“This is the best night ever.” Masayang sambit ni Xander, kanina pa sila tapos kumain na ngayon ay nasa park na sila at naglalakad lakad lamang. “Are you happy baby? cause I am happy to be with you and your Mommy.” Nakangiting saad ni Xandro, inililibot na lamang ni Kath ang paningin niya sa paligid. Maraming mga pamilya rin ang naglalakad kahit sa ganitong oras na. Hindi naman masamang maging makasarili minsan, alam niya namang hindi sila priority, hindi priority ang anak niya dahil ang batas ay batas pa rin, lumalabas na kabit pa rin siya. Mahina naman siyang bumuntong hininga, handa siyang makipaglaban para sa anak, karapatan din naman nitong magkaroon ng ama kahit naman na minsan lang okay na yun sa kaniya, kahit kaunting oras lang pero hindi niya naman pipilitin ito para lang bigyan

