NAKAUPO sa backseat ng Pajero ni Winter si Summer. Ito ang magmamaneho niyon pauwi, habang sina Autumn at Spring naman ang magkasama. Hindi na raw itatago nina Autumn at Spring ang relasyon ng mga ito kahit pa hindi iyon matanggap ni Tita Sophia. Ngayon, ang problema ay siya ang mananagot sa oras na malaman nina Tita Sophia at Tito Teodoro ang pagsisinungaling niya sa mga ito. Well, sigurado namang hindi siya pababayaan ng mga kaibigan niya. Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, ibang problema ang pinoproblema niya ngayon. At kasalanan iyon ng mga labi niya na hindi makalimot. Lasing lang si Winter kagabi, Summer, pangungumbinsi niya sa sarili. "Summer, paalis na kami. Kayo ba?" Nalingunan niya si Spring na nakasilip sa nakabukas na bintana sa gilid niya. Binigyan niya ito ng alang

