Agad kong ibinalik ang atensyon kay Arlet nang makita ang prenteng paninitig niya sa akin. Saglit akong suminghap at pilit na ngumiti. "Kamusta ka? Ang tagal mo na rin dito..." mahina kong wika. Tinitigan ko nang mariin ang kaniyang detalye. Bagsak ang buhok niya at halata na ang pagod sa kaniyang mga mata. Gayunpaman, prominente pa rin ang pagiging matipuno ng pangangatawan. Na para bang kahit nahihirapan sa buhay ay hindi pa rin pinababayaan ang kondisyon ng katawan. Hindi niya sinagot ang aking tanong. "Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" Tumitig ako sa kaniya sa mahabang segundo at napakurap-kurap. Huminga ako nang malalim at nagpakita ng multo ng ngiti sa labi. "Fiance ko..." Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa mesa at yumuko roon. Bahagya nang huminah

