“Wala ka pa ring nalalaman?” tanong ko kay Denzel ng makapasok siya sa office ko. “Wala pa, sa ngayon wala pa rin siyang lead.” Mahirap talagang hanapin kapag wala man lang clue tungkol sa kaniya, si Xandro ang alam ko noon pero ngayong parang wala talaga siyang alam hindi ko alam kung sino pa ang pwede kong panghinalaan bukod sa Mommy at asawa niya. “Kailangan natin siyang maunahan, dapat bago niya malaman kung sino ang may pakana tayo muna ang makaalam.” “Masusunod, siya nga pala hindi mo na ba aalamin ang mga susunod niyang gagawin para sa kompanya?” “Wala na akong pakialam dun, magfocus na lang tayo na hanapin ang may kagagawan ng nangyari sa akin noon. Nawalan na siya ng mana pero ang malala sa anak ko naman napunta.” Napahilot na lamang ako sa noo ko dahil sa tuwing naaalala ko

