Salubong ang mga kilay ko habang pinaglalaruan ko ang hawak kong ballpen. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito, sinusundan nila ako kahit nasaan ako at sa tuwing nasa paligid ko si Kevin ay nandun din sila. Nagulat talaga ako ng makita ko siya kanina, siya ang lalaking humila sa akin sa eskinita na iyun. FLASHBACK “Hindi ka dapat naglalakad ng mag-isa mo lang, araw man o gabi.” “Kevin,” banggit ko sa pangalan niya. Inalis niya naman ang sombrero niya at tuluyan ko ng nakita ng buo ang mukha niya. “Ako nga, hindi na dapat ako bumalik pa, hindi na dapat ako magpapakita pa sayo pero noong nalaman kong muli ka nanamang ipapadakip pinili kong magtrabaho kung saan ka malapit para makita lang kita. Mag-iingat ka Kath, sa mga oras na ‘to hindi ka ligtas.” “Ito pa rin ba ang trabaho mo

