Inalis ko na lang sa isipin ko yun at itinuon ang atensyon sa mga papel pero kahit na anong gawin ko para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa tenga ko kaya lumabas na lang muna ako ng opisina ko para makabili ng malamig na tubig, may dispenser naman sa loob ng office ko pero mas gusto ko pang bumili para makapaglakad-lakad. Panay ang bati at yuko nila sa akin kapag nakakasalubong ako, wala naman ako sa mood na batiin sila pabalik. Bumili naman na ako ng tubig saka sumandal sa counter at uminom, bakit ba napakainit ng panahon ngayon. “Wala na po ba kayong tubig sa office niyo ma’am? palalagyan na lang po namin.” inilingan ko naman yung staff na nagsabi nun. “No need, may tubig pa naman pero mas gusto ko lang munang maglakad-lakad.” Tumango na lang naman siya saka bumalik sa ginagawa n

