Six: Hidden hero

1796 Words
Six: Hidden hero Every Roe Has Its Thorn Gaia Rowen Maayos naman ang naging tulog ko kinagabihan. Siguro ay dahil na rin sa pagod sa unang pagbubukas ng klase pati na sa naparami rin ang nainom namin ni Tita Dap kagabi. Kaya lang, nang magawa kong muling imulat ang mga mata ay saka rin naman pumasok sa isip ko ang napag-usapan namin ni Febie kahapon. It was horrifying. Hindi ko alam kung ano ang stand at ano ang magiging reaksyon ko dahil sa pag-uusap na iyon. Hindi ko alam kung ano marahil ang iisipin doon pa lang sa pinag-iingat ako ng isang co-teacher. ‘‘Febie, tell me.’’ Napabuntong-hininga na lang si Febie at bahagyang iginiya ang anak para makaupo nang maayos bago tapatan ang tingin ko. Alam niya rin kasing pareho lng kaming dalawa. Hindi pwedeng hindi namin malaman ang isang bagay kapag nagsimula na iyong gumulo sa sistema naming lawa. ‘‘Hay, you are hopless. Palagi ka na lang huli sa mga usap-usapan.’’ Ako naman ang nataranta ngayon. ‘‘Go, tell me what happened.’’ ‘‘Well. . . it’s nothing much.’’ Binato kong muli nang matalim na tingin ang babae. ‘‘It’s just that this one person took a video of Thorn torridly kissing his teacher in a bar.’’ Laglag man ang panga ay nagawa ko pa ring makapagsalita. ‘‘What do you mean ‘it is nothing much’?’’ Maraming espekulasyon ang tumatakbo sa isip ko. That isn’t just appropriate. Lumaki akong mulat sa mga tama at mali sa propesyong ito dahil sa ina kaya alam kong maaaring maging mali iyon. ‘‘Well. . . the thing is that, teacher niya kasi iyon. And then, everybody blaming him na for something na akiramdam ko ay ginusto rin naman ng teacher,’’ sagot pa ng babae. Napailing-iling ako dahil hindi ko pa rin maipagkonekta ang lahat. Hindi pa rin malinaw sa akin ang nalaman. ‘‘Come on, tell me more. Elaborate.’’ Tumawa nang malakas ang babae. ‘‘OA, ha? Ano ‘to recitation?’’ Mariing titig lang ang ibinigay ko rito. Binuhat ko si Feijo upang kalungin at laru-laruin habang nakikinig. ‘‘Wala akong masyadong alam, kaya nga I am giving him the benefit of the doubt. Basta. . . pumutok bigla ang issue dahil sa kumalat na video. Natanggal ata ang babae sa school na pinagtatrabahuhan, naging bitter at hayun, kung ano-ano na ang sinabi tungkol kay Thorn kahit pa duda ko naman ay mutual naman ang relatioship. She also posted na ganoon na talaga si Thorn, mahilig daw lumapit sa mga teacher niya at manira ng career—which is wla pa namang basis. Then, si Thorn. . . ayun, he was forced na lumipat ng college bago pa siya i-expel. Hindi ko alam na sa DJC pala siya mapupunta. Tumahimik lang siya sa issue at tinanggap iyong kung anek-anek ng teacher,’’ tuloy-tuloy na kwento ng aking kaibigan. ‘‘Ayun lang naman ang alam ko. Humupa na rin naman sa socmed. Isa pa,malakas din naman kasi ang backer—’’ ‘‘What do you think?’’ Hindi ko na pinatapos ang babae nang magsalita akong muli. ‘‘Career wrecker ba talaga ang Chevalier na iyon?’’ ‘‘Girl?’’ intrada niya. ‘‘Huwag tayong judgemental, okay? Teacher ka niya kaya dapat hindi maapektuhan ang pagtrato mo sakanya dahil lang dito–’’ ‘‘I know that. . . I just. . .’’ ‘‘Guts ko lang, feeling ko. . . kung may kasalanan man ang batang iyon ay dahil sa teacher napunta ang atensyon niya. Naniniwala akong mutual ang relationship kasi makikita sa video na hindi siya pinilit. It was actually confirmed na hindi lasing si thorn noon at malinaw na si teacher ang nag-initiate ng kiss dahil daw sa kalasingan. See? Kilala ako bilang galit talaga sa kahit na sinong lalaki, but I can’t bring myself to be mad at that kid, kasi parang may mali at unfair. Nakuha ni Thorn ang lahat ng blame." Nagpakurap-kurap ako sa salamin ng banyo habang naliligo at naghahanda para sa panibagong araw sa eskwelahan. Tama si Febie. Kailangang kalimutan ko na dapat ang kwentong iyon at hindi na dapat ma-curious pa. Hindi rin ako puwedeng magbigay ng opinyon sa isang bagay na hindi ko naman alam ang kabuuang istorya lalo pa’t hindi kung sino lang ang involve roon. A teacher. . . and my student. ‘‘Ibaon na natin ang bagay na iyon sa limot, Gaia. . .’’ pakiusap ko sa sarili. Ang hindi ko lang kasi nagustuhan simula pa kahapon ay iyong paraan ng pagtawag nila sa lalaki bilang career wrecker. Dahil sa una kong impresyon sa lalaki, masasabi kong hindi iyon ang unang nakipag-away siya sa ilan pang mga kalalakihan. Alam ko ay trinato na niyang punching bag ng ibang lalaki ang katawan niya sa ilang ulit na pakikipagbubugan sa mga ito pero hindi ko siya makita bilang isang taong sisira sa buhay ng isang tao talaga. For now, just like what the teacher could really do, I will stand by his side muna pero ipapangako kong aaralin ko ang kung anong nangyari sa nakaraan. Maaga ang unang klase ko ngayong araw kaya naman alas siete y media pa lang ay nasa kalsada na ako't nagmamaneho. Hindi naman ako iyong istrikta talagang teacher pero mas mabuti nang sinasanay ko ang sarii sa unang taon pa lang. Malalim ang naging pagbuntong-hininga ko nang tinatahak ko ang daan patungo sa classroom ng BSA 1 habang patuloy pa ring kinukumbinsi ang sariling kalimutan na ang isyu. I am his teacher. I am a facilitator of his learning at kung mayroon man akong dapat na gawin, iyon ang turuan at bigyan silang lahat ng aral sa abot ng aking makakaya. ‘‘Good morning, BSA 1,’’ masigla kong bati na agad nilang sinegundahan. Hindi ko nakita si Thorn sa upuan kaya bumalik na naman tuloy ang kung ano-anong naiisip. ‘‘Nakapagpahinga ba kayo pagkatapos ang unang araw ng klase?’’ Iyon palagi ang gusto kong gawin. Gusto kong ma-settle muna ag mga bata at gumaan ang atmosphere na nasa classroom bago tuluyang magturo. Nasiyahan din akong naisaayos na nila ang harang namin—ako bilang teacher nila at sila, bilang estudyante ko—kahit pa sa aming age differences. ‘‘Please form your groups now,’’ marahang utos ko sa mga ito na kaagad din nilang sinuod. Napahinto nga lang ang iilan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Thorn na may mga galos at iilang butil ng dugo ang mukha. Mabilis na nag-iwas ang tingin ang mga kaklase nito na para bang sanay na sa nakikita at kilalang-kilala na nila ang lalaki. May iilan naman na natakot. Ang iba, katulad na lang ng mga kaklaseng katabi nito kahapon ay nag tanong na siyang nginisian lang ng lalaki. Akmang uupo na ito sa napiling grupo kahit pa hindi niya naman alam ang gagawin ay hindi ko na napigilan ang sariling magsalita. ‘‘Labas.’’ Nagpakurap-kurap ito sa akin. ‘‘Huh?’’ Hindi pa sana ito kikilos kung hindi siniko ng lalaking kasama. Mabilis ko itong tinungo at nagpunta rin sa labas para makipag-usap. Kung kaya ng iilan na iwasan na ng ng tingin ang itsura ng lalaki ngayon, ako, bilang guro ay hindi hahayaang basta na lang magbulagbulagan sa nangyayari. ‘‘What happened?’’ Ngumiti lang muli ang lalaki at umiling na para bang makukumbinsi niya ako sa lagay na iyon. ‘‘Walk. We’ll go to the clinic. Get treated first at saka mo sabihin sa akin ang nangyari. Kung hindi, drop my class.’’ Nauna akong naglakad patungo sa clinic. Napanatag ako nang makita kong nakasunod naman sa akin si Thorn. Nang makarating ay mabilis naman siyang inasikaso ng nars na naroon. Kung ano anong ointment ang nilagay roon ng nars. Naglagay din ito nng bandaid sa iilang mga malalaking sugat. Pinagkrus ko ang mga braso sa tapat ng dibdib nang makalis ang nars sa silid. Hudyat na nag-aantay na ako ng kwento niya kung gusto niya pang pumasok sa klase ko. Then, I’ve waited. Kitang-kita ko ang pagdadalawang-isip nitong ibuka ang bibig pero nagkunwari akong seryoso at istrikta. ‘‘Well. . . uh, I was. . . I found. . .’’ Pagkatapos noon ay hindi na ako nagsalita. Ibinaba ko sa gilid ang mga kamay at naghanap din ng mauupuan para ipakita sa batang handa akong makinig. ‘‘Sinuntok ko sila. . .’’ Hindi mapalagay ang tingin nito sa akin. Mukhang tinatantya nito ang ekspresyon. ‘‘Sinugod ko sila.’’ ‘‘Then, si Thorn. . . ayun, he was forced na lumipat ng college bago pa siya i-expel. Hindi ko alam na sa DJC pala siya mapupunta. Tumahimik lang siya sa issue at tinanggap iyong kung anek-anek ng teacher.’’ Biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang iyan mula sa kaibigan. He was actually like this. Talagang mananahimik lang siya at hindi sasabihin ang totoong issue. Gusto kong itanong kung bakit dahil naniniwala akong hindi niya iyon basta gagawin. He might be threatened, triggered. . . o kahit na ano pa mang rason. Hindi ako naniniwalang basta na lang siya sumugod at nanutok ng walang dahlan. ‘‘They are filming some women’s legs,’’ bigla niyang sabi na labis kong kinagulat pagkatapos ay nag-abot sa akin ng isang cellphone. ‘‘Papasok na ako, Ma’am.’’ Sa gulat ay hindi ko na ito napigilan kahit mas dumami ang katanungang namuo sa isip ko. Humigpit na lang ang pagkakahawak ko sa cellphone na binigay ng lalaki. Wala na iyong lock nang mabuksan ko. Hindi ko man alam kung pagmamay-ari iyon ni Thorn ay nagdere-deretso ako sa gallery para makumpirma ang totoo. Napahawak na lang ako sa bibig sa biglaang paglaglag ng panga. Mula sa hawak, kitang-kita ko ang pagkuha ng may hawak ng cellphone na ito ang hita patungo sa pagitan ng mga ito ng isang babae bago biglang magkagulo. Sa tingin ko ay napadpad ang cellphone sa kung saan kaya wala ng ibang nakita sa screen. Rinig lang mula roon ang mga boses ng lalaki pati na ang pwersa ng mga suntok. ‘‘Magkita tayo sa presinto, gago!’’ sambit pa ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin ang boses bago tuluyang umangat ang cellphone at huminto ang video.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD