HINDI alam ni Autumn ang mararamdaman. Kahit nakaupo siya sa kama, pakiramdam niya ay nanginginig pa rin ang mga tuhod niya. Nang kumuha sila ni Spring ng marriage contract, ang binalak lang nila ay magpakasal sa huwes. Pero kaninang umaga, may mga tao na dumating para ayusin at pagandahin ang beach side ng resort na iyon para sa magiging seremonya ng kasal nila... mamayang gabi na. Sumilip siya kaninang tanghali sa beach side. May mga puting silya na naroon na nakahati sa kaliwa at kanan, at may pulang carpet sa nabuong aisle. May arko na puno ng bulaklak kung saan marahil sila tatayo sa harap ng Judge. Ang mas nakakagulat pa, handa na ang lahat mula sa isusuot nila ni Spring hanggang sa Judge na magkakasal sa kanila. Sa nakikita niya, kahit ngayon pa lang s-i-n-e-set-up ang lugar ay m

