Five: Curiosity kills the cat
Every Rose Has Its Thorn
Gaia Rowen
“You should be careful, Ma’am.’’
Kumunot ang noo ko’t hindi naging malinaw sa akin pandinig ang sinabi nito. ‘‘Sorry?’’
‘‘It’s about that student,’’ kaagad niyang sambit. Inayos nito ang buhok at inipit sa likod ng tainga ang iilang hibla noon.
‘‘Si Mr. Chevalier? Why? Do you know him, Ma’am?’’ punong-puno nang kuryusidad kong gagad. Bigla tuloy akong naging interesado sa pag-iisip na baka may sagot na sa mga katanungan ko sa klase ng pagkilos ng lalaki.
‘‘Not exactly. . . pero may mga balita kasi.’’ Inilapit nito ang bahagya ang bibig sa aking tainga kaya mabilis ko ring pinihit ang katawan palapit dito. ‘‘He’s a career wrecker daw.’’
Sa segundong iyon, kahit gaano pa ako naiinis sa ginagawang pangungulit ng lalaki, pinili ko ang pumanig kay Thorn. Wala akong alam. Hindi ko alam kung ano marahll ang nangyari, hindi ko alam kung ano ang punot-dulo ng nickname niyang iyon pero nagawa kong makita ang sarili sakanya.
He was branded by some funny names na hindi ko alam kung ginusto ba niya talagang mangyari.
I was like that too, back then.
Samu't saring mga nahindik-hindik na pangalan ang itinatawag ng mga kaklase ko sa akin.
Mad woman.
Baliw.
Delulu dahil isa raw akong delusional.
Napakaraming mga gawa-gawang pangalan akong narinig kahit pa ang gusto ko lang naman noon ay mabigyang hustisya ang pagkawala ng aking mga magulang.
‘‘Career wrecker?’’
Bahagyang natawa ang babae sa tanong kung iyon. Kung kanina ay seryosong-seryoso ang mukha niya, ngayon naman ay parang ayaw na ayaw na niyang pag-usapan.
‘‘Marami siyang mga issues sa previous teachers niya, Ma’am,’’ sagot pa nitong muli bago sinimulang itago ang mga gamit nito at isinukbit ng bag. ‘‘Basta, mag-iingat ka, Ma’am.’’
Hindi ko na hinabol pa ang babae. It would be weird if I did that. Tinanggap ko na lang iyon bilang payong kaibigang hindi ko dapat masamain.
Muli kong hinarap ang salamin. Ilang minuto na ang nagdaan pero tumatako pa rin sa sip ko ang mga salitang career. . . wrecker. Too attain that name, sigurado akong naging malaking issue iyon sa school.
At kung naging malaking issue iyon, there’s no way that wouldn’t find out.
Naging mapayapa ang sumunod kong mga klase na labis kong pinagpaasalamat. In fact, ganoon naman talaga ang lahat ng naging klase ko. Nagkaproblema nga lang dahil nasira ang mood ko sa piakikipagsagutan kay Thorn.
Hindi naman ako gaanong napagod but I look forward on resting to the office when Febie popped up right in front of my face.
‘‘Boo!’’ Iyon na lang ang nasabi nito sa sobrang pagtawa.
Tinaasan ko lang ito ng kilay bago balingan ng atensyon si Feijo na busy sa paglalaro sa hawak nitong robot. Kinarga ko ang bata at dali-daling pumasok sa sariling sasakyan dahilan para sumunod naman si Febie.
‘‘How is your first day of school, Teacher Gaia?’’ mataas ang energy nitong pang-aasar.
Inirapan ko lang ang babae at nginisian. ‘‘Annoying. . . ’’
‘‘Antayin niyo na lang ako rito. I’ll go get my things then we’ll have diiner,’’ mabilis kong pagpaplano. Hinalikan ko sa noo si Feijo kaya naman humalakhak ito.
‘‘Teka, nagpunta kami rito para maglibot. Aalis na tayo agad?’’
‘‘Febie, we will do it next time. . . okay? I am so exhausted. . . and hungry.’’
‘‘I bet you are.’’
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit. Wala pa sa faculty roon ang ilang mga ka-batch ko at hindi ko na rin sila maaantay para makapagpaalam. I need to drive Febie away from here dahil kung hindi ay hahalughugin lang nito ang lugar.
Nasa parking space na ako nang eskwelahan nang marinig ko ang isang maiksing alarm ng sasakyan.
Hindi ko na sana pagtutuunan pa ng pansin nang makita ang isang napakagarang sasakyan.
Alam kong isang private school ang DJC at maiintindihan ko kung halos nagkakaagawan pa ng parking space sa sobrang daming sasakyang pumapasok dito araw-araw pero hindi ako halos makapanila nang makakita ako ng isang Bugatti La Voiture Noire sa mismong lugar.
That is insane!
Ilang beses lang ata akong nakakita ng sasakyang ganoon sa buhay ko—lahat galing sa internet. Ito ang unang beses na makakakita ako nang itim na itim na modelo.
Nakakagulat na nakaka-excite pero tuluyan nang nalaglag ang panga ko nang makita ko ang lalaking biglang pumasok roon.
Isang lalaking matangkad na nakasuot ng mamahaling jacket mula sa isa sa mga pinakasikat na brands ng mga damit ang pumasok sa napakamagarbong sasakyang iyon.
‘‘Mr. Chevalier. . . ’’
Lolokohin ko ang sarili kung sasabihin kong hindi ako namangha sa nakita. That would be a big insult sa presidente ng school. Mas mahal pa sa sampung taong tuition ng sampung estudyante rin ng paaralan niya ang sasakyan ng isa sa mga estudyante rto.
‘‘Damn. . .’’
Mabilis akong napatalon nang isang malakas na busina ang narinig. Kaagad ko iyong binalingan at bumagsak na lang ang balikat ko nang makimprmang si Febie iyon.
‘‘I thought you were hungry? Nnagawa mo pang manilip ng pogi–’’
‘‘Shut up, Fely!’’
Sinimulan ko na ang pagmamaneho. Napansin kong komportable naman na si Feijo sa kinauupuan hanbang pinapapak ang paborito nitong tsokolate.
‘‘Who is he, huh?’’
Napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko nga ba makakalimutan na puputi na lanh ang lahat ng buhok ko sa labis at hindi matitigil na pangungulit ng babae. Kaya bago pa mangyari iyon ay siguradong wala akong ibang choice kundi ang ikanta rito ang lahat.
‘‘Wala, isa lang sa mga estudyante ko–’’
‘‘Who?’’
Nanatili ang tingin ko sa daan. Nasanay na rin siguro akong magkwento sa babae kahit na hindi tumitingin sa mismong mukha nito dahil iyon na lang palagi ang aking ginagawa. ‘‘Some Chevalier. Hindi naman siya ang tiningnan ko. I was just fascinated sa kotse–’’
‘’He’s Thorn Chevalier, right?’’
Bahagya akong napaaling sa kaibigan. ‘‘Huh? How did you know him?’’
‘‘Who wouldn’t know him?’’
Obviously, me.
Una sa lahat sino ba siya at bakit parang required siyang kilalanin?
‘‘Why would you know someone who’s minor?’’ puno ng akusasyon kong sambit.
‘‘He’s nineteen,’’ pagtatama naman nito sa akin.
‘‘Who’s nineteen?’’
‘‘Si Thorn!’’ natataranta na nitong sigaw na halos ikatawa ko. ‘‘He is ninteen yet he is so so so big–’’
‘‘Febie, naririnig ka ng anak mo.’’
Nilingin ko muna ang nagvibrate na cellphone at bumungad doon ang text ni Tita Dap, saying she’s out at magdala na lang daw ako ng pasalubong para sa inuman at kwentuhan mamayang gabi.
‘‘Well, anyway, it’s just a random incident. Kaya nga hindi ko alam kung bakit career wrecker na ang tawag sakanya ngayon. Hindi naman nga niya nilapitan ‘yung babaeng iyon sa una. Marami ang speculations na ang bababe ang lumapit sakanya. Fudge! That’s just disgraceful!’’
Naglaho ang ngiti kong dahil sa mensaheng iyon ni Tita dap. Nanghihina kong ibinaba ang cellphone at hinarap ang kaibigan.
So. . . so that is really a big issue?
‘‘What did you say? Anong career wrecker? Bakit career wrecker? And. . . disgraceful?’’
Kagad kong iginilid ang sasakyan bago mariing tiningnan muli ang kaibigan. Ngayon tuloy ay mariin nang nakatikom ang bibig niya.
‘‘Febue, tell me.’’
Napabuntong-hininga na lang si Febie at bahagyang iginiya ang anak para makaupo nang maayos bago tapatan ang tingin ko.
Alam niya rin kasing pareho lng kaming dalawa. Hindi pwedeng hindi namin malaman ang isang bagay kapag nagsimula na iyong gumulo sa sistema naming lawa.
‘‘Hay, you are hopless. Palagi ka na lang huli sa mga usap-usapan.’’
Ako naman ang nataranta ngayon. ‘‘Go, tell me what happened.’’
‘‘Well. . . it’s nothing much.’’ Binato kong muli nang matalim na tingin ang babae. ‘‘It’s just that this one person took a video of Thorn torridly kissing his teacher in a bar.’’