“What are you doing here? I mean where have you been?” lihim akong napangisi, where have I been? Bakit? Nagulat ka ba dahil nakita mo ang isang multo sa iyong nakaraan? Ang taong pinapatay mo noon ay nandito ngayon sa harapan mo at buhay na buhay? Gusto kitang sampalin, gustong ibuhos sa pagmumukha mo ang hawak kong wine, gusto kitang saktan pero kailangan kong manatiling kalmado. Ayaw kong ipakita sayong masyado akong naaapektuhan ng pagkatao mo, hinding hindi kita mapapatawad Xandro.
“I’m invited here, bakit hindi ba ako pwede rito?” kalmado kong tanong sa kaniya kahit na napapahigpit na ang hawak ko sa wine glass.
“Not that, ang tagal mong nawala. Saan ka ba nanggaling? Ilang taon kitang pinahanap.”
“Hahahahaha.” Tawa ko ng dahil sa sinabi niya, gusto kong tumawa ng tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan ko. Ano raw? Ako pinahanap niya. Malamang ipapahanap mo talaga ang katawan ko at gusto mong masiguro na patay na nga talaga ako.
“What’s funny?”
“Nothing, I’m just happy. Bawal bang maging masaya?” napatikhim naman siya at ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Gusto ko na lang umuwi at yakapin ang anak ko. No! This is what I want right? Hindi ako aatras, hindi ka na mahina at talunan Kath.
“You’re cold, did I disturbed you?”
“Yes,” prangka kong saad sa kaniya. Napatikhim naman siya sa sinabi ko at uminom ng kaniyang wine saka humarap na rin sa maraming tao.
“I’m sorry then,” hindi ko na lang siya sinagot at muli pa akong nagsalin ng wine na ikinalingon niya. “Hindi ba masyado ka ng maraming naiinom?”
“Why do you care anyway?” irap kong saad sa kaniya. Hindi ko inaasahan na mas mapapaaga pa pala ang pagkikita naming dalawa. He’s acting like he’s really concern to me. Sa pagkakaalala ko ay pinagbintangan mo pa ako sa katangahan ng fiancé mo or maybe wife na ngayon, it’s been 6 years. Muli kong nilagok ang kasasalin ko lang na wine, ramdam ko na ang mainit nitong paghagod sa lalamunan ko. Napahawak na lamang din ako sa batok ko ng magsimula ng mang-init ang katawan ko ng dahil sa alak.
“How are you? it’s been 5 or 6 years ng hindi na kita makita. What happened to you?”
“Ano pa bang pakialam mo kung kamusta na ako? Kung anong nangyari sa akin o kung saan ako nanggaling? Wala ka ng pakialam sa buhay ko Alexandro.”
“Alexandro? Hmmm.” Pilit ang ngiting iginawad niya ng banggitin ko ng buo ang pangalan niya. Ano pa bang aasahan niya sa akin? Hindi niya na ako maaaway ng dahil lang sa tinawag o binanggit ko ng buo ang pangalan niya. “I am just asking Kath, wala na akong balita sayo simula noong araw na yun.”
“Ano bang gusto mong gawin ko? Ang magmakaawa sayo na parang tanga para hindi mo ako iwan? Ang marinig ko pa ba sayo na ginamit o niloko mo lang ako habang may hinihintay ka? Look Mr. Montesso, I am not a child anymore to act like that. Malinaw na sa akin na magkakaanak ka with your fiancé.”
“Kath please listen—“
“Ngayon kung wala ka ng sasabihin, excuse me. Wala na akong kailangan pang marinig mula sayo” pagpuputol ko sa sasabihin niya. Hahawakan niya sana ang braso ko ng mabilis kong inalis yun at tinalikuran siya. Hintayin mo lang ang pakikipaglaro ko sayo Xandro, hintayin mo lang dahil hindi pa lang ako nagsisimula.
“Kath,” tawag sa akin ni Sheila ng makita niya na ako. “Kumain ka na?”
“Oo kaunti, ikaw kumain ka na ba?”
“A little, siya nga pala Sila Mr. Valerozo, Mr. Magos...” nagpatuloy ang pagpapakilala niya sa akin na mga bigating negosyante. Hindi ko alam na ganun na rin pala nila ako kilala kahit na nasa Canada ako at ang negosyo ko ay nasa Pilipinas.
“Oh siya nga pala si Mr. Montesso. Mabuti at nakadalo ka iho.” Napatingin na lang ako kay Xandro ng lumapit siya sa pwesto namin. Iniwas ko na lamang ang paningin ko sa kaniya ng makita ko siyang nakatingin sa akin.
“Nice to meet you Mr. Montesso” inilahad ni Sheila ang kamay niya kay Xandro at nagshake hands sila. Ngumiti na lang din ako at inilahad sa kaniya ang kamay ko.
“Nice to meet you Mr. Montesso, I heard a lot about you. The youngest billionaire huh?” kunot noo niya akong tiningnan maging ang nakalahad kong kamay.
“She’s Kathryn Cruz iho from Canada.” Pagpapakilala sa akin ni Mr. Magos. Inabot naman na rin ni Xandro ang kamay ko at nginitian siya habang nanatiling seryoso ang kaniyang mukha. Akmang aalisin ko na sana ang kamay ko ng higpitan niya ang pagkakahawak dun. Bahagya na lamang akong natawa pero naiinis na ako. Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ngumiti sa kanilang lahat pero tiningnan ko lamang siya ng pamatay kong tingin.
“Well hindi na namin tatapusin ang party, enjoy your night guys, mauuna na kami ni Kath.”
“Bakit ang aga naman?” napatingin naman kaming lahat kay Xandro ng sabihin niya iyun. “Don’t get me wrong, wala pa tayo sa kalagitnaan ng party para umalis kayo agad.”
“Well, nice meeting you Mr. Montesso but we have a important things to do. Good night everyone.” Usal ko bago kami tuluyang tumalikod ni Sheila. Napapangisi na lang ako sa inaakto ni Xandro.
“Hindi ko akalain na mapapaaga ang pagkikita niyong dalawa.” Saad ni Sheila ng makasakay na kami sa limousine namin.
“Yeah, me too pero hindi naman na rin ako magtataka kung nandun nga siya sa event na yun.”
“So, what’s your plan?”
“Yung dati pa rin, sa pagkakaalam ko ay hindi pa rin sa kaniya naipapangalan ang kompanya ng Lolo niya kahit na may anak na siya kay Ellise. Gusto ng Lolo niya na mapatunayan ni Xandro na karapat-dapat nga siyang mamahala sa kompanya.”
“So what are you going to do?”
“Sisirain ko ang buhay niya, ang buhay nilang lahat. Ako ang magiging hadlang sa buhay niya, hindi ko hahayaang maabot ni Xandro ang expectation sa kaniya ng Lolo niya. Uunahan ko siya.” napakuyom ko na lamang ang aking mga kamao, hindi ko hahayaang gumanda ng tuluyan ang buhay mo Xandro, kayo ng pamilya mo. Ang manang inaasam ng iyong ina ay hinding hindi magiging sayo.
Nakarating kami ng bahay at hindi naman na kami nag-usap ni Sheila. Dumiretso na kami sa kaniya-kaniya naming mga kwarto. Ibinabad ko naman na muna ang katawan ko sa tubig ng sa gayon ay makatulog ako ng mahimbing ng hindi iniisip si Xandro. Hanggang ngayon kumukulo ang dugo ko sayo, sa tuwing naaalala ko ang pagtangka mong pagpatay sa amin ng anak mo. Kailan man ay hindi ko iyun mapapatawad. Paluluhurin kita sa harapan ko, gagapang ka sa hirap at sisiguraduhin kong mahahawakan mo ang malalamig na bakal sa loob ng selda. Hindi ko rin mapapatawad ang ina at fiancé mo, gagawin ko rin sa kanila kung anong ginawa nila sa akin. Hintayin niyo lang ako, gagawin kong impyerno ang buhay niyo, ako ang magsisilbing satanas ng buhay niyo habang nandito kayo sa lupa.
***
Maaga akong nagising at naligo na rin, mahimbing pa namang natutulog ang anak ko kaya hindi ko na lang siya ginising.
“Good morning ma’am.” bati sa akin ng katulong ko.
“Good morning.” Naupo na ako sa upuan at pinagtimpla niya naman ako ng kape. Ngayon ang araw na magkakaroon ng meeting ang mga investors sa bagong branch ng kompanya nila Xandro, I wonder what will happen today. Pinagkakatiwalaan ko naman ang mga tao ko sa kompanya ko kaya wala akong dapat ikabahala beside nachecheck ko naman iyun bago ako matulog sa gabi. Ipinapahatid ko na lang din sa secretary ko ang mga papeles na kailangan kong pirmahan dito sa bahay.
“Good morning, ang aga mo yata.” Rinig kong boses ni Sheila. “One coffee please.” Utos niya pa muna sa katulong bago ako tuluyang hinarap.
“So, what’s your plan today?” sumimsim na muna ako sa kape ko bago ko siyang sinagot.
“Ngayon ang araw ng meeting namin sa Montesso’s company.” Napapangisi na lamang ako sa pwedeng mangyari ngayon.
“What’s with that smirk dear?” mapanglokong tanong sa akin ni Sheila. Umiling na lang ako sa kaniya saka muling sumimsim sa kape ko at ganun na rin siya. Iniisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon niyo kapag nakita niyo ako mismo sa kompanya niyo natutuwa na ako.
“Good morning mommy,” namamaos pang saad ng anak ko. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya na halatang bagong gising.
“Good morning baby, how’s your sleep?”
“Good,”
“Hmm, good to hear that. What do you want? Milk or chocolate?” binuhat ko naman na siya saka siya pinaupo at naglabas ng ititimpla sa kaniya.
“I want chocolate mommy.” Kinuha ko naman ang chololate flavour saka nagtimpla ng para sa kaniya.
“You’re going to your school na right?”
“Yes Tita Mommy,”
“Good luck, galingan mo okay?”
“Of course Tita Mommy, I will get you a five stars.” Natawa na lang din ako sa anak ko ng ipakita pa niya ang limang daliri niya kay Sheila. Tita Mommy ang tawag niya dahil yun ang gusto ni Sheila na itawag sa kaniya ni Xander.
Ininom niya naman kaagad ang iniabot ko sa kaniya. Nang dumating na ang oras ay humalik na ako at nagpaalam sa anak ko. Alam ko namang hindi siya mabobored dahil papasok siya sa school niya, he’s grade one now.
Naghiwalay na rin kami ni Sheila ng daan ng lumiko na siya para pumasok sa kompanya niya. Ipinark ko na rin ang sasakyan ko sa isang VIP parking lot saka naglakad patungong kompanya ni Xandro. Isinuot ko naman na ang sunglass ko saka nagpatuoy. Malayo pa lamang ay kita ko na ang malaking ngiti ni Joan, Xandro’s mommy. Napangisi na lang ako dahil malugod niyang binabati ang lahat ng mga pumapasok sa loob ng kompanya nila.
Pumwesto na ako sa pinakangdulo at hinayaang mauna na ang ibang makikimeeting din ngayon.
“Good morning ma’am, nice to see you here.” Bati niya sa akin, inalis ko naman ang sunglass ko saka ko siya tiningnan at nginitian.
“Nice to see you too.” Ang kaninang malapad na ngiti niya ay nawala ng makita niya ako.
“What are you doing here?” galit niyang tanong sa akin, inilagay ko naman na muna sa bag ko ang hawak-hawak kong sunglass.
“What do you think?”
“Hindi ka nababagay dito, anong kailangan mo. Hindi ka imbitado sa kompanya ko kaya umalis ka na.”
“Bakit ako aalis? Dito naman talaga ang tungo ko.”
“Guard! Paalisin ang babaeng ito dito!” sigaw niya sa mga SG niya. Pinahinto ko naman na muna ang mga SG niyang magtatangkang hawakan ako.
“Baka hindi mo alam kung sino ako rito Joan? Baka pagsisihan mo kapag nalaman mo kung anong pwesto ko sa kompanya mo.”
“Wala akong pakialam at kahit kailan hindi ko pagsisisihan kung paaalisin kita rito. Pilit mo lang isinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman belong. Pumunta ka lang ba dito para landiin ang anak ko?”
“Watch your word Mrs. Montesso, ayaw ko ng gulo kaya papasukin mo na ako.”
“Hindi ako tanga para papasukin ka. Hindi hiring ang kompanya namin kaya wala kang lugar dito. Kung hiring man kami ay hindi kami tatanggap ng katulad mong walang natapos.” Napangisi na lang ako ng iduro niya ang noo ko, hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin hanggang sa makita kami ng matandang Montesso.
“Joan! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!” mabilis niya akong dinaluhan at inalis ang kamay ng manugang niyang dinuduro ang noo ko.
“Papa, ano bang ginagawa niyan dito?”
“Ayusin mo ang pananalita mo Joan. Inilagay kita rito para ayusin ang pagsalubong sa mga panauhin ko. You disappointed me.” galit na usal ng matanda, lihim akong napangisi habang pinapanuod ang reaksyon niya. “I’m sorry Ms. Cruz, hindi ko alam na ganito ang mararanasan mo sa kamalditahan ng manugang ko. May magagawa ba ako to lesson your anger?”
“No, it’s nothing Mr. Montesso. Sanay na ako sa mga katulad niya pero hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito rito sa kompanya mo.”
“I’m really sorry, ako na lang ang hihingi ng tawad sa ginawa niya.”
“You don’t have to do that, bakit ka hihingi sa akin ng sorry gayong hindi mo naman kasalanan. Bakit hindi siya ang humingi ng sorry sa akin?” tiningnan ko si Joan ng gulat na gulat niya akong tiningnan. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
“Oh, right. Say sorry to her Joan, huwag na huwag mo akong ipapahiya.” Mahina niyang saad sa huli niyang sinabi pero sapat pa rin para marinig ko. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko dahil sa tuwang gustong kumawala sa loob ko. Tiningnan niya ako saka siya bahagyang yumuko.
“I’m really sorry Ms. Kath. Ipagpaumanhin mo sana ang hindi kagandahang pag-uugali na pinakita ko sayo.”
“Sorry accepted,”sambit ko saka ko siya nilampasan. Ganiyan nga Joan, hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang nasa itaas.
“I’m really sorry about that.”
“Don’t worry Mr. Montesso, I’m okay.” Sabay naman na kaming naglakad patungong conference hall at tanging kaming dalawa na lamang ang hinihintay. Tiningnan ko naman si Xandro na abalang nag-aayos ng projector sa harap. Maybe he’s the presenter.
“Good morning Mr. Montesso.” Sabay sabay nilang bati, tumango na lamang ang matanda at naupo sa harapan.
“Ayos na ba yan iho?” tanong niya sa apo niyang patuloy pa ring may inaayos sa harapan.
“Ayos na po ito Chairman”
“Good, first of all gusto kong ipakilala ko kayong lahat sa isa’t isa because from now on, magtatrabaho na tayo sa iisang kompanya.” Tumango tango naman ang lahat sa sinabi ng matanda.
“Mr. Lawrence one of our investor.”
“Mr. Lou, investor.” Marami pa siyang mga pangalang binanggit at panghuli niyang tinawag ang mga major shareholders niya. Abala naman akong pinapanuod si Xandro sa ginagawa niya sa harap. Alam kong tinitingnan niya ang iprepresent niya ngayon, tinakpan niya ng papel ang harapan ng projector para hindi muna makita kung ano ang nilalaman ng presentation niya.
“And the last, our youngest major shareholders. Ms. Kathryn Cruz.” Tawag sa pangalan ko. Napaangat naman ng tingin si Xandor at nagsalubong ang mga mata namin. Napangisi na lang ako ng muling kumunot ang kaniyang noo. Tumayo naman na ako at pumalakpak naman silang lahat, tanging pagyuko at pagtango na lang ang nagawa ko saka muli akong naupo. Tiningnan ko si Xandro na nasa akin pa rin ang tingin ng mga mata niya. “So, let’s start.” Sambit ng matanda. Pansin ko pa ang paggalaw ng adams apple ni Xandro saka niya pinaluwagan ang kaniyang necktie. Lihim akong natutuwa dahil alam kong apektado siya sa presensya ko.
Uminom naman na muna siya ng tubig bago niya inalis ang papel na nakaharang sa projector.
“Good morning everyone,” paninimula niya. Nginisian ko siya ng muli siyang tumingin sa akin at mabilis ding iniwas ang paningin. Sinimulan niya na ang pagpapaliwanag niya tungkol sa balak nila sa bagong branch ng kanilang kompanya. Nakikinig ako sa kaniya pero hindi ko tinitingnan ang pinepresent nya sa harapan. Nakatitig lang ako sa kaniya na nagiging dahilan ng pag-ubo niya minsan at paghinto, hindi mo tuloy mawari kung kinakabahan ba siya sa presentation niya o hindi siya nakapaghanda. Imposibleng hindi siya nakapaghanda.
I cross my legs even my hand saka ako sumandal at pinanuod ang bawat galaw niya. Nakakatuwa lang siyang panoorin dahil alam kong apektado siya sa presensya at pagtitig ko sa kaniya.