Pumirmi ang tingin ko sa labas ng bintana nitong kotse. Gumapang ang kamay ko sa front door glass at namamangha sa malawak na larawan ng syudad. Totoo bang nasa Manila na ako? Isang linggo ang aming inabot upang hintayin ang pagkakataon na ito dahil naging abala pa sa pagsasa-ayos ng leave si Galileo. Sa isang linggo kung saan opisyal ang aming engagement, pagkasabik ang tangi kong naramdaman dahil pinangako niyang dadalhin ako rito sa Manila at ipakikilala sa kaniyang mga kaibigan. Naroon ang kaba ngunit kailangan. Nararapat lang na ipaalam sa mga kakilala upang madali nang bakuran. Sa gwapo ba naman niyang 'yan, nasisiguro kong hindi lang ako ang ganito kapatay sa kaniya. Nanibago ako sa aking nakikita. Matataas na building, liko-likong sky ways, siksikang mga sasakyan, at samu't sarin

