DUMATING na sila Summer at Winter sa gusali ng architectural firm kung saan nagta-trabaho sina Winter at Autumn. Sa parking lot pa lang ay nakita na niya si Spring na pinapayungan si Autumn habang inaakay ang dalaga papunta sa kotse ng una.
“Call them. Sabihin mong magkita-kita na lang tayo sa restaurant,” sabi ni Winter habang nagpa-park ito.
Tumango siya. Binababa na niya ang bintana sa gilid niya para sana tawagin sina Spring at Autumn pero natigilan siya sa eksenang sumalubong sa kanya. Binitawan ni Spring ang hawak nitong payong, pagkatapos ay sinayaw nito si Autumn sa ilalim ng ulan. And then, while they were dancing, they kissed.
Muli niyang tinaas ang bintana at pilit siyang ngumiti nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Winter. “Mauna na tayo sa restaurant. Tawagan na lang natin sila mamaya. Mukha namang nag-e-enjoy pa sila.”
Tumango lang si Winter at muling binuhay ang makina ng kotse nito. Hindi siya nagkamaling bumaling sa labas ng bintana nang madaanan nila sina Spring at Autumn. Ilang minuto matapos nilang umalis sa gusali ay naipit naman sila ni Winter sa traffic.
Tumingin na siya sa labas ng bintana. “Naalala ko kanina, inaya ko noon si Spring na magsayaw sa ilalim ng ulan, pero tinanggihan niya ko. Nakakagulat na makitang ginawa nila 'yon ni Autumn ngayon. Naiinggit ako dahil ginagawa nila ngayon ni Spring ang mga bagay na hindi namin nagawa noon.”
“Summer...”
Unti-unting naging malinaw ang lahat sa kanya. Pagkatapos ng realisasyon na iyon ay ang pag-usbong ng matinding frustration. “Tama. Naiinggit ako. Gusto kong gawin namin ni Spring 'yong mga hindi namin nagawa noon. Hindi ko matanggap na ginagawa nila ni Autumn ngayon 'yong mga eksena na araw-araw kong hinihiling noon na sana mangyari sa’min.”
Akmang hahawakan ni Winter ang pisngi niya pero iniwas niya ang mukha niya rito. Sa halip ay tinakpan niya ng kamay niya ang mga mukha niya.
“Don’t look at me now, Winter. I feel very ugly for having ugly thoughts. Alam mo ba kung ano?” Kahit hindi sumagot ay nagpatuloy siya. “No’ng una, tutol ako sa gusto mong pagtulong natin kina Spring at Autumn, pero pumayag pa rin ako dahil gusto kong maging mabuting kaibigan. But it’s not kindness because I did it for my own good. Para lang maging mabait pa rin ako sa paningin ni Spring. Pilit ko namang nilabanan, pero tinraidor pa rin ako ng damdamin ko. I guess feelings are traitors inside us. My heart betrayed my judgment.”
“Hindi ko maintindihan, Summer.”
“Alam mo naman ang istorya nila, hindi ba? Nina Tita Sophia?” pag-iiba niya ng usapan.
“Yes.”
May nariring siyang malakas na ingay sa ulo niya. “Dating magkasintahan sina Tita Aurora at Tito Ricky na hindi nagkaroon ng closure. Nagkita lang uli sila sa kasal nina Tita Sophia at Tito Ricky dahil mag-best friend sina Tita Sophia, Tita Aurora at ang mga mommy natin.
Maraming tanong at posibilidad na hindi nahanapan ng sagot sina Tita Aurora at Tito Ricky sa relasyon nila noon. And you know what? In every relationship that ends, the hardest part is wondering about the could-have-been moments, and finding answers to the what-ifs. Naisip ko lang, iyon siguro ang dahilan kung bakit nagkabalikan sina Tita Aurora at Tito Ricky. Dahil pareho silang may hang-up sa relasyon nila. And maybe they thought, they have to be together.”
“Hindi ko gusto kung saan patungo ang sinasabi mo, Summer,” iritadong sabi ni Winter. Matalino ito kaya sigurado siyang alam na nito ang gusto niyang sabihin.
Nilingon niya si Winter. Nafu-frustrate na siya sa sarili niya, pero hindi niya magawang huminto. “I can’t stop thinking about the could-have-been moments that could have happened to Spring and I. Bata pa kami no’n kaya siguro naging flawed ang relasyon namin. Paano kung kaya na naming i-handle ngayon 'yon?”
Bumakas din ang frustration sa mukha ni Winter. Tinakpan nito ang mga mata niya gamit ang isang kamay nito. “Calm down and listen to me, Summer. Posible lang 'yan kung walang karelasyon si Spring. He’s with Autumn now. Get over it!”
Dahil sa pagsigaw ni Winter ng katotohanan sa kanya, natauhan siya. Bigla ay narinig na niya ang malakas na pagbuhos ng ulan, naramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga ni Winter sa mukha niya at ang panunuot ng lamig sa kalamnan niya. She was back to reality.
Unti-unti niyang inalis ang kamay ni Winter na nakatakip sa mga mata niya. Bakas pa rin ang matinding frustration sa mukha nito. Napahiya siya sa sarili niya, at mas nakakahiya pa dahil ipinakita niya kay Winter ang pangit na bahagi ng pagkatao niya.
“Ang sama-sama ko talaga,” sabi niya sa walang buhay na boses. “If this is a movie, I’m probably the girl wishing for the lead couples’ relationship to end.”
Bumuga ng hangin si Winter bago nito pinaandar ang kotse dahil umusad na ang mga sasakyan. “Hindi ka masamang tao, Summer. Nasasaktan ka lang.”
“But being hurt is not enough license to be mean.” Hinawakan niya ang dibdib niya. Nararamdaman niya ang mabilis na t***k ng puso niya. “Pero dahil sa sakit na 'to, gusto ko rin silang maging malungkot tulad ko. I don’t want to suffer alone.”
“Even if it’s you, I cannot allow you to hurt anyone. Lalo na ang mga kaibigan mo.”
Bumaling uli siya sa labas ng bintana. Papahina na pala ang ulan at unti-unti nang sumisilip ang haring araw mula sa maiitim na ulap. Bumuga siya ng hangin. “Gusto ko ng time machine.”
“Para saan?”
“Para mabalikan ko 'yong oras kung saan ako ang mahal ni Spring. Kahit isang araw lang. Gusto kong maranasan ang maging kami ngayong kaya na naming humawak ng relasyon.” Ngumiti siya ng malungkot. “Baka kapag naranasan ko 'yon, hindi na ko mabaliw kakaisip sa mga posibleng nangyari kung hindi agad ako bumitaw noon.”
“Mamahalin mo uli siya lalo kapag nangyari 'yang gusto mo.”
Marahang umiling siya. “Ang gusto ko lang naman, pagkakataon. Sapat na sa’kin 'yon.”
Narinig niya itong bumuga ng hangin. “Why do you always make my life hard, Summer?”
Nilingon niya ito. “Paano naman kita pinapahirapan?”
“You make me make the impossible possible.”
“Hindi ko maintindihan,” naguguluhang sabi niya.
“Huwag mo nang intindihin. Kahit ako, hindi ko maintindihan,” naiiling na sabi nito.
Napangiti siya. Pero kahit hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Winter, na-touch naman siya sa suporta na ibinibigay nito sa kanya. “Winter, 'wag mo kong masyadong i-spoil. Mangako ka sa’kin na kapag may ginawa akong mali, gigisingin mo ko gaya ng ginawa mo kanina. I guess kahit ano’ng estado ng pag-iisip ko, I will still listen to you.”
Sinulyapan siya nito. He sighed, but his eyes grew warm. “Okay. I promise.”