Chapter 5

2027 Words
KALALABAS lang ni Summer ng shower ni Winter. Suot niya ang maluwag na T-shirt ng binata at ang luma nitong PE shorts. Naroon siya ngayon sa condominium unit nito dahil ayaw niyang umuwi sa bahay ng mga magulang niya. Tiyak kasi na tatanungin siya ng mga ito kung anong nangyari at hindi niya kayang magkuwento nang hindi umiiyak. Nagulat siya sa eksenang naabutan niya. Nakatayo si Winter at hawak ang doorknob ng pinto habang may kahalikan ito na babae na hindi pa lubusang nakapasok ang katawan sa loob. May girlfriend pala si Winter ngayon. Tahimik sana siyang magtatago sa kuwarto ni Winter pero naramdaman yata ng babae ang presensiya niya dahil nagmulat ito ng mga mata at dumako ang tingin sa kanya. Pinutol nito ang pakikipaghalikan kay Winter at tinapunan siya ng masamang tingin. Tiyak na iba na ang naiisip nitong nangyari sa kanila ni Winter. The woman gave Winter a disbelieving look. Nang walang makuhang reaksyon mula sa huli ay sinampal ito ng babae bago nag-walk out. Sinara lang ni Winter ang pinto. “Hindi mo ba hahabulin 'yong girlfriend mo?” tanong niya kay Winter nang sumalampak ito ng upo sa couch. “That woman slapped me. Bakit ko siya hahabulin?” Napailing na lang siya. Dumiretso siya sa kusina nito at kumuha ng dalawang beer sa fridge. Pagbalik niya sa sala ay binigyan niya ng halik ang nasaktang pisngi ni Winter bago siya umupo sa pang-isahang sofa. “Para saan 'yon?” nagtatakang tanong ni Winter habang nakatingin sa kanya. “Sorry kasi dahil sa’kin, nagalit 'yong girlfriend mo.” Inabot niya rito ang isang beer. “Gusto mo bang samahan kitang mag-explain sa kanya?” Umiling ito, saka kinuha mula sa kanya ang beer. “We’re over anyway. Nakikipagbalikan, pero ayoko na.” “Bakit ayaw mo na?” Hindi ito sumagot at sa halip ay tumungga lang ng alak habang nakatutok ang atensiyon sa pinapanood nito – ang bago nitong paboritong TV show na The Walking Dead. Hindi na niya pinilit na magsalita si Winter dahil hindi naman talaga ito palakuwento sa love life nito. Kinuha niya ang throw pillow na naupuan niya at ipinatong iyon sa mga hita niya. Sinubukan niyang ituon ang atensiyon niya sa pinapanood nila pero sa tuwina ay pumapasok sa isip niya ang eksena kung saan inaalo ni Spring si Autumn. Tinungga niya ang hawak niyang beer bago siya nagsalita. “Nakita mo ba kanina kung paano aluin ni Spring si Autumn?” “Gusto mo ba talagang pag-usapan natin 'yan?” Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang beer. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Sping sa bote. “Masaya si Spring kay Autumn. They really love each other.” Hindi nagsalita si Winter kaya nagpatuloy lang siya. “Napansin mo ba na madalas nang nakangiti si Spring ngayon? Ngayon ko lang siya nakita na gano’n kasaya.” Nakita niya ang pagpatak ng mga luha niya sa bote. “Pero hindi na ko 'yong dahilan kung bakit siya ngumingiti.” “Umiiyak ka na naman.” Kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakasimangot si Winter base pa lang sa boses nito. Dumaan sa isip niya ang eksena kung saan nagtitigan sina Spring at Autumn. May gumuhit na sakit sa puso niya.“Naiinggit ako kay Autumn. Napapasaya niya si Spring.” “You made Spring happy then.” Umiling siya. “That was never enough. No’ng kami pa ni Spring, 'yon 'yong panahong magulo na ang pamilya niya. Pero wala akong nagawa para tulungan siya, kaya nga kami naghiwalay. Siguro dahil hindi ko naiintindihan 'yong sakit niya, hindi gaya ni Autumn na kapareho niya ng pinagdadaanan.” “Huwag mong ikumpara ang naging relasyon niyo sa relasyon nila ni Autumn ngayon.” Napahikbi siya. “Pero gusto kong magkaroon uli ng pagkakataon para mapasaya si Spring. Gusto kong magawa 'yong mga hindi namin nagawa noon.” Matagal bago muling nagsalita si Winter. “Mahal mo pa siya.” Do’n siya nag-angat ng tingin kay Winter. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil tumutungga ito ng alak. “Nang makita ko si Spring kanina na inaalo si Autumn, na-realize ko na gusto ko ring maranasan uli 'yong pagmamahal niya na 'yon. Gaya noon na ako lang ang babae sa buhay niya. I wanted to be in Autumn’s place.” Binaba ni Winter ang bote ng beer sa coffee table, saka siya nito nilingon. Walang emosyon sa mukha nito. “Would it have been better for you if you have fallen in love with me instead?” Kung hindi lang masyadong seryoso si Winter, baka natawa na siya ng malakas. Pero ayaw niyang mainsulto ito kaya ngumiti na lang siya. “Mas mahihirapan siguro ako kung ikaw ang minahal ko, Winter.” “Bakit?” “Dahil hindi mo naman ako mahal sa gano’ng paraan, 'di ba? Ang hirap kayang palihim na magmahal ng isang kaibigan. Kaya hindi ko gugustuhing sa’yo na lang magkagusto, kaysa kay Spring na nakikita ako bilang babae.” Bumalik ang atensiyon nito sa flat screen TV. “Tama ka. Mahirap ngang palihim na magmahal ng isang kaibigan.” Napatitig siya kay Winter dahil sa emosyong nahimigan niya sa boses nito. He sounded sad. “Ano’ng problema, Winter?” Marahan itong umiling. “You’re wasted. It pains me to see you in that state.” Napangiti siya. “You’re such a sweet friend, Winter.” Bumuntong-hininga ito, saka siya nilingon. Binuka nito ang mga kamay nito. “Come here. You need a hug.” Natatawang tumawa siya at kumandong kay Winter. Niyakap siya nito at hinele gaya ng madalas nitong gawin kapag umiiyak siya noong mga bata pa sila. Ipinalupot niya ang mga braso niya sa leeg nito at sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito at nilanghap ang mabago nitong amoy na noon pa man ay gustong-gusto na niya. While Winter was gently rocking her back and forth, the childhood memories she had with him, Spring and Autumn flashed in her head like a movie. Pagkatapos ay napalitan iyon ng adult version nila. At nang kaguluhan kanina sa mansiyon. She realized one painful thing. “We all changed, Winter.” “Everything does, Summer.” Humigpit ang pagkakayakap niya rito. “You’re the only constant in my life, Winter. Please don’t change.” Narinig at naramdaman niya itong bumuntong-hininga, bago nito hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “I won’t.” PAGBUKAS ng pinto ay sumalubong kay Spring ang walang reaksyon na si Winter. Walang imik na pinatuloy siya nito sa condo unit nito. “Pasensiya ka na Winter, but can I stay he – ” Natigilan siya nang makita ang natutulog na si Summer sa sofa. “Nandito rin pala si Summer.” “Nakalimutan kong sabihin sa’yo,” walang emosyong sabi ni Winter. Ginising nito si Summer pero umungol lang ang huli at yumakap dito. Binuhat naman ni Winter ang dalaga. Napailing na lang siya habang pinapanood si Winter na maingat na buhat-buhat si Summer habang dinadala ang babae sa kuwarto nito. Nang tumawag siya kay Winter kanina at sinabing papunta siya rito, ang sabi nito ay okay lang daw. Hindi naman nito nabanggit na kasama nito si Summer. Pero ano pa bang aasahan niya? Simula pa noon ay lagi na itong nakabuntot kay Summer. If he didn’t know better, iisipin niyang may gusto si Winter kay Summer. “Bakit nandito sa condo mo si Summer?” tanong niya kay Winter paglabas nito ng kuwarto nito. Nagkibit-balikat ito. “Movie marathon.” “You’re spoiling her too much, Winter.” Nagkibit-balikat uli ito, saka siya sinenyasan na umupo nang sumalampak ito ng upo sa couch. “Kumusta si Autumn?” Umupo siya sa tabi nito. “Not okay. Hinatid ko na siya sa bahay nila. She needs to rest.” “Ah.” Napangiti siya. Kahit kailan talaga, ang tipid magsalita ni Winter. “Sorry, bro.” “Para saan?” “Dahil nawala kami ng matagal ni Autumn.” “Kay Summer mo sabihin 'yan. Siya ang naghintay sa inyo.” Bumuntong-hininga siya. “I know. Summer has always been the one who keeps us together, kaya alam kong siya rin ang pinakanasaktan sa pag-alis namin ni Autumn.” “Can I say something, Spring?” “Go ahead.” Nagulat siya nang suntukin siya nito sa braso. Medyo malakas iyon kaya napahiyaw siya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Winter na nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha. “Bakit mo ko sinuntok?” “Dahil gago ka. Tinalo mo ang mga kaibigan natin.” Hindi man nagtaas ng boses, ramdam niya ang solidong iritasyon sa boses ni Winter, at nakikita niya ang galit sa mga mata nito. Natahimik siya dala ng pagkapahiya. Hindi naman kailangang ipamukha ni Winter sa kanya iyon dahil alam naman niya kung gaano nga siya kagago dahil nakarelasyon niya pareho ang mga kaibigan nila. Naging girlfriend niya si Summer noong college, at ngayon ay si Autumn. Summer was his first love, and he was serious about her then. Nagkataon lang na naging magulo ang buhay niya no’n kaya hindi niya napagtuunan ng tamang atensiyon ang relasyon nila. Pero nagpapasalamat siya’t naging maayos ang paghihiwalay nila kaya naging magkaibigan pa rin sila. And now, he was with Autumn. Malaki na ang pinagbago niya. Sigurado siyang kaya na niyang humawak ng relasyon, at iyon ang ginagawa niya ngayon. Pero hindi niyon mababago ang katotohanan na naging girlfriend niya ang dalawang kaibigan niya. Siguro sa mata ng mga taong hindi nakakakilala sa kanilang apat, iisipin na pinaglalaruan niya ang mga ito. Napabuntong-hininga siya. “Tama ka, Winter. Gago nga ako.” “Mahal mo ba si Autumn?” “I do,” mabilis at siguradong sagot niya. Natigilan si Winter, at dumaan sa mga mata nito ang pag-aalinlangan bago ito muling nagtanong. “Minahal mo ba si Summer?” May mainit na bagay na bumalot sa puso niya nang maalala ang nakaraan nila ni Summer. “Oo naman.” Bumuga ng hangin si Winter. “I’m relieved na hindi mo sila pinaglaruan. Minsan ko lang 'tong sasabihin kaya makinig ka.” Nilingon niya si Winter. Ngayon niya lang ito nakitang gano’n kaseryoso. “Ano 'yon?” “Panindigan mo si Autumn, Spring. Kapag umiyak siya dahil sa’yo, kakalimutan ko nang magkaibigan tayo. Hindi ako papayag na may sasaktan ka uli sa mga kaibigan natin,” banta nito sa mapanganib na boses. Nagulat siya. Kadalasan ay walang pakialam si Winter sa mga nangyayari, pero akala lang pala niya iyon. Siguro, sa kanilang apat, ito ang may pinakamalasakit sa pagkakaibigan nila kahit hindi nito iyon pinapakita madalas. Sinuntok niya ng mahina sa dibdib si Winter. Hindi ito natinag. “I will fight for Autumn.” Winter didn’t smile but his eyes softened. “Good. Hindi ako papayag na sirain mo ang Seasons. Summer will be sad if the four of us breaks apart.” Kumunot ang noo niya. “Hey... pinoprotektahan mo lang ba ang pagkakaibigan natin dahil kay Summer? Para kay Summer?” Hindi sumagot si Winter. “Winter.” “Yeah?” Mataman niya itong pinagmasdan. “You’re like a princess’ loyal knight. At simula noon hanggang ngayon, si Summer lang ang kinikilala mong prinsesa.” Binatukan lang siya nito. Well, ang ayaw ni Winter sa lahat ay pinakikialaman ang pribadong buhay nito kaya hindi na niya ito pipiliting magsalita tungkol sa damdamin nito para kay Summer. Pero hindi niya palalagpasin ang pambabatok nito sa kanya. “Hey! Mas matanda ako sa’yo kaya galangin mo ko!” In-arm lock niya ito sa leeg at nakangising ginulo ang buhok nito. “Ikaw talaga, bunso!” “Stop calling me that,” iritadong saway nito sa kanya, saka kumawala sa arm lock niya. “Bakit ka nga pala nagpunta rito?” Unti-unting nawala ang ngisi niya. Naging seryoso siya. “Winter, kailangan ko ang tulong niyo ni Summer.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD