KATHRYN POV Napapikit na lang ako ng maalala ko ang ginawa namin kagabi, galit ako pero dahil sa letseng Montesso na yun nadala ako. Ibang klase magselos, hindi man lang ako tinanong kung ano ko ba ang lalaking yun. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko ng maalala ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Kevin. Humanda ka sa akin, hindi lang ako mananahimik sa gilid. Hindi ko akalain na ikaw ang makakagawa ng bagay na iyun. Palabas sana ako ng office ko ng mapaatras uli ako ng pumasok ang mag-ina. “Anong kailangan niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa. Napatingin na lang ako sa dalawang pulis na pumasok din at isang matandang lalaki na sa tingin ko ay lawyer nila. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila, ngumisi lang naman sa akin si Ellise. “Ano pa ba sa tingin mo? hindi ko hahayaa

