buhay niya isang taong pinagkatiwalaan siya at ito nga ang bunga ng lahat ng sakripisyo niya. isa na siya sa kinikilala at tinitingalang bussinesa man hindi lang dito sa bansa.kundi pati narin sa labas ng ating bansa. marami narin daw ang natulungan niya sa mga dati niyang tauhan na ngayon nga ay successful narin sa buhay. "nakaluto kana ba, Elena pwede naba tayong kumain. nagugutom na kasi kami eh alas onse na ng tanghali oh!"para akong binuhusan ng malamig na yelo sa sinabi nyang iyon at hindi ko mlaman kung anong uunahin kong gawin dahil para akong nagising sa malalim kong pagkakatulog ng marinig ko ang boses niya lalo na ng sabihin niyang gutom nadaw sila at tanghali na isang bungtong hininga muna ang pinakawalan ko bago sinagot ang tanong niya. "oo maghahain lang ako para makakain na tayo. si mama wala pa ba?" balik tanong ko sa kanya "tulungan na kita jan para mabilis, wala pa naman si tita.hindi ba siya nag paalam sayo bago umalis?" "hindi baka sa " imposible nakakahalata na ako bakit siya sa kanya magpapa alam eh andito ka nman dont tell me friend na gusto niya yan sayo" putol sa akin ni marian sa sasabihin ko pa sana at dere deretsong nagsalita. na parang alam na alam niya ang nasa isip ko at ganun nalang siya kung maka pag react "wow maka react wagas ah. alam na alam mo ang nasa isip ko! tawagin mo na sila para mkakain na at makauwi narin kayo" taas kilay kong sabi sa kanya,pano ba kasi umeeksena na naman ang pagka detective niya.haysst kainis! sabi ko nalang sa utak ko.para di niya marinig pa at bka magtampo. "sige bes una na kami ha kita nalang tayo bukas. mukhang ayaw mo na kaming mag stay eh!. see you tommorow" paalam niya sa akin sabay yakap "thanks sa food sa uulitin nabusog kami.masarap ka palang mag luto. anyway pwede ba akong sumama bukas sa pagsisimba nyo? yan ay kung pwede lang naman" walang gatol at hayagang paalam ni Lean sa akin kung pwede daw ba siyang sumama bukas sa pagsisimba sa amin. at akmang sasagutin na siya ni Rustom ng inunahan ko na siya sa pagsasalita. "ahmmm,pwede naman tsaka lahat naman welcome sa simbahan eh, oh sige kitakits nalang bukas bye ingat sa pag uwi"pagka sabi ko sa kanila ay agad ko na silang pinagtulakan palabas ng bahay.hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tuwing nandyan siya juice ko inlove na talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD