NAGULAT si Summer nang pag-uwi niya sa bahay ng mga magulang niya ay naabutan niya sa sala sina Spring at Tita Sophia. Sinaluhan sila ng mag-ina sa huling hapunan niya sa bahay ng mommy at daddy niya. Bukas kasi ay lilipat na siya sa unit ni Snow. Pagkatapos nilang maghapunan ay kumain sila ng pang-himagas sa sala habang nag-uusap ang mga magulang niya at si Tita Sophia tungkol sa inaalok na business partnership ni Tita Sophia sa mommy niya. Halatang bored na si Spring at naawa naman siya sa estado nito kaya inaya niya itong mamasyal sa hardin nila. “Looks like Tita Sophia hasn’t given up on playing cupid for us to end up together,” sabi ni Summer kay Spring habang naglalakad-lakad sila sa hardin. Umungol si Spring. Pabirong binunggo niya ito sa balikat. “Hey, cheer up. Alam mo namang

