Inalalayan ako ni Xandro na bumaba ng sasakyan, nang papasok na kami sa event ay ikinawit ko na ang kamay ko sa braso niya. Nakangiti kaming dalawa sa bawat pagflash ng camera. Sa labas pa lang alam mo ng bongga ang party na ito, Grey’s group is one of the largest company too kaya hindi mo sila makikitaan na nagtitipid sa anong klaseng event nila. “Good evening Ms. Cruz and Mr. Montesso.” Bati sa amin ng mga negosyante rin, hindi ko sila lahat kilala pero kilala nila ako. “Good evening too, Sir.” ngiting bati ko sa kaniya. Nagpatuloy pa kaming dalawa sa paglalakad at halos walang kasawahang batian lang ang nangyari. Nang matapos ay iginiya na ako ni Xandro sa isang lamesa para makaupo. “You want drink?” tanong niya na tinanguan ko na lang. Pakiramdam ko kasi natuyuan ang lalamunan ko s

