Kung ano man ang sadya niya rito, iyon ang hindi ko alam. Mula sa kwarto, tinawag ko si Diana upang pagbuksan ng gate si Trivo saka papasukin. Inayos ko muna ang sarili sa harap ng salamin at nag-ensayong ngumiti. Dahan-dahan ang ginawa kong lakad pababa ng hagdan. Saktong sa pagbaba ko ay namataan ko na si Trivo sa sofa, ine-entertain ni Diana. “Oh, ayan pala si Trivo. Kumain ka na ba ‘nak?” tanong ni Nanay nang sumilip siya mula sa kusina. Nang makita ako ni Trivo na naglalakad na ngayon palapit sa kaniya, tumayo siya at nagmamadaling lumapit sa akin. “Tulungan na kita,” aniya sa mahinang boses. Tumango ako nang marahan at ginawaran siya ng ngiti. “Salamat…” Si Diana ay umakyat na muli sa kwarto nila ni Nanay kaya kaming dalawa na lang ngayon ni Trivo ang nakatambay s

