''MISIS, huwag po kayong matakot. Naparito kami upang mag-abot ng kaunting tulong,'' wika ng isa sa mga babae. Nakapuyod ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng salaming may grado. ''Oo nga, Misis.'' Nangingiti namang sabi ng lalaking mahuhulaang kagagaling lang sa barbero dahil sa ilang maiikling hibla ng buhok na nakadikit sa gawing batok. Namumuo pa ang pulbos nito dahil sa pawisang balat. ''Proyekto po ng ating pamahalaan ang maging kaagapay ng mga kababayang nating kapus palad, at isa po kayo sa masuwerteng napiling mabiyayaan ng tulong pinansiyal mula sa aming tanggapan. Mayroon po ba kayong valid I.D. o sariling pagkakakilanlan? Kailangan lang po para makumpirma kung sino ang makakatanggap. Standard Operation Procedure po kasi sa 'taas'.'' Nakangiting sabi ng babaeng ang buhok ay t

