Kabanata 4

2669 Words
Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. Mabilis akong bumangon at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang anak ko sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, base sa mga nakikita ko alam kong nasa isang hindi simpleng bahay lang. Wala akong ideya kung nasaan ako at kung sinong nasa likod ng pagtulong sa akin. Kinuha ko ang baby ko ng umiyak ito saka pinadede, alam kong ilang oras nanaman lang ako nakatulog dahil sa panghihina ko. Lahat ng hirap ko ay dadanasin niyo, lahat ng hirap na pinaranas niyo sa anak ko ay ipaparanas ko rin sa inyo. Walang kabayaran ang ginawa niyong kasalanan sa amin ng anak ko. Babalikan ko kayong lahat. Napalingon na lamang ako sa pintuan ng bumukas iyun at iluwa ang babaeng huli kong nakita kagabi bago ako mawalan ng malay. “Gising ka na pala, papadedein ko sana yung anak mo.” tiningnan ko na lamang ang maliliit na bottle na nakalagay sa isang tray, mukhang nasa sampung bottle yun ng gatas. Napakunot noo na lamang ako dahil napakarami naman niyang gatas na tinimplahan. “Pasensya ka na, hindi ko kasi alam kung anong klase ng gatas ang gusto ng baby mo kaya bumili ako ng marami para kapag hindi niya gusto meron pang iba.” Nahiya naman ako sa kaniya, nag-abala at gumastos pa siya gayong hindi niya naman kami kilala. “Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin, hindi ko alam kung paano kita mababayaran.” Nahihiya kong saad habang henehele ang baby ko. “Hindi ko alam kung anong hirap na pinagdadaanan mo ngayon, hindi ko rin alam kung anong kwento ng buhay mo para maranasan mo ang ganiyang klase ng buhay pero hindi mo naman deserve ang lahat ng ito maging ng baby mo.” ngumiti na lamang ako sa kaniya, hindi ko maipaliwanag ang kabaitan na ipinapakita niya sa akin. “Gusto kitang tulungan.” Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyun, hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin na tutulungan niya ako. Hindi niya ako kilala kaya bakit ang lakas ng loob niyang alukin ako ng tulong. “Hindi mo ako kilala para tulungan mo ng ganun kadali, kung naaawa ka sa sitwasyon ko salamat na lang. Ayaw kong abusuhin ka sa kabaitang ipinapakita mo sa akin, utang ko sayo ang kaligtasan naming mag-ina.” “Don’t say that, I want to help you I insist. Isipin mong tatanggapin mo ito hindi para sayo kundi para sa ikabubuti ng anak mo.” tiningnan ko naman ang anak kong mahimbing ng natutulog sa bisig ko. Ano nga bang kinabukasan ang kaya kong ibigay sa kaniya? paano ko nga ba magagawa ang mga binabalak ko sa pamilya ng mga Montesso kung ito lang ako. Walang kakayahan at hindi alam kung makakaahon pa ba sa hirap. Napatingin na lang ako sa kamay ng babaeng nasa harap ko ng hawakan niya ang kamay ko. “Gusto kitang tulungan na umahon sa buhay.” Makalipas ng mga ilang minutong pag-iisip ko ay ngumiti at tumango na lamang din ako sa kaniya. Pwede ko naman siguro siyang bayaran sa ibang paraan. Mabilis na lumipas ang araw, linggo, buwan maging ng taon. “Mommy, can I play outside?” nilingon ko ang anak kong hawak-hawak ang mga laruan niya at nakatinging nakikiusap sa akin. “Please call your nanny first so she can watch you while playing outside, don’t go near the pool, understand?” “Yes mommy, thank you so much.” Napangiti na lang ako ng halikan niya ako sa pisngi saka tumakbong lumabas na ng bahay habang tinatawag ang kaniyang yaya. Napailing na lang ako dahil sa bilis ng panahon. Anim na taon na rin pala ang nakalilipas simula ng mangyari ang mga peligro sa buhay ko sa Pilipinas. Dinala kami ni Sheila dito sa Canada at dito na nanatili. Pinag-aral niya rin ako at tinulungan ko naman siyang patakbuhin ang kaniyang kompanya. Parang magkapatid na rin ang turing namin sa isa’t isa dahil ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin. “Are you ready? Nasabi mo na ba kay Xander?” hindi ko na nilingon si Sheila ng magsalita siya. Itiniklop ko naman na muna yung laptop ko saka ko siya hinarap. “Not yet, I know he’s going to agree with it beside he like Philippines dahil sa mga nakikita niya.” “Not that,” kunot noo ko siyang tiningnan sa sinabi niya. “About his father, alam kong hindi ka na lang basta-bastang mananahimik sa sulok gayong walang kapatawaran ang mga nagawa nila sayong kasalanan.” “I am not going to introduce Xander to his evil Father, Sheila. He live peacefully these past few years without his father, I don’t want him to be part of that family. Never in my life.” “But Kath, this is his life, Xandro is his father after all no matter what he have done to you.” “No! I said no, Sheila. Guguluhin ko ang buhay nilang lahat pero hindi ko idadamay ang anak ko. I want him to live peacefully.” Habol ko ang hingal ko dahil sa matinding galit na namumuo nanaman sa dibdib ko, sa tuwing nagagalit ako ay tila ba nawawalan ako ng hininga. “If that’s what you want but remember this, hindi mo habang buhay maitatago ang anak mo sa kaniya.” I know kaya nga gagawa ako ng paraan para lang hindi maglandas ang mga daan nilang dalawa. I know he’s happy now with his own family. “Iayos mo na lang ang mga gamit niyo ni Xander dahil aalis din tayo ngayong week. Gaya nga ng sinabi ni Sheila ay umalis din kami ng Canada. Ipinagkatiwala na lamang niya sa mga empleyado niya ang kompanya niya sa Canada. Dala-dala ko na ang malalaking maleta namin ni Xander ng makarating kami sa airport. Sinalubong naman kami ng mga tauhan namin saka kinuha ang lahat ng mga bitbit namin. “It’s so hot here mom but it’s okay. I like it here.” Masayang sambit ng anak ko habang patalon talon at hawak-hawak ang kamay ko. Napangiti na lang ako when I saw the excitement in his eyes. Habang nasa byahe kami ay hindi napigilan ni Xander ang antok niya kaya ng makarating kami sa bahay sa kwarto ko siya agad idineretso. Ipinasok naman na ng mga katulong ang mga gamit namin at inilagay na rin sa mga dapat nila kalagyan. Habang natutulog si Xander ay pumasok muna ako sa maliit na opisina ko rito sa bahay at binuksan ang laptop ko. Kailangan ko ng simulan ang pagtatrabaho ko para mas maiangat ko pa ang negosyo ko. Sa anim na taon kong pananatili sa kompanya ni Sheila ay marami akong natutunan, hindi rin ako humingi sa kaniya ng maaari kong magamit sa pagpapatayo ko ng sariling kompanya, she help me while I’m starting at lahat ng nagagastos niya ay binabayaran ko, gusto niyang huwag ko ng bayaran pero hindi ko kayang abusuhin ang kaniyang kabaitan. Ginawa ko na lamang siyang investor ng kompanya ko, kung wala si Sheila wala ako kung nasaan ako ngayon. She help me a lot at habang buhay ko iyung ipagpapasalamat sa kaniya. Napalingon na lang ako sa pintuan ko ng may kumatok doon. “Come in.” Usal ko, iniluwa naman si Sheila mula sa pintuan. “Masyado naman na yata ang sipag mo, hindi ba pwedeng magpahinga ka na muna dahil kagagaling mo lang ng byahe?” natawa na lang ako sa pagtataray niya. “Kailangan kong pag-aralan ng lubusan ang sarili kong kompanya Sheila, mananatili na lamang iyun na ganun kung hindi ko gagalingan.” “You know what Kath, bakit hindi mo na lang tanggapin yung inaalok ko sayo beside kapag namatay ako sa inyo rin naman ni Xander mapupunta lahat ng kayamanan ko.” “Don’t say that Sheila, magkakapamilya ka pa. Subukan mo kayang buksan uli ang puso mo. Bata ka pa kaya mo pang manganak, masyado mo lang dinamdam ang una mong pag-ibig tsss.” Nasa Canada pa lang kami iyun na ang bukambibig niya, ang ibigay sa akin ang kalahati ng mga ari-arian niya, umangat na ako sa buhay ng dahil sa kaniya at ayaw ko namang pati kayamanan niya ay ibigay sa akin ng ganun kadali. Gusto kong paghirapan ang bawat pag-angat ko. “Masyado na akong nasaktan Kath, ibinigay ko na sa kaniya lahat pero iniwan pa rin niya ako kasama ng babae niya, look what happened to you pare-pareho lang lahat ng lalaki. Iiwan ka kapag nakakita ng iba.” Napairap na lang ako sa kaniya, kaya hanggang ngayon wala pa ring jowa dahil iniisip niyang pare-pareho lang ang mga lalaki. Hindi naman ako naniniwala doon sadyang napunta lang kami sa mga maling lalaki. “Siya nga pala, we’re going to attend a party tomorrow night be ready, mga mahahalagang tao lang ang makakapunta sa lugar na iyun. I got an invitation letter, one for you and one for me.” iniabot niya na sa akin ang isang maliit lang na invitation letter. Mukha ngang hindi simpleng party lang ang pupuntahan namin dahil pati invitation letter ay alam mong mamahalin. Binuklat ko iyun at tanging ‘You are invited Ms. Kathryn Cruz.’ lang ang nakasulat sa gitna at oras at lugar naman sa ibaba. “Excuse me ma’am saan ko po ilalagay ito?” taka akong nilingon ang katulong namin dahil sa sinabi niya, napatingin na rin ako sa malaking maletang dala niya. “Ah hehe, napag-isipan kong dito na lang ako sa inyo Kath, boring kasi sa condo ko. Wala akong Xander na kukulitin.” Nagkibit balikat na lang ako. “If that’s what you want.” “Thanks! Love lots!” napailing na lang ako ng mabilis siyang lumabas ng opisina ko at rinig ko ang pagtakbo niya sa itaas. Tinapos ko na lang lahat ng gawain ko sa laptop saka tiningnan ang revenue this month bago lumabas ng opisina ko. Nadatnan ko naman si Sheila at Xander na kumakain sa kusina. “Mom, you want snack?” abot pa niya sa akin ng sandwich na kinakain niya. “It’s okay baby, I can make one.” Kukunin ko na sana ang sandwich ng iabot sa akin ni Sheila ang dalawa pang sandwich. “Pinaghanda na kita, you want coffee?” “Hmm, pero ako na ang gagawa.” “No, just sit there at ako na.” “What? You’re not a maid here Sheila, let me do that.” “Heeep, I said just sit there. Ano ka ba naman Kath hindi ka na nasanay sa akin.” Tumayo na siya at nagtungong nagtimpla ng kape, mayaman siya pero hindi siya maarte. “Mom, I know your busy tomorrow but can I go to the park with my nanny?” pagpapaalam sa akin ng anak ko. Yumuko naman ako para magpantay ang mga mata namin. “Of course you can, basta yung mga habilin ko sayo sa tuwing umaalis ka huwag mong kalilimutan, okay?” “Yes, Mommy.” Dumaan ang maghapon na iyun at wala lang naman akong masyadong ginawa habang si Sheila naman ay nakipaglaro kay Xander. Hindi ko alam kung anong excitement ang nararamdaman ko ngayon, maaari na akong magsimula sa balak ko. Napatingin na lamang ako sa hawak kong papel at sa pangalan ng kompanya ni Xandro, magpapatayo uli sila ng isang malaking branch dito sa Manila na maaaring mas maging main ng kompanya nila. Inutusan ko ang secretary ko na magiging investor ako ng branch nilang iyun. I can’t wait to work with you Xandro. “Ready?” tanong sa akin ni Sheila ng pumasok siya sa kwarto ko. “You’re gorgeous tonight Kath, for sure you will be the center tonight.” Muli ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin, kitang kita ko na ang malaki kong pagbabago anim na taon na ang nakalilipas. Tuluyan ng nawala ang Kath na hindi marunong lumaban at minamaliit lang. Hintayin niyo ako, hintayin niyo lang ako sa gagawin niyo. Ako ang magiging bangungot niyo. “Let’s go.” Aya ko kay Sheila, I am just wearing a simple red dress na mas lalong bumagay sa mapula kong labi. Napangisi na lamang ako. Sinilip ko naman na muna ang anak kong natutulog na sa kwarto. Pagkatapos ay lumabas na kaming dalawa ni Sheila at sumakay sa limousine na naghihintay sa amin sa labas. Hindi naman kami naipit sa traffic kaya mabilis kaming nakarating sa event. Hindi pa lamang kami nakakalabas ay tumatama na sa sasakyan namin ang sunod sunod na pagflash ng mga camera. Humugot naman na muna ako ng malalim na hininga ng maramdaman ko ang kamay ni Sheila sa kamay ko. “Don’t worry dear, I know it’s your first time in this kind of event. Remember this ang Kathryn noon ay matagal ng patay.” Pagpapalakas niya sa akin, I’m really thankful dahil nandiyan palagi si Sheila sa tabi ko para alalayan ako. She’s right, matagal ng patay ang Kathryn na nakilala nila noon, matagal na nila akong pinatay. Pinagbuksan naman na kami ng mga bodyguards namin at sunod-sunod na mga flash ng camera ang nakapagpasakit sa aking mga mata. Sabay na kaming tumapak ni Sheila sa red carpet at taas noong naglakad hanggang sa makapasok kami. Inilibot ko ang paningin ko at halata namang mga mahahalagang tao lang ang nandito ngayon sa event base pa lamang sa mga mamahalin nilang mga damit at gamit. “Good evening Sheila.” Bati ng ilang mga negosyante kay Sheila ng harangan nila kami. “Good evening.” “Hindi ko alam na may kasama ka pala ngayon.” “Yes, she’s Kathryn Cruz by the way.” Pakilala sa akin ni Sheila. “Wait, sounds familiar. Hindi ko alam kung saan ko na narinig ang pangalan mo.” usal sa akin ng isang lalaking may katandaan na rin. “She’s from Canada, the owner of the fashionista company.” “Oh! Right, nice to meet you Ms. Cruz. Nasa Canada ka pa lang ay kilala na ang pangalan mo rito sa Pilipinas. I’m glad that I met you.” Inilahad niya sa akin ang kamay niya at may ngiti ko naman iyung tinanggap. “Nice to meet you too?” “Mr. Reyes.” “Oh, Mr. Reyes.” Ilang mga negosyante rin ang mga nakilala ko ngayon gabi pero hindi lahat ay kaya ko silang tandaan. Wala na akong panahon para tandaan lahat ng mga pangalan nila. Isang kompanya lang dito sa Pilipinas ang target ko at yun ay ang kompanya ni Xandro. “Excuse me.” sambit ko ng mag-usap usap sila. Sinenyasan ko naman na muna si Sheila na aalis na muna ako at tanging tango na lang ang nagawa niya. Inilibot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng lugar na ito, halatang tanging may mga kayang tao lang ang makakapagrenta sa ganitong klase ng lugar. Lumapit na muna ako sa mga lamesa kung nasaan ang mga pagkain, naalala kong hindi nga pala kami kumain ni Sheila bago umalis. Nanguha na lamang muna ako ng kaya kong ubusin at pangtawid gutom na lang muna. Nang matapos ako ay iniabot ko sa isang staff ang pinagkainan ko dahil ayaw ko namang magmukhang dugyot ang lamesa. Nagsalin na lamang ako ng kaunting wine sa wine glass ko at dahan-dahan kong pinaikot habang nakatingin sa paligid. “Excuse me Miss, Can I have some wine?” gumilid naman ako dahil nahaharangan ko ang wine. “Sure, I’m sorry.” Usal ko ng hindi ko tinitingnan ang lalaki. Abala ako sa pag-inom ng wine ko ng marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. “Kath?” hindi ko alam pero ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. After so many years, narinig ko nanaman ang boses niya. Lakas loob ko siyang nilingon at kunot na kunot na ang kaniyang noo ng magsalubong ang mga mata namin. “Xandro.” Usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD