Chapter 6

1156 Words
NAGULAT si Summer nang sumalubong sa kanya ang natutulog na si Winter pagmulat niya ng mga mata niya. Napabuntong-hininga na lang siya. He was sleeping peacefully, and his face looked so angelic at the moment. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mga mata nito. “Winter.” Nang hindi ito natinag ay tinusok siya nito sa tagiliran. Napaigtad agad ito at napamura pa. Malakas kasi ang kiliti nito. Natawa na lang siya. Umungol ito at tinakpan ng unan ang mukha. Tatawa-tawang bumangon siya. “Wake up, Winter.” Inalis niya ang unan sa mukha nito. Dumapa naman ito at sinubsob ang mukha nito sa kama. Niyugyog niya ang balikat nito. “Hey, Winter. Bakit dito ka natulog sa tabi ko?” Ngayon lang nangyari iyon. Kapag kasi nakikitulog siya sa condo nito, sa guest room ito natutulog. “Ginagapang mo na ba ko?” Nilingon siya nito. Dahil nakadapa ito, dumikit ang kanang pisngi nito sa kama. “Gamit ni Spring ang guest room ngayon.” Nawala bigla ang ngiti niya. Kahit kailan talaga, hindi marunong makisakay sa biruan ang lalaking 'to. “Ah, nandito pala siya. Bakit daw?” “May pabor siyang hinihingi sa’tin.” Pinagdikit niya ang mga binti niya at niyakap ang mga iyon. “Ano?” “Hindi mo magugustuhan.” Bumuga siya ng hangin. “Sabihin mo na. Handa na ko.” Bumangon ito at nag-inat habang naghihikab. Kinukuskos nito ang mga mata habang pinapaliwanag sa kanya ang gustong mangyari ni Spring. “Gusto niyang tulungan natin sila ni Autumn na magtanan. Pagkatapos, magpapakasal na sila para hindi na makatutol si Tita Sophia sa relasyon nila.” Oo nga’t sinabi niyang handa na siya sa anumang maririnig niya, pero nagulat pa rin siya. Nalaglag ang panga niya. “They’re too old to elope!” “Exactly.” “Ano’ng sinabi mo kay Spring?” “Hindi ko siya binigyan ng sagot.” “Bakit?” “Susundin ko lang kung ano’ng magiging desisyon mo.” Pinatong niya ang baba niya sa mga tuhod niya. “Hindi mo naman ako kailangang kampihan dahil lang naaawa ka sa’kin.” “Naaawa?” “Oo. Naaawa ka sa’kin dahil alam mo kung ano’ng nararamdaman ko para kay Spring. Kaya para hindi ako masyadong api, susuportahan mo ko. Gano’n 'yon, 'di ba?” Matagal bago ito sumagot. “I don’t want you to feel alone. Is that wrong?” Napaisip siya. Si Winter lang ang nakakaalam kung ano’ng pinagdadaanan niya ngayon, kaya natural lang siguro na suportahan siya nito. “Pero Winter, hindi mo naman ako kailangang sundin. Alam ko namang nakabuo ka na ng sarili mong desisyon.” Nilingon niya ito. “Hindi ba?” Marahang tumango ito. “Kung ako lang, gusto ko silang tulungan.” Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung tutol siya o hindi sa desisyon nito dahil ang mismo niyang kalooban ay nagtatalo. “They only have us, Summer,” pagpapatuloy ni Winter. “I don’t want us to let them down.” Winter’s words attacked her conscience once again. Hindi siya makapaniwalang nagdalawang-isip siya sa pagtulong sa mga kaibigan niya dahil lang sa nararamdaman niya. Ngumiti siya. “Salamat, Winter.” “Para saan?” “You always save me from becoming a horrible person. You’re my savior.” Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. “Hindi totoo 'yan. I said I won’t let you get hurt. Pero nasaktan ka pa rin.” Pabirong binunggo niya ang balikat nito dahil napansin niyang nalungkot ito. “Hey, alam kong ayaw mo nang may nasasaktan sa mga kaibigan mo, but no one is above love. We are all bound to get hurt because of it,” biro niya para gumaang ang pakiramdam nito. Bumuntong-hininga ito, saka siya nilingon. “Handa ka nang harapin si Spring?” Tumayo siya, saka nilahad ang kamay niya rito. “Hindi. But I will be if you’re with me.” Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito, saka inabot ang kamay nito sa kanya. Hinila niya ito patayo. “I’m just right here.” Ngumiti lang siya. Winter had been her comfort for the past years, so everything he said and did to show his support to her already felt so natural and normal. Paglabas nila ng kuwarto ni Winter ay may narinig silang ingay sa kusina kaya nagtungo sila ro’n. Naabutan nila si Spring na nagluluto ng agahan. “Good morning, Summer and bunso,” masiglang bati ni Spring sa kanila. Isang mahinang suntok sa sikmura ang ginanti ni Winter kay Spring na ikinatawa lang ng huli. Winter really hated being called ‘bunso’. “Hindi ko alam na marunong ka na palang magluto,” komento niya para tumigil na sa paghaharutan ang dalawang lalaki. Ngumisi si Spring. “Tinuruan ako ni Autumn no’ng nasa Paris kami. Wala naman kasing kasambahay sina Daddy at Tita Aurora ro’n, kaya kami ang gumagawa ng house chores.” Pinilit niyang pinanatili ang ngiti niya kahit may matulis na bagay na tumusok sa puso niya. Bigla niyang nakita sa isipan niya ang imahe nina Spring at Autumn na nagluluto sa kusina. The scene was heartbreakingly beautiful. Nagkatinginan sila ni Winter. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito, pero nginitian niya lang ito para mapanatag ito. “Mahal mo talaga si Autumn 'no?” tanong niya kay Spring. Isang magandang ngiti lang ang sinagot ni Spring sa kanya. Pero sapat na iyon para masagot ang tanong niya. “Nasabi na sa’kin ni Winter ang lahat,” imporma niya kay Spring. Tiningnan siya nito na para bang hinihintay ang susunod niyang sasabihin kaya hindi na niya pinatagal ang paghihintay nito. “Tutulungan namin kayo. May plano na ko.” Spring’s face lit up. “Seryoso, Summer?” Tumango siya. “Matagal na kong nagsusulat ng iba’t ibang story para sa magazine namin. Marami na kong natutunang tricks kung paano maging pasa –” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bigla siyang sugurin ni Spring ng mahigpit na yakap. Bigla-bigla ay nilipad ng hangin ang lahat ng talino niya. Alam niyang hindi siya dapat maging masaya sa hiram na sandali na iyon, pero natagpuan pa rin niya ang sarili niya na niyayakap pabalik si Spring at hinihiling na sana huminto ang oras kahit isang minuto lang. “Thank you, Summer!” sinserong sabi ni Spring. “Wala kang ideya kung gaano ito kahalaga para sa’min ni Autumn, kaya maraming salamat talaga.” Unti-unting nawala ang ngiti niya, pero gayunman, nanatili pa rin ang munting kaligayahan sa puso niya. Ang masama nga lang, ngayong naramdaman niya uli ang mahigpit na yakap ni Spring, siguradong hahanap-hanapin na niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD