Chapter 9

1705 Words
NAIINIP na si Summer habang hinihintay ang pagdating nina Winter at Autumn. Kasalukuyan siyang nasa isang beach house sa Batangas kung saan dapat magkikita sina Spring at Autumn para magpakasal. Dalawang linggo ang lumipas bago natuloy ang “bakasyon” nila na iyon dahil may mga inayos pa sila ni Winter bilang paghahanda. Umiling siya para mawala sa isip niya iyon. “Winter, nasaan na ba kayo?” Hindi sa Laguna gaya ng sinabi niya kay Tita Sophia, o sa Bataan gaya naman ng paalam niya kay Tito Teodoro ang pinuntahan nila kundi sa isang private beach sa Batangas kung saan ang beach house na tinutuluyan nila ay pag-aari ng publisher ng Clever Girls. Pinahiram nito sa kanya iyon pansamantala dahil ang sabi niya, kailangan niya iyon para sa “research” niya. Para hindi makahalata si Tita Sophia, kinumbinsi niya ito na “pilitin” si Spring na sumama sa kanya. Ang akala ng ginang ay ito ang nagmamanipula sa anak nito, pero ang hindi nito alam, ito ang minamanipula nila. At para mas epektibo ang plano nila, sinundo niya si Spring sa bahay at sabay silang umalis ng binata. Samantalang pinakiusapan naman ni Winter ang ate nitong si Snow para sunduin si Autumn. Ang usapan nila, si Winter ang maghahatid kay Autumn sa Batangas, at mauuna na silang bumiyahe ni Spring do’n. Pero tatlong oras na ang lumilipas ay wala pa rin sina Winter at Autumn. Hindi rin sinasagot ng mga ito ang tawag niya. “Hindi ko pa rin ma-contact si Autumn,” frustrated na sabi ni Spring. “I’m worried.” “Ako rin,” sabi niya. “Hindi rin sinasagot ni Winter ang tawag ko.” “Should we head back?” “Kung babalik tayo, makahalata si Tita Sophia.” Muli niyang pinindot ang numero ni Winter. Nag-ri-ring iyon pero wala pa ring sumasagot. “Susubukan ko uli. Sana naman sumagot na si Winter.” Tumango si Spring. “Aakyat ako ng bubong. Baka wala lang signal dito.” Tumango lang siya. Nanatili siya sa veranda ng beach house kung saan tanaw ang dagat, samantalang si Spring naman ay sineryoso yata ang pag-akyat ng bubong dahil bigla itong nawala sa paningin niya. Hahanapin sana niya si Spring nang marinig niya ang boses ni Winter sa kabilang linya. “Summer.” Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses nito. “Winter! Pinag-alala mo ko! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Nasaan na kayo?” “Don’t worry, we’re okay. Nandito kami sa villa ni Lolo sa Tagaytay.” Napakurap siya. “Tagaytay? Ano’ng ginagawa niyo sa Tagaytay, Winter?” “Summer, hindi muna kami susunod ni Autumn sa Batangas.” Kumunot ang noo niya sa labis na pagtataka. “Bakit?” “Para bigyan kayo ng oras ni Spring na magkasama. Ngayon, puwede mo nang tapusin kung anuman ang kailangan mong tapusin para tuluyan mo na siyang mapakawalan bago sila maikasal ni Autumn.” Unti-unting nawala ang kunot ng noo niya. Iisa lang ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Winter, at hindi niya iyon mapaniwalaan. “Winter...” “Oo, Summer. Puwede mong isipin na time machine ang may gawa nito. I-de-delay ko ng isang araw ang pagkikita nina Spring at Autumn. Gamitin mo ang oras na 'yon para bumalik kayo sa nakaraan niyo ni Spring. Even if it’s just a pretend, I hope it will still make you happy,” masuyong sabi ni Winter. Naitakip niya ang kamay niya sa bibig niya kasabay ng pangingilid ng mga luha niya. Ginawan siya ng ‘time machine’ ni Winter para lang sa makasarili niyang kahilingan. “Bakit mo 'to ginagawa, Winter? Hindi ba’t ang ayaw mo sa lahat ay 'yong nasasaktan ang mga kaibigan mo? Masasaktan si Autumn kapag nalaman niya kung bakit mo 'to ginawa.” “I know. Pero nasa’yo pa rin ang desisyon. What will you prioritize now? 'Yang nararamdaman mo para kay Spring? O ang pagkakaibigan niyo ni Autumn?” Tinatagan niya ang dibdib niya. Isang araw lang naman 'yon. Handa niyang pagbayaran ang lahat ng magiging kapalit niyon dahil gaya ng sinabi ni Winter noon, naniniwala siya na anuman ang mangyari, hindi matitibag ng basta-basta ang pakikipagkaibigan nila. “Okay. Let’s make this time machine work. Pero Winter, bakit kailangan mo 'tong gawin para lang sa’kin?” “May sekreto akong sasabihin sa’yo kaya makinig kang mabuti, Summer.” Tumahimik siya at buong-pusong nakinig sa mga susunod nitong sasabihin. “You are my favorite season, Summer.” Napangiti siya. Nakaramdam siya ng mainit na bagay na unti-unting tumutunaw sa puso niya, kasabay ng pagwawala ng kung ano sa tiyan niya. Napasandal siya sa pader dahil bahagyang nanginig ang mga tuhod niya dahil sa mga salitang iyon. “Ikaw ang inalagaan ko sa loob ng limang taon. Natural lang na ikaw ang maging paborito ko sa mga kaibigan ko.” Natawa siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya – luha ng sobrang kasiyahan. “Thank you for remaining a constant in my life, Winter. I owe you big time.” PAGPASOK ni Autumn sa villa, pumihit siya paharap kay Winter at sinampal ito ng malakas sa pisngi dala ng galit. “Niloko mo ko, Winter! Ang sabi mo, dadalhin mo ko kay Spring sa Batangas. Pero dinala mo ko rito sa Tagaytay. Para saan? Para magkasama sina Spring at Summer? May balak ba siyang agawin sa’kin si Spring?” Wala na siyang nagawa kanina nang mag-iba ng ruta si Winter. Kahit galit siya sa ginawa nito, hindi naman siya natatakot dito dahil alam niyang wala itong gagawing masama sa kanya, kaya wala ring silbi kahit manlaban pa siya. Isa pa, gusto niyang malaman kung bakit nito ginagawa iyon. May ideya na siya, pero gusto niyang makasiguro. Iyon nga lang, kinuha nito mula sa kanya ang cell phone niya kaya hindi niya matawagan si Spring. Winter sighed. “Susunod tayo sa kanila bukas ng gabi.” “Give me back my phone.” Umiling ito. “Kung kailangan mong tawagan si Tito Teodoro, may landline dito. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng sabihin sa kahit kanino ang nangyari kung ayaw mong makarating iyon kay Tita Sophia, hindi ba?” Lalo siyang nainis. Pakiramdam niya, k-i-n-idnap siya ni Winter, maliban sa hindi siya nakakaramdam ng panganib dito. “Ginagawa mo 'to para kay Summer, hindi ba?” “Hindi niya aagawin si Spring sa’yo,” mariing sabi nito. “Just give Summer twenty-four hours to say good-bye to him.” Naiiyak na siya sa labis na sama ng loob. Ramdam naman niya na may pagtingin pa si Summer kay Spring, pero naniwala siyang hindi nito sisirain ang tiwala niya at ang pagkakaibigan nila. Unti-unti siyang kumalma dahil sa naiisip niya. Bigla niya kasi naisip na maaaring nagtiwala rin sa kanya si Summer nang pumunta siyang Paris kasama si Spring. Pero hindi pa rin niya napigilan ang sarili niyang mahulog ang loob sa binata, kahit alam niyang ex ito ni Summer. Wala siyang karapatang husgahan agad si Summer dahil ka-ipokritahan iyon. At ang sabi naman ni Winter, magpapaalam lang ito kay Spring. Hindi man siya magtiwala sa damdamin ni Summer, magtitiwala siya sa sinabi ni Winter dahil kahit kailan ay hindi pa ito nagkamali sa mga sinabi at ipinangako nito. Humalukipkip siya at bumuga ng hangin habang matamang pinagmamasdan si Winter na gaya ng madalas ay walang reaksyon. “Nakakapagtampo ka, Winter. Kaibigan mo rin ako, pero handa kang saktan ako para kay Summer.” Marahang pinatong ni Winter ang kamay nito sa ibabaw ng ulo niya. His face softened. “Babalik sa’yo si Spring.” Ayaw man niyang maramdaman ng sandaling iyon, natuwa pa rin siya sa sinabi ni Winter. Bihira lang ito magpahayag o magsabi ng damdamin nito, kaya nakakapanibagong sinabi nito sa kanya na kaibigan siya nito. “In-i-spoil mo masyado si Summer.” “I’m keeping her happy.” “At the expense of your other friends?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Winter, kung hindi lang kita kababata, talagang magagalit na ko sa’yo. Kahit sa’ng anggulo mo tingnan, mali itong ginawa mo.” Namulsa si Winter at naging malayo ang tingin. The unfathomable look on his face right now made him untouchable, mysterious and somehow dark, especially when his eyes suddenly became empty. “I don’t care if I’m hated and I don’t care if I become a bad person as long as I keep Summer happy.” Nag-init ang mga pisngi niya nang makilala niya ang emosyong gumuhit sa mga mata ni Winter pagkatapos nitong banggitin ang pangalan ni Summer. Bumilis ang t***k ng puso niya dala ng pagkasabik. Pakiramdam niya, nakakita siya ng marriage proposal sa harap niya. “You’re willing to lose that much for Summer? Winter... mahal mo siya higit pa bilang kaibigan, 'no?” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Winter. At bihira lang itong ngumiti kaya nasagot na niyon ang katanungan niya. Bumuntong-hininga siya habang iiling-iling. “Too much love is consuming, Winter. Don’t let it eat you.” “Too late for that, Autumn. Too late.” Kumunot ang noo niya, pero bago pa niya mabasa ang emosyon sa mukha ni Winter ay tinalikuran na siya nito. "Bunso..." Nakasimangot na hinarap siya ni Winter dahil marahil sa tinawag niya rito. “We can go horseback riding tomorrow. Sa ngayon, magpahinga ka muna,” bilin nito bago ito umakyat sa ikalawang palapag. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi pa rin nawawala ang takot sa puso niya. Alam niyang mahal siya ni Spring, pero minahal din nito si Summer. Walang nakakasiguro kung ano’ng puwedeng mangyari sa dalawa. Marahang tinampal-tampal niya ang mga pisngi niya at bumulong sa sarili niya. “No, Autumn. Hindi magbabago ang damdamin ni Spring sa loob lang ng isang araw.” Dumako ang tingin niya sa pinto ng kuwarto na pinasukan ni Winter. Mas nag-aalala siya para sa binata ngayon. Winter, don’t let too much love devour you. Hindi ka na makakabangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD